His Obsession 4: Who is he?

47.1K 1.2K 219
                                    


Hensley's POV

" Walangya ka, SAAN MO DINALA SI IAN."

Kasunod noon ay naramdaman ko ang kanyang palad sa akin pisngi. Sino ba sya?

Napahawak ako sa pisngi ko na sinampal nya. Buong buhay ko ay hindi ako pinagbuhatan ng kamay ni Mama,tapos bigla na lang masasampal ako ng babaeng di ko kilala?

" Hoy! Bakit mo sinampal ang best friend ko? "

Itinulak palayo ni Janina ang babae. Ngunit hindi ito nag papigil. Nang makalapit sya sa akin ay agad nya akong hinila sa buhok. Nahulog ako sa upuan kaya't dinaganan nya ako.

" WALANG HIYA KA. NG DAHIL SAYO,NG DAHIL SA SUMPA MO, NAWALA SI IAN."

Hinaltak nya ng hinaltak ang buhok. Wala na akong nagawa kundi ang umiyak. Masakit ang ginagawa nya ngunit mas masakit ang sinabi nya. Natatakot ako na baka nakidnap nga si Ian at matrauma gaya ng nangyayari sa iba.

" Walang kinalaman si Hensley sa pagkawala ni Ian. Bitawan mo ang best friend ko."

Nahatak palayo ni Janina ang babae at itinayo nya ako. Iyak lang ako ng iyak habang nakayakap kay Janina. Nakita kong pinipigilan na din ng ibang tao ang babae para hindi makalapit sa akin.

" HENSLEY."

Napatingin kaming lahat kung saan nanggaling ang sigaw. Tumahimik ang buong canteen hanggang sa makalapit sya sa akin.

" I-ian? "

Si Ian. Nandito sya. Maayos ang itsura nya at nilalapitan nya parin ako. Ibig sabihin ay walang nangyaring masama sa kanya.

" A-anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang itsura mo? "

Puno ng pag aalalang tanong nito sa akin. Lalong lumakas ang iyak ko. Hindi dahil sa sabunot at sampal na natanggap ko kundi dahil sa katotohanang ligtas si Ian. Salamat naman.

" Paano yang babaeng yan. Bigla na lang nyang sinaktan si Hensely eh kumakain lang naman kami."

Napatingin si Ian sa babaeng sumampal sa akin kanina. Agad itong tumakbo patungo kay Ian dinamba ng yakap. Umiiyak ito at nanginginig pa ang mga kamay.

" I-ian,saan ka ba nanggaling,huh? Bakit bigla ka na lang nawala. Nag-alala ako sayo ng sobra."

Umiiyak na turan nito habang nanatiling nakayakap kay Ian. Sino ba sya?

" Sorry kung nagalala ka. Pero Ate naman,bakit mo naman sinaktan ai Hensely. Wala naman syang ginawa? "

Ate?

" Sorry. Nablangko lang kasi talaga ang utak ko dahil hindi ka umuwi kagabi. Tas narinig ko pa ang mga balita tungkol sa kanya. N-natakot lang ako."

Humarap ito sa akin. Lalapit sana sya pero nilagay ako ni Janina sa likod nya.

" S-sorry, Hensely. Natakot lang talaga ako na baka kung ano ng nangyari sa kapatid ko. Natakot ako na baka totoo ang sinasabi nilang may sumpa ka daw. Patawadin mo sana ako."

Alam kong sincere ang pag hingi nya ng tawad sa akin. Siguro ay nag alala lang talaga sya ng sobra.

" Ano ba naman kasi? 2019 na at malapit na mag 2020 pero naniniwala parin kayo sa sumpa? Kailangan pa talagang saktang ang bestfriend ko? "

His Obsession - COMPLETEDWhere stories live. Discover now