His Obsession 18: When She's Jealous

35K 933 165
                                    


" Sige na pleaseeeeee. Isama mo na ako."

Hinigpitan kong lalo ang kapit ko sa kanyang binti. Wala na akong pakialam kung mukha akong unggoy o kung pinapanood kami ng mga tauhan nya,ang gusto ko lang ay makalabas sa bahay na ito.

" No."

Yumuko sya upang makita ako. Ngumuso ako pinatambok ang pisngi.

" Pleashhheeee. Shama mo na akoooo daddyyyy."

Kinuskos ko ang pisngi ko sa hita nya na parang pusa.

" That's cute. But still. NO."

Padabog akong tumayo. Hmft. Bahala ka na nga dyan.

Nagmamartsa ako papuntang hagdan at hindi ko pinapansin ang pagtawag nya. Pagpasok ko sa kwarto ay mabilis akong nagtalukbong ng kumot.

Gusto ko lang naman sumama eh. Gusto ko lang malaman kung ano ang ginagawa nya sa trabaho nya at kung sino ang mga kasama nya. Wala naman akong balak tumakas dahil hindi ko din naman kaya.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto pero di ako humarap. Kala mo huh,di kita papansinin ngayon.

" Love."

Lumubog ang kama sa gilid ko. Hindi ako lumingon,bahala ka dyan.

" Love,look at me."

Mas diniinan ko pa ang hawak ko sa kumot. Mamatay ka dyan.

" I can't go if you're angry with me."

Malumanay na sabi nya.

" Heh! Edi lalo akong magagalit sayo pareho na tayo dito lang sa bahay."

Sa pagkakataong ito ay nakaharap na ako sa kanya at masama ang tingin.

" You know that you can't---."

Humiga uli ako at tumalikod sa kanya.

" Sige na,umalis ka na. Mamaya malate ka pa."

Sinigurado kong walang mababakas na emosyon sa boses ko. Narinig ko ang kanyang pagbuntong hininga.

" Fine,you win. Change your clothes now. You're coming with me."

***

" Don't go anywhere without me."

Bilin nya sa akin pag kababa namin ng sasakyan. Hinwakan nya ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob. Grabe,ang ganda ng building na ito. Literal na kumikinang sa sobrang linis.

" Good Morning, Mr. Konstantine."

Bati ng dalawang guard.

" Good morning po sa inyo."

Ako na ang bumati sa kanila. Hindi kasi sila pinansin ni Xzekiel eh. Nagulat ako ng bigla syang humarap sa akin. Salubong ang kilay nito.

" Do you want me to send you home? "

Mabilis ang ginawa kong pag-iling. Ano na naman ba ginawa ko?

" Then don't talk to anyone,again. Specially men."

Nilingkis nya ang braso nya sa aking bewang. Hmmm! Selos na naman.

Maraming nakatingin sa amin sa lobby pa lang. Ngayon lang siguro nakakita ng maganda.
Pag dating sa elevator ay pinindot nya ang kanyang floor.

Lumabas kami ng elevator. Narinig ko ang bulung-bulungan ng mga employee.

" Sino kaya sya? "

" Baka pamangkin ni Sir. Bata pa eh."

" Malabo namang gf ni sir yan,parang highschool lang eh."

" Ang gwapo talaga ni Sir. "

Napantig ang tenga ko sa huling nagsalita. Tinignan ko kung sino yun at sinamaan ng tingin. Mukha namang natakot sya kaya't bahagya syang umatras.

" You're so cute when you're jealous."

Hinampas ko ang braso nya.

" Hindi ako nag seselos. "

He just shrugged his shoulder.

Pagpasok namin ay namangha ako sa kanyang opisina.
Kulay black and gold ang theme nito. Nakakamangha.

Pinaupo muna nya ako sa kulay itim na sofa.

Pinanood ko lamang sya habang nagtitipa sa kanyang laptop. Hawak naman ng kabilang kamay nya ang isang papel. Hayyyy,ang pogi parin nya kahit seryoso.

Napatingin ako sa pinto ng bigla itong bumukas. Nakita ko ang pagpasok ng isang magandang babae na naka black mini-skirt at kitang kita ang kanyang hubog. May hawak itong mga papel.

" Sir, the HR said that you need to sign this papers before they send it to Mr. Beno."

Naginit ang ulo ko. Ang landi ng pagkakasabi nya nito. Lumapit sya sa table ni Xzekiel at tumayo sa gilid nya. Yumuko ito ng kaunti para ituro kay Xzekiel ang mga dapat nitong pirmahan. Kitang kita ang malulusog na dibdib nito. Wala sa sarili akong napatingin sa dibdib ko. O....k?

Nakita kong idinidikit nya ang mga dibdib nya sa braso ni Xzekiel. Hmmmm? Ganyan huh? Malndi ka ahhh.

Tumayo ako sa upuan ko at lumapit sa kanila. Mukhang di naman nila ako napansin dahil busy si Xzekiel sa pag pirma at busy naman ang babae sa paglandi sa kanya. Nang makalapit ako sa kanila ay kumandong ako kay Xzekiel. Nakita kong nagulat ang babae at pati si Xzekiel.

" Gutom na ako, LOVE."

Pinag diinan ko talaga ang LOVE at saka tumingin sa babaeng halatang nagulat. Kahit si Xzekiel ay mukhang naistatwa na. Ito kasi ang unang pagkakataong tinawag ko syang love.

" W-what do you w-want to e-eat?"

Napangiti ako ng marinig ang utal utal na pagtatanong nya. Nakita ko din ang pag-galaw ng Adam's apple nya.

" Gusto ko kumain sa canteen nyo mamaya,pleasee."

Humarap ako sa kanya.

" No, we will---."

Hindi ko na pinatapos ang kanyang pagsasalita at mabilis sya hinalikan sa labi.

" Pwede na ba ngayon? "

Nakangiting tanong ko. Umiling-iling na lamang sya habang nakangiti. Alam kong payag na sya.

" Fine, after I finished signing this."

Yumakap na lang ako sa kanya at ipinatong ang ang ulo ko sa balikat nya. Sinulyapan ko ng tingin ang babae at saka ngumisi. Inirapan na lang nya ako at lumayo ng kaunti. Serves you right,bitch.

His Obsession - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon