43

1.3K 61 46
                                    

Did we...



"I love you..."

Hindi ako nagpatinag sa kanyang mga salita.  I just stood there,  watching everyone as they all panic. 

"I love you, Dee...mahal kita,  mahal na mahal,"

Kahit pa nga para bang tinatambol na ang aking puso sa sobrang lakas ng tibok niyon ay sinikap ko pa ring huwag magpakita ng masyadong reaksyon.

Bwisit,  bakit ba kasi mas lalo pa yata siyang gumwapo? Two days lang naman kaming hindi nagkita pero pakiramdam ko mas tumingkad ang angkin niyang kagwapuhan at talagang pinapahirapan ako.

Paano ba hindi maging marupok pagdating kay Milan?

"Please lang, huwag kayo sa gitna ng hagdanan maglandian. May shooting ba kayong dalawa dyan?" napalingon kami ni Milan ng marinig ang pagsusungit ni Aedree. 


Bagong paligo ito hindi nakaligtas sa'king mga mata ang hickey na sumisilip sa kanyang damit.  Ang dudumi talaga. Sobrang rupok, as in.


Mukhang hindi lamang ako ang nakapansin noon dahil maging Milan ay napaismid.

"Kuya, next time naman magsuot ka ng long sleeves, or anything that will hide those hickeys,".


Nagpatuloy naman sa pagbaba itong si Aedree kaya naiwan kami ni Milan sa bukana ng hagdanan.  Nasa itaas kasi kami at pinapanuod ang mga kasambahay na nagliligpit sa ibaba. 

Chase and Andrea just had their wedding at walang kasing bilis ang dalawa dahil lumipad agad para sa kanilang honeymoon.

"Wala kang pakialam, Ulan. Pinaghirapan ng baby ko yan and I'm proud of her. Ibabandera ko sa buong mundo lahat ng pinaghihirapan ng baby ko. Kung inggit ka, ayan si Dakota. Wala pang sampung hakbang ang kwarto mo, mga punyeta kayo,"

Nakuha pa kami nitong irapan bago mabilis na naglakad palabas. 

Agad namang namula ang aking pisngi dahil sa tinuran nito. Bigla kong naalala ang gabing may nangyari sa'min doon din mismo sa silid na iyon.

Aedree and his foul mouth.  Humanda siya sa'kin mamaya. Sasapukin ko talaga ang lalaking iyan.


Napaubo din agad si Milan at nag iwas ng tingin. I was sure I caught his cheeks getting red too.

Hindi naman niya natatandaan iyon di ba?

"Ah," umpisa niya.  Bigla tuloy naging mas awkward ang atmosphere sa pagitan namin.

"Did we..." nakaangat ang kanyang kilay at ako naman ay mas lalong nanlaki ang mga mata.

"What?" I exclaimed. Bahagya pang kinabahan. Ano ba ang itinatanong niya?


Parang binabayo na agad ang aking dibdib sa bilis ng naging tibok niyon.  Naipaypay ko ang aking kamay saking mukha dahil parang biglang uminit.

"I mean, did I -"

"Stop!" mukhang maging siya ay nagulat sa aking naging pagsigaw. Nang mapatingin ako sa baba ay napansin ko na agad ang ilang kasambahay na napapatingin sa'ming direksyon. 

Napakapit ako sa maiksing dress na aking suot.  Hindi pa kasi ako nakakauwi para makapagpalit. Ang usapan kasi ay mag kukwentuhan kaming mga babae but for some reason, I can't seem to find them.

"Dee," tawag niya sa akin.  But my ears are feeling so hot kaya mabilis akong napatalikod at halos manakbo na patungo sa pasilyo. Nang lumiko ako ay nakita ko pa si Julio na palabas ng kanyang silid.  Salubong ang kilay nito at tila nagtataka sa aking itsura. 

MILAN (P.S#4)Where stories live. Discover now