His Obsession 15: Meet his Wife

34.6K 1K 114
                                    


Hensely's POV

" a-aalis na po ako."

Akmang tatalikod na ako kaya lang ay pinigilan nya ako.

" No one gonna leave this house,My dearest Hensely."

Pinilit kong tanggalin ang kamay nitong nakahawak sa braso ko pero masyado itong mahigpit. Nang tignan ko ang mata nya ay nakita ko ang galit sa mga ito. Umiigting din ang kanyang mga panga.

Wala sa sariling tumingin ako sa paligid. Ano na lang mangyayari sa akin kapag biglang dumating ang asawa nya?

" B-bitawan nyo po a-ako. G-gusto ko na pong umuwi."

Natatakot na sabi ko. Sa itsura nya ngayon ay para syang mangangain ng tao. Ngayon ko lang din naisip kung bakit ako sumama sa kanya. Hindi ko nga sya kilala at noon ko lang din sya nakita. Paano kung masamang tao pala sya? Naramdaman kong lalong humigpit ang pagkaka-hawak nya sa braso ko.

" YOU'RE.NOT.GOING.TO.LEAVE.THIS.HOUSE."

Madiin ang bawat pagkakasabi nya nito.

" N-nasasaktan po ako."

Sabi ko at pilit pinalag ang braso ko. Doon naman sya parang natauhan at bumitaw sa akin. Marahan naman nyang hinimas ang braso kong namumula dahil sa higpit ng hawak nya. Nakita ko ang pag-aalala at pag-sisisi sa kanyang mga mata.

" I'm sorry, my love. Did it hurts to much? "

Sinserong sabi nito. Napapikit naman ako ng maramdaman kong hinalikan nya ang namumula kong braso.

" I'm sorry,ok. Just...just clean yourself first. "

Inipit nya ang mga kaunting buhok na kumawala sa aking ipit.

" I won't let you go home looking like that,ok? "

Hindi ko alam kung anong meron sya at napapasunod nya ako. Pinapasok nya ako sa banyo at binigyan ng puting bistida.

" I'll wait for you downstairs. "

Sabi nito at saka ako hinalikan sa noo. Pumasok ako sa loob ng cr. Malaki ang banyong ito. May malaking bathtub at shower. May malaki ding salamin kaya't mabilis akong nagpunta doon at pinag-masda ang aking sarili.

" Ano bang nangyayari sayo, Hensely? Bakit hinahayaan mo ang lalaking iyon na halikan ka? Hindi mo nga sya kilala eh. Tapos ngayon nalaman mo pang may asawa't-anak na pala sya. Anong balak mo sa sarili mo? Maging kabit? Luka-luka ka talaga."

Sinabunutan ko ang sarili ko sa inis. Naglinis na lang ako ng katawan ko. Bumalik na sa kayumanggi ang kulay ng mahaba kong buhok. Water based lang naman ang ginamit na hair paint ni Janina kaya madali lang itong natanggal.

Sinuot ko na ang puting bistidang ibinigay nya sa akin bago bumaba.

***

" Sir, nadyan na po si Señora."

Nakayukong sabi ng isang katulong. Kasalukuyan kaming nakaupo sa hapag-kainan.

Hindi ko naman naiwasan ng kabahan. Nagmamakaawa akong tumingin kay Mr. Konstantine para pauwiin na ako pero parang wala syang pakialam na parating na asawa nya.

" MOMMYYYYYYY."

Mabilis na tumakbo ang batang babae patungo sa babaeng nakatayo sa pinto ng kusina.

Napaka-sopistida nitong tignan sa pula nyang mini skirt. Naka pula din syang heels at pulang bag at nakapulang shades.

" Hi darling. You missed mommy? "

Malambing na tanong nito sa anak. Nagulat ako ng hapitin ako sa bewang ni Mr. Konstantine at inilapit ang upuan ko sa kanya. Nilagyan nya ng pagkain ang plato ko.

Nanginginig lang ako sa takot. Bakit nya ba ito ginagawa? Nandito ang asawa nya at wala akong balak maging kabit.

" What's the meaning of this,Blood."

Nagulat ako ng makitang nakatayo na sa harap namin ang asawa nya. Pinilit kong tanggalin ang kamay nyang nakalagay sa bewang ko pero ayaw nya.

" I told you,Daddy. Mommy will get mad that you bring another girl in our house."

Sabi ng batang ngayon ay buhat ng kanyang ina.

" Yaya, bring Rianna on her  room. I just some business to finish here."

Malamig na sabi nito habang diretso ang tingin sa aking mga mata.

Kinuha ng katulong si Rianna at umakyat sila sa taas. Nakatingin lang sa akin ang babae samantalang parang walang pakialam si Mr. Konstantine na nasa tabi ko.

" I'm Zianna White Konstantine. "

Malamig na turan nito sa akin. Konstantine? Ibig sabihin ay asawa nga nya ito?

" And you? who.the.hell.are.you? Bitch? "

Malamig na sabi nito. Napayuko na lamang ako. Alam kong wala akong kasalanan pero nahihiya ako sa sarili ko.

" I'M ASKING YOU. WHO ARE YOU? "

Galit na sigaw ng babae. Mabilis namang tumulo ang mga luha ko dahil sa takot at kaba.

" DON'T YOU DARE CALL HER BITCH, ZIANNA. AND YOU DON'T HAVE THE RIGHT TO SHOUT ON HER."

Nagulat ako sa biglang pag-sigaw ni Mr. Konstantine. Dumagundong ang boses nito sa buong dining area. Hindi lamang ako ang nagulat ,pati na rin ang asawa nya.

" I DON'T HAVE THE RIGHT? WHAT THE FUCK,BLOOD. IPINAKITA MO PA TALAGA KAY RIANNA NA NAGDALA KA NG BABAE SA PALACE? ARE YOU OUT OF YOUR MIND? "

Wala akong magawa kundi ang tahimik na umiyak. Natatakot ako. Baka kung anong gawin nya sa akin.

" YOU DON'T FUCKING CARE IF I BRING HER HERE,ZIANNA. THIS PALACE IS HERS FOR THE FIRST PLACE."

Tumahimik saglit ang paligid. Tangging pag hikbi ko lamang ang naririnig. Itinunghay ko ang aking mukha upang makita sila. Nakita ko ang gulat na mukha ng babae. Namumutla din ito.

Dahan-dahan nyang ibinaling ang paningin nya sa akin.

" H-hensely? Y-you found her? ".

Gulat na tanong nito. Huh? Paano nya ako nakilala at anong sinasabi nitong nahanap ako?
Naguguluhan akong tumingin kay Mr. Konstantine. Bakas ang galit sa kanya.

" Do you really think you can hide her from me? "

Naguguluhan ako. Ano bang pinaguusapan nila?

" H-how com---."

Hindi nito natapos ang sasabihin ng mag-salitang  muli si Mr. Konstantine.

" Even if you hide her in the hottest part of hell or in the deepest ocean, I will find her. And she will ended up in my arms."

Madiin na sabi nito.

" Talk to Rianna and tell her the truth. I quit on you."

Sabi nito bago ako hinila paalis sa lugar na yon.

His Obsession - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon