48

1.4K 54 28
                                    

Advance...

"Payag ako,"

Napalingon ako agad sa'king ama nang marinig ang naging tugon nito. Bakit ang bilis niya lang pumayag?

"Pa?  Ganoon na iyon? Papamigay mo ko agad?" nakanguso kong turan. Parang dapat yata akong magtampo ah. Hindi na yata ako mahal ni Papa at ganoon na lang kung ipamigay ako. Nagsabi na kasi si Milan na baka mapadalas ang hindi ko pag uwi. Nag heads up na rin ito na isa sa mga nalalapit na araw ay baka umuwi ang kanyang mga magulang para kausapin sila papa. 

Milan didn't have to surprise me with a proposal. We naturally talked about it, that the two of us will get married. Papaunahin lamang namin sila Ulap dahil may anak naman na rin ang mga ito. We want Teesha to be legitimately under Cloud's name too. Which reminds me, mukhang hindi pa nila naaasikaso maging ang paglipat ng apelyido ni Taias.

Pinagtaasan ako nito ng kilay bago ibinaba ang tasa ng kape na kanina pa nito hawak. 

"Sige, bawiin ko na lang. Maghiwalay na lang kayo," angil nito na ikinatawa agad ni Mama.  Hinampas naman agad ni Mama ang braso nito at ako naman ay sumimangot na. Wala si Andrea dahil nasa honeymoon pa ito. 


"Stop teasing your daughter,"

Nagkandahaba na ang aking nguso at naramdaman ko naman ang pag ikot ng isang kamay ni Milan sa aking baywang. Pinisil nito iyon kaya naman napatingin ako sa kanyang gawi. He gave me a smile and I still pouted.

Oo nga at gusto ko siyang makasama pero naisip ko, sino na lang ang makakasama nila Mama at Papa?

Bigla akong nalungkot sa naisip. Para tuloy ayaw ko na lang umalis dito sa bahay.

Dito na din kami naghapunan nila Milan. He and Papa even talked after. Hindi ko na alam kung ano ang pinag usapan nila dahil pinili ko na lamang umakyat muli sa aking silid.

Umupo ako sa kama at napatingin sa larawang nakapatong sa'king bedside table. Nakakatuwang tignan na mayroon kaming family picture at kasama pa si tita Katherine.

Para na rin itong pangalawa kong ina.  Her and Mom had become friends too. Weird siguro para sa iba ngunit tanggap ko iyon. Napakabait rin kasi nito at hanggang ngayon ay nagsisikap pa rin para sa kanyang anak kahit pa nga inako naman na ni Papa ang lahat ng pangangailangan noon ni Andrea. Isa pa ay kasal na ito kay Chase.  Kahit ang kaapu-apuhan nito ay hindi na maghihirap.

Napangiti ako. Idol na idol ko kasi si Mama noon, at kahit na ngayon. Paano niya kaya nakaya lahat?

I mean, tita Kath is kind but that's still something. Kung sa akin ba mangyayari iyon ay kakayanin ko din?

Napabuntong hininga ako bago ibinalik ang larawan sa lamesa. I made a mental note to go and visit Andrea's mom para din makapagpaalam dito. 

Natapos na din namang mag usap si Milan at si Papa. After an hour ay binabagtas na naming muli ang daan paalis sa aming bahay.

Milan is driving. Hindi ako ganoon ka-komportable na nagmamaneho siya but I know at some point, ay kailangang kong sanayin ang sarili ko sa bagay na iyon. Ayaw kong malunod sa takot na anumang sandali ay may mangyayaring hindi maganda sa kanya.

"Hey..." pukaw ni Milan sa aking atensyon. Ipinatong nito ang kamay saking hita at pinisil iyon.

Napalingon ako sa kanya bago ngumiti. Alam kong nag aalala ito sa'kin dahil kanina pa ako walnag imik. Sadya lamang mabigat ang aking pakiramdam dahil sa mga naiisip.

MILAN (P.S#4)Where stories live. Discover now