7

1.2K 64 95
                                    

Kilig...


"Ang tamad tamad mo talagang lumabas,"

I turn my attention to my right when I heard his voice from the doorway of my room. Nakasandal siya sa dahon ng aking pintuan at mukhang bored na bored pa. Baka hindi na naman nakalandi ang lalaking ito kaya hindi na naman makangiti.

Iniipit ko ang hawak kong pen sa loob ng notebook bago inilapag iyon sa gilid ng aking kama. Sinenyasan ko siya na pumasok at isara ang pinto. Our maid lead Milan inside kaya nakabukas ang pinto kanina. Bago kase ang kasambahay namin na iyon kaya hindi niya kilala si Milan.

Ngumuso ako at pinanuod siyang maglakad patungo sa aking kama. He was wearing an oversized white shirt and a sweat shorts. Nakamedya na lamang siya ngunit suot niya ang isa sa aking indoor slippers at pinigilan ko ang mapabungisngis dahil pink pa ang kulay noon,  paborito kase ng nagregalo.

"Ano na naman ang kailangan mo?" nakanguso kong turan. Ang aga niyang bumisita. So ibig sabihin ay maaga niya ding pabibigatin nag pakiramdam ko. Alas nueve pa lamang ay agad na naman akong masasampal ng katotohanang patay na patay ako sa manhid na lalaking ito.

"Namimiss kita, masama na bang bisitahin ang prinsesa ko ngayon?" nakangisi niyang turan. He just said those words nonchalantly ngunit hindj niya alam ay halos tumalon na naman ang puso ko palabas ng aking dibdib dahil sa sobrang kilig.

Bwisit ka talaga Milan! Ang pokpok talaga ng bibig ng lalaking ito!

Sinikap kong hindi mapangiti ngunit hindi ko napigilan. Agad na sumilay sa aking labi ang ngiting kanina ko pa gustong ipagdamot sa kanya. He always calls me that, his princess - isang bagay na nakagawian na niya simula noong bata pa kami.

The truth is, just seeing him is more than enough to make me smile.

"How am I your princess when you're seeing a lot of girls?"

Bigla na lamang siyang humilata mula sa pagkakaupo sa aking kama kaya naman iniunan niya ang kanyang ulo sa aking hita na nababalot pa ng makapal na kumot habang ang kalahati ng kanyang katawan ay nakalaylay pa din sa gilid ng kama.

Napangiti ako.

He's back at it again. Being all sweet towards me.

Nakagat ko ang pang ibaba kong labi. Wala siyang kamalay malay na napakadelikado niya sa kwarto ko. Kapag nawala ako sa sarili at kung ano na lang ang maisip ay baka mahatak ko na lamang ang manhid na ito at pumatong na lamang ako sa kanya.

Kaya lang wala e.

I can't do that. I'm not that strong enough to to throw our friendship away, na sigurado akong maaapektuhan kapag nalaman niya ang nararamdaman ko.

I'd rather keep myself getting hurt than lose him altogether.

"You will always be my princess. Kahit na mag asawa ka, prinsesa pa rin kita. Remember when we were still kids?" nakangiti pa siya habang nakaangat ang tingin sa akin.

Gusto kong tawanan ang sinabi niya. Did he actually pictured me being married?


Buti pa siya ay naiisip ang bagay na iyon habang ako ay siya lamang ang pinapangarap.

For a moment, I thought about diving for his heart-shaped lips. Kase sobrang nakakaakit, but of course I'm not that stupid.

"Hindi ba parang ang tanda ko na para maging prinsesa mo? Why don't you make me your queen instead?" biro ko sa kanya. Nagsimulang kumilos ang aking kamay at dahan dahang sinuklay ng aking daliri ang kanyang buhok. He even closed his eyes for a moment, my fluttered even more.

MILAN (P.S#4)Where stories live. Discover now