His Obsession 31: Be Happy

25.1K 732 59
                                    


Hensely's POV

Nagising ako dahil pakiramdam ko ay gumagalaw ang hinihigaan ko. Idinilat ko ang aking mata at bumungad sa akin ang isang pamilyar na daan.

Kaya pala gumagalaw ang higaan dahil nasa kotse kami. Teka? Paano ko napunta sa kotse?  Nilingon ko kung sino man ang nagmamaneho ng sasakyan at nakita ko si Xzeckiel na seryosong nakatingin sa daan. Nang mapansin nyang gising na ako ay bahagya syang humarap sa akin at ngumiti.

" Saan tayo pupunta?"

Bumaling kami sa isang lugar na sobrang pamilyar sa akin tsaka siya huminto. Hindi ko naman napigilang maiyak ng makita ko ang isang pamilyar na pigurang nag iihaw sa tapat ng isang sobrang pamilyar na bahay.

" I know that you are still doubting about my explanation so I decided to bring you here. Go on, I know she knows that I'm telling the truth."

Tumingin muna ako sa kanya. Nanginginig ang kamay kong binuksan ang pinto.

" MAMAAAAAA."

Napahinto si Mama sa pagiihaw at natutop ang kanyang bibig. Mabilis kong tinakbo ang distansya naming dalawa at tinalon sya ng yakap.  Maging ang mga kapit-bahay namin ay halatang natutuwa na makita ako.

" Anak ko, ang anak ko. H-hensely."

Umiiyak na si Mama habang nakayakap sa akin.

" Mama."

Ang saya. Ang saya ko lang dahil nayakap ko na sya ulit. Akala ko ay hindi ko na mayayakap si Mama pero nandito na ako ngayon, sa harap nya.

" Nag-alala ako sayo ng sobra, alam mo bang..."

Nagtaka ako ng biglang tumigil si Mama at tumitig sa likod ko.

" Mr. Konstantine"

Gulat na sabi ni Mama. At doon ko naalalang kasama ko nga pala sya.

*******

" Patawadin mo ako anak. Akala ko ay wala lang ang mga ginagawa nya. Nag-tanga-tangahan ako dahil akala ko,lilipas din iyon. Pero nalaman kong pinagnanasaan ka talaga nya."

Umiiyak na sabi ni Mama.

" A-akala ko kasi,w-wala lang yung mga pag-papaligo nya sayo. Yung pag sasabon nya sa dibdib mo, y-yung paghalik nya sayo. Mali,mali. Alam kong hindi lang yun b-basta w-wala lang. Nag-tanga-tangahan ako kasi akala ko magbabago sya. May sakit si Hency,may sakit ang papa mo. Mabilis syang magnasa sa mga bata. At hindi ka pwera sa mga yun."

Hindi ko na talaga alam ang papaniwalaan ko. A-ang papa ko. B-baka nagkakamali l-lang sila.

" Maniwala ka anak. Sinubukan ko pang baguhin ang papa mo pero nalaman kong ginagamit lang pala nya ako para makalapit sya sayo. "

Masakit. Akala ko ay puno ng pagmamahal ang mga halik nya sa akin ngunit yun pala ay puno ito ng pagnanasa. Akala ko ay hindi sya kasama sa mga lalaking mananakit sa akin ngunit sya pala ang unang taong nagiisip na gumawa ng masama sa akin. All this time ay minahal ko pala ang lalaking akala ko ay mahal din ako. Mahal ko ang papa ko pero mukhang hindi sya ganoon sa akin at kay mama.

" A-ang tunay kong Ama? P-pano sya namatay? "

Malungkot na humarap sa akin si Mama.

" Hency, si Hency ang pumatay sa totoo mong ama, Hensely."

Ang papa ko? Pinatay ng papa ko ang tunay kong ama? B-bakit naman ganto ang buhay ko? Di na ba matatapos ang problema ko?

" You're real father is a Doctor. Papunta sana sya sa hospital noon para sa isa nyang operation pero binangga ni Hency ang kotseng sinasakyan nya. "

Hindi ko maiwasang magalit sa lalaking iyon. Dahil sa kanya ay namatay ang tunay kong ama . Nang dahil sa kanya ay di ko man lang sya nakasama.

" Paano nyo nagawang pakasalan ang taong pumatay sa Papa ko,Mama? Paano nyo nagawang pakisamahan sya? Paano nyo nagawang hayaan syang lumapit sa akin? P-paano nyo nagawang i-isunod ang pangalan ko sa kanya? "

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sumabog na ako. Iyak na lang ako ng iyak. Ganon din si Mama pero hindi ko syang nagawang lapitan.

" T-tinakot nya ako anak. S-sabi nya ay isusunod nya ako at ikaw k-kung hindi a-ako magpapakasal sa kanya. H-hindi ko naman inaasahan na mahuhulog ako sa kanya. A-akala ko kasi ay totoo ang kabaitang ipinapakita nya sa akin. A-at a-anak. Hindi kita ipinangalan sa kanya. Ipinangalan kita sa tunay mong ama. Si Henesly."

Henesly. Ang papa ko.

" Wag kang mag-alala anak. Babawi ako, babawi ako sa lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon. "

She hugged me at doon umiyak sa balikat ko.

" I promise anak. Kakausapin ko si Ma'am Venus. Mula ngayon ay pwede na, pwede na kayong mag-sama ni Xzeckiel. Pwede na kayong dalawa anak. "

My heart stopped beating. P-pwede na? W-wala ng hadlang.

" FUCK."

Hindi ko alam kung tatawa ba ako o mananahimik na lang. I saw Xzeckiel jumping like a kid. May pasuntok-suntok pa sya sa ere.

" FINALLY. FINALLY. FINALLY."

Para syang batang binilan ng lollipop na gusto nya. Ito ang unang pagkakataong makita ko syang ganyan. He's so happy.

" Mahal na mahal ka nga nya anak."

Nakatingin din si Mama kay Xzeckiel na parang batang tuwang-tuwa.

" Choose your happiness, Hensely. Isa lang ang hiling ko sayo."

I felt my Mom's hand touches mine a she squeezed it a little.

" Be happy."

Be happy. Opo, Mama. Sapat na ang sakit na naramdaman ko. Oras na para sumaya ako, with him.

His Obsession - COMPLETEDWhere stories live. Discover now