31

1K 52 21
                                    

Hihintayin...

"Punta na lang ako sa school maya maya,"

Iniitsa ko sa kama ang aking telepono matapos ma-isend ang message ay Milan. 

Nanlalata man ay tinungo ko na ang aking banyo para maligo. I have been neglecting Milan lately. And I know na nakakahalata na siya.

I don't want him to think that there is something wrong going on in our relationship. Kung ano ang naging pag uusap namin ni Julio ay labas na siya roon.

Speaking of that guy, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa mga ikinikilos niya. When he said he's going to move on, napapansin ko naman na ginagawa niya talaga iyon. Kaya lang ay hindi ko talaga maiwasang ang isipin na nahihirapan pa rin ang aking kababata nang dahil lamang sa'kin.

What if maykaroon sila ng problema ni Milan?

Iyon ang mas lalong nakapagpapabigat ng aking kalooban. Ayaw ko na dumating sa puntong, si Milan ang kailangang mamili sa pagitan ko at sa pamilya niya.

I don't want that.

Nang matapos maligo ay kumuha na lamang ako ng maisusuot. I grab a pants and a plain shirt para maging komportable. Nag blow dry din ako ng buhok para maiipit ko siya agad mamaya.

I was about to sit in my vanity mirror at maglagay sana ng makeup ng may sunod sunod na katok na bumasag sa katahimikang namamayani sa'king silid.

"Dakota!"

Napakunot ang aking noo. That's Julio.

Bakit parang ang lakas ng boses niya? Is he okay?

Sa naisip ay nagmamadali kong tinungo ang aking pintuan at pinagbuksan ito.

But the moment I opened the door, tumambad sa'kin ang namumugto niyang mga mata habang may mga luha pang pumapatak doon.

"Julio, are you okay?" nag aalala kong tanong.

His eyes met mine at kitang kita ko kung paano siya biglang umiling.

"Fuck, I don't know how to say this to you..." bigla niyang bulong na nahilamos pa ang kanyang mukha sa sobrang frustration.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong kinabahan.

"Ano ba iyon, Julio?" kabado ko ng tanong.

And then, nagulat na lamang ako ng bumukas rin ang silid ng aking mga magulang at mapansin na nagkukumahog pa sa pagsusuot ng coat ang aking ama.

Nagtama ang aming mga mata ni Mama at bigla na lamang siyang umiyak.

"Oh, baby... Don't worry, he will be okay..." anito na dinamba pa ako ng yakap.

Bahagya akong nanigas mula sa'king pagkakatayo at hindi na alam ang gagawin.

Samu't saring emosyon na ang gumulo sa'king sistema at parang biglang nablangko ang aking utak.

Sino ang magiging okay? Ano ba ang sinasabi nila? At bakit umiiyak si Mama?

"Can you drive safely, iho? I can have one of our drivers to take your car. Mas mapapanatag ako kung ganoon. You and Elisse can go together," nadinig kong turan ni Papa. Tumango na lamang si Julio na muling ibinaling sa'kin ang tingin.

"Ano'ng nangyayari?" pumiyok na ang aking boses at may kung ano ng nabubuong hinala sa'king utak.

Pakiramdam ko ay hinahalukay na ang aking tiyan at hindi na ako makahinga ng maayos.

Please, No... Huwag ang iniisip ko...

Nagsimula ng manghina ang aking tuhod at mabilis akong naalalayan ni Julio. My Mom hugged my father, still crying.

MILAN (P.S#4)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant