His Obsession 21: Hottest Player

29.1K 789 140
                                    


Nakaupo ako ngayon sa bench kasama ng iba pang mga babae. May kanya-kanya silang mga sinusuportahan.

Aaminin ko na gwapo lahat ng mga players pero syempre, pinaka gwapo sa kanila si Xzeckiel. Naka kulay blue na trunks at sando sya ngayon. Apat na team kasi ang mag lalaban— blue,red,white and yellow.

Sa white team pa nga sana sya mapupunta pero sabi ko sa blue na lang dahil yun ang favorite color ko.

" Simple lang ang mechanics ng game, First team to get 10 points will win. Randomized ang unang team na maglalaban, at kung sino ang mananalo ay kakalabanin ang susunod na mananalo sa next round. "

Piwanag ng babaeng pumunta kanina sa cottage namin.

" Ang dalawang matatalo naman ay maglalaban. At kung sino ang mananalo sa dalawang laban ang syang maghaharap sa finals. Ready na ba kayo? "

Nag thumbs up ang mga players maliban kay Xzeckiel na nakatingin lamang sa akin. Nag thumbs up naman ako sa kanya habang nakangiti.

" Ok, ang unang maglalaban ay ang White and blue team. Alright, pwesto na boys. "

Naghiyawan ang lahat. Syempre nakihiyaw na din ako. Apat ang kasama sa bawat team at sa tingin ko ay magagaling ang nasa white dahil ang lalaki din ng katawan nila.

Lumakas ang hiyawan ng lahat ng hubarin ng mga players ang sando nila, maliban kay Xzeckiel.

Napako ang tingin ko sa isang lalaking nasa white team. Omo! Ang gwapo na tas ang macho paaaaa. May malago itong buhok at maganda ang hubog ng kanyang katawan. Kitang-kita ang kanyang V line at kumikintab ang abs na natutuluan ng pawis.

Narinig ko ang pag pito ng babae kanina kaya't humarap na ako kay Xzeckiel. Nakita ko namang masama ang tingin nya sa akin at sunod na tinignan ang lalaking tinititigan ko kanina. Patay,lagot ako.

Nasa white team ang bola. Nang maiserve ito ay agad naman itong nakuha ng lalaking nakaipit ang buhok. Nakuha naman ito ng katabi ni Xzeckiel at nagulat ang lahat ng bigla itong binayo ng malakas ni Xzeckiel. Sobrang lakas ng tunog ng pagkakahampas nya sa bola.

Nagulat ako ng makitang papunta ito sa lalaking tinitignan ko kanina. Akala ko ay hindi niya ito makukuha ngunit nagawa nya itong masalo. Nabuwal nga lang sya sa lakas ng impact ng pagtama sa kanya.

Hala? Ok lang kaya sya?

" It's a nice spike from blue team."

Naghiyawan muli ang lahat.

Laging si Xzeckiel ang bumabayo ng bola at sa tuwing mapupunta ito sa kanya ay lagi nya itong pinapapunta sa gawi ng lalaking tinignan ko.

" Hmmmm? Mukhang may galit yata ang ating poging player sa isang player ng white team. What do you think? "

Napakamot ng ulo ang lalaki sa white team samantalang si Xzeckiel ay masama ang tingin sa akin.

Anong ginawa ko?

Natapos ang laban at nanalo sila Xzeckiel. 10-4 ang score.

Naglaban na ang red at yellow team. Sa round na ito ay nanalo ang red team.

Naglaban muna ang White team at yellow team dahil sila ang parehong talo. Nanalo ang white team.

Naglaban din sila Xzeckiel at ang red team. Of course nanalo sila Xzeckiel with 10-8 score. Lapit ang laban nila dahil maliliksi ang red team.

" Nice. Mukhang pinaglalapit ng tadhana ang white and blue team. Sino kaya ang mananalo sa pagkakataong ito? "

Naghiyawan ang lahat. Muling nadako ang tingin ko sa lalaking gwapo. Tagaktak na ang pawis nya at tumutulo ito sa kanyang 6 pack abs. Kumikintab ang mga balikat nito pag nasisikatan ng araw.

Halos mabingi ako ng biglang matilian ang lahat. Tinignan ko ang dahilan ng pagtili nila.

Halos hindi ako makahinga sa nakita ko. S-si Xzeckiel, NAGHUBAD.

Masama ang tingin nya sa akin pero noong makita nyang nakatitig ako sa kanya, bigla syang napangisi. *gulp

Kung kanina ay sinabi kong maganda ang katawan ng lalaki sa white team, ngayon ay hindi ko na maipaliwanag ang kay Xzeckiel.

Napaka sexy ng likod at balikat nya. Matikas ang dibdib at m-may 8 pack abs. >_<

Sherep she? Ihmmmmm sherep.

Nagiging mahalay na ang utak ko.

Meron din syang tattoo na Faith  na nasa kaliwang bahagi ng dibdib nya. Faith?

Nagsimula ang laban pero nanatili parin ang paningin ko kay Xzeckiel. I didn't know that he has that jaw dropping body. Kahit ang mga babae sa likod ko ay sa kanya na lang nakatingin.

Bawat kuha at pagsalo nya sa bola ay nakakaakit.  Nag fe-flex ang muscles nya.

" LOOK OUT."

Nagulat ako ng mamitang papunta na pala sa akin ang bola. Wala akong nagawa kung hindi ang pumikit dahil hindi naman ako makakatakbo gawa ng paa ko. Bakit ba kasi ako napatitig kay Xzeckiel eh.

Nakapikit lang ako habang hinihintay ang pagtama ng bola pero wala akong naramdaman. Napag pasyahan kong idilat ang mata ko at ang bumngad sa akin ay ang mukha ni Xzeckiel.

" Are you ok, love? "

Wala sa sarili akong napatango. Nakita ko ang bola sa tabi namin.

Galit na tumayo si Xzeckiel. Sinalo nya ba ang bola na dapat tatama sa akin?

" FUCK YOUUU! WHAT IF THAT BALL HIT HER YOU IDIOT. "

Galit na sigaw ni Xzeckiel sa lalaking tinignan ko kanina. Sa tingin ko ay sya ang tumira ng bola na papalapit sa akin kanina.

" Sorry bro.  It's not my inten---."

Hindi na natapos na lalaki ang sasabihin ng sapakin sya ni Xzeckiel. Maski ako ay nagulat. Napahiga sa buhangun ang lalaki habang hawak ang labing nagdudugo.

Sasapakin pa sana ulit ni Xzeckiel ang lalaki pero mabilis ko syang tinawag.

" XZECKIEL. OK LANG AKO,TARA NA."

Lalapitan ko sana sya kaya lang ay biglang sumakit ang paa ko kaya't napaupo ako sa buhanginan.

Naramdaman ko na lang ang pag-angat ko at nakitang buhat na pala ako ni Xzeckiel. Gusto ko sana syang kausapin kaya lang ay madilim ang kanyang awra.

*Gulp

Parang may malalagot mamaya. Itago na lang natin sa pangalang Ako.

His Obsession - COMPLETEDWhere stories live. Discover now