His Obsession 3: Kidnapped

49.7K 1.2K 390
                                    


Hensely's POV

" Ito pa, ito pa. Ehem, aso ka ba? "

Natatawa-tawa naman kami ni Janina dahil sa tanong nya. Sabay-sabay kami ngayon papuntang canteen para mag tanghalian.

" Bakit? " Natawa na sagot ko.

" Kase ASOinlove with you. BOOMMM! "

Nag-dub pa sya pagkatapos sabihin yun. Tawa lang kami ng tawa ni Janina. May ibang napapatingin sa amin at naiiling na tumitingin kay Ian. Siguradong iniisip nila na bakit nya ako kasama.

" Naku, Ian. Puro ka kalokohan. Ewan ko na lang kung maka BOOM ka pa dyan kapag nakidnap ka mamaya. "

Natahimik ako dahil sa sinabi ni Janina. Paano kung totoo yung sinasabi nilang sumpa ko? Paano kung makidnap nga si Ian mamaya? Hindi kakayanin ng konsensya kung mata-trauma din sya dahil sa mga pwedeng mangyari. Napaka-sigla nyang tao at ayaw kong mabago iyon.

" Ako? Kikidnapin nila? Baka iuntog ko sila sa muscles ko."

Sabi ni Ian at ipinakita ang muscles nya kuno. Medyo payat kasi si Ian kaya't buto lang ang nakita namin at hindi muscles. CHARR.

" Muscle? Nasan ang muscle dyan? HAHAHA! "

Pambabara ni Janina. Natawa naman ako dahil doon. Nakita ko namang sumibangot si Ian.

" Nasa pwet ko, nag kakape."

Sabi nya at nauna nang maglakad sa amin. Iniwan nya lang kami dito ng tawa ng tawa.

***

Ian's POV

" Bye, Hensley. Ingat ka papakasalan pa kita."

Sabi ko habang kumakaway. Nakita ko namang natawa sya dahil sa sinabi ko. Ano kayang nakakatawa don? *Pout*

" Paano ako? "

Nakangusong sabi ni Janina. This time,ako naman ang tumawa.

" Ingat ka,Janina."

Nakangiting sabi ko. Nakita ko naman syang ngumiti.

" Papatayin pa kita."

Dugtong ko na syang ikinatawa ni Hensely. Gustong-gusto ko talagang nakikita ang tawa nya.

Noong una ko syang makita sa room,tinamaan na agad ako. Napaka-ganda kasi nya at napaka-angelic ng mukha. Masaya din syang kasama.

Aaminin ko,natakot din ako noong sinabi nila na may sumpa sya. Sino ba namang hindi matatakot makidnap? Pero mas nakakatakot kung hindi ko sya makikilala. Ok na din yung iniisip nila na may sumpa si Hensley para walang lumapit sa kanyang iba. Parang tanga lang ako eh no?

Natapos ang pagiisip ko ng may puting van na huminto sa gilid ko. Lumakas ang tibok ng puso ko. Totoo ba ang sumpa ni Hensely?

" Iho."

Bumukas ang pinto ng van at nakita ko ang isang matanda.

" B-bakit po? "

Shit! Kinakabahan ako. Pero kahit anong mangyari ay di ko iiwasan si Hensely.

"  Pwede ko bang itanong kung saan may malapit na kainan dito? Kanina pa kasi kami paikot-ikot pero wala kaming makita."

" Pasensya na po. Bago lang po kasi ako dito kaya di ko po alam kung saan meron."

Kinakabahan parin na sagot ko.

" Ay,ganun ba iho? Sige't mauna na kami. Pasensya na sa abala."

Nakahinga ako ng maluwag ng sumara na ang pinto ng van at umandar palayo. Grabe, kinabahan ako dun ah.

Lalakad na sana ako ng may maramdaman akong nagtakip ng panyo sa aking ilong. Pilit akong kumawala pero mas malakas sa akin ang lalaki. Unti-unting nanghina ang katawan ko at ang huling naalala ko ay ipinasok ako ng lalaki sa isang itim na van.

***
Hensley's POV

" 810 pesos po lahat."

Sabi koy Ate sabay abot ng mga binili nya. As usual,pinakyaw na naman nya. Inabutan nya ako ng isang libo. Susuklian ko na sana sya kaya lang ay umalis na sya agad. Ok, Hensely. Di ka pa ba nadadala sa keep-the-change attitude ni Ate?

Nang nakaalis si Ate ay syang labas ni Mama galing sa loob ng bahay. May bitbit pa itong lalagyan ng mga inihaw.

Pagka-alis ni Ate ay naglalabas ulit ng paninda si Mama dahil maraming nag rereklamo na nauubusan daw sila. Eh yung mga kapit-bahay pa namam namin ay gustong-gusto na iniuulam ito.

" Pumasok ka na sa loob,anak. May pasok ka pa bukas."

Sabi ni Mama at inagaw sa akin ang pamaypay.

" Sigurado po ba kayo,Mama? Kaya ko pa naman po eh."

Nginitian lang ako ni Mama at saka ako pinagtulakan sa loob.

---

Nasa canteen kami ngayon ni Janina. Medyo matamalay sya pati na rin ako. Hindi kasi pumasok si Ian at hindi matanggal sa isip ko ang sinasabi nila na sumpa ko daw.

Masama ang tingin sa akin ng ibang babae samantalang puno naman ng awa ang iba. Ano bang naging kasalanan ko para mangyari sa akin ito? Lagi naman akong nagdadasal at kahit isang beses ay di ko pa sinuway ang utos ng mama at mga nakatatanda sa akin.

" Sa tingin mo ay ok lang si Ian? "

Matamlay na tanong ko kay Janina. Pilit ang ngiti nitong sumagot sa akin.

" Ano ka ba naman, Hensely. Syempre naman ok lang sya. Siguro ay may importante lang na ginagawa. Diba nga kakalipat lang nila dyan? "

Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi nya.

" HOYYYYYY! IKAW! "

Natahimik ang lahat ng nasa canteen ng may biglang pumasok na babae. Mabilis itong lumapit sa akin.

" Walangya ka, SAAN MO DINALA SI IAN."

Kasunod noon ay naramdaman ko ang kanyang palad sa akin pisngi. Sino ba sya?

His Obsession - COMPLETEDWhere stories live. Discover now