His Obsession 8: Hospital

39.3K 968 38
                                    


Hensely's POV

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Puro puti ang nakikita ko at tangging tunog lamang ng orasan ang naririnig ko. Hahawakan ko sana ang ulo ko ng bahagyang kumirot ito ng mapansin kong may nakahawak pala dito.

Napansin ko ang isang lalaki habang hawak ang aking kamay na nakadukdok sa kamang hinihigaan ko. Hindi ko maaninag ang kanyang itsura sapagkat natatakpan ito ng kanyang gulo-gulong buhok. Iginalaw ko ang aking aking kamay upang malaman nya na gising na ako at nagtagumpay naman ako.

" Hensely. Salamat naman at gising ka na. May masakit ba sayo? Nagugutom ka ba? Nauuhaw? May makati ba sayo? Yung kama mo may surot ba? Anong kai---. "

Natawa ako ng malakas dahil sa itsura nya. Ang lalim ng kanyang eyebags at gulo-gulo ang buhok. Mukha syang tatlong taon ng hindi naliligo.

" Ako na nga itong nag-aalala sa iyo tas tinatawanan mo pa ko. Kainis ka naman eh."

Ngumuso ito sa akin na lalong nagpalakas ng tawa ko.

" Ano ka ba naman kasi, Ian? Para kang timang eh. Oo na,gising na ako. Medyo nagugutom at nauuhaw din. Walang makati sa akin at walang surot ang higaan ko. Ok ka na? "

Biglang nag seryoso ang mukha ni Ian. Bigla syang naupo sa gilid ng aking kama at tumingin sa akin na puno ng pag-aalala.

" Ano bang nangyari sayo? "

Pinagmasdan ko ang akin sarili. Ngayon ko lang napansin na may saro pala ako sa kamay habang ang isang kamay ko ay may cast. Medyo ramdam ko din na may mahapdi sa aking leeg.

" Hensely? "

Pilit kong inaalala ang mga nangyari sa akin ngunit kahit anong pikit ko ay wala talaga akong ideya. Ano bang nangyari? Ang huling naaalala ko lang ay magkasabay na umuwi si Janina at Ian,bukod don ay di ko na alam ang nangyari. Napahawak ako sa aking ulo dahil sa pagkirot noon. Ano mang pilit kong alalahanin ang nangyari ay wala talaga.

" Wag mong pilitin kung hindi mo pa kaya. Magpahinga ka na lang muna."

Inayos ni Ian ang higaan ko at kinumutan ako ng maayos. Swerte talaga ni Janina pag nagkatuluyan sila ni Ian. Hihihi!

" Bakit ganyan ang itsura mo,Ian? Para kang tatlong taon na di naligo."

Natatawang sabi ko. Sumibangot naman sya lalo. Ano ba naman tong taong to? Kunting galaw lang ng bibig lumalabas na ang dimples.

" Eh kung gumising ka sana agad,edi naalagaan ko ang sarili ko."

Huh?

" Ilang oras ba kong tulog? "

Curious na tanong ko.

" Anong ilang oras? Baka ilang araw kamo."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Ian. Ilang araw?

" Apat na araw ka ng tulog, Hensely. "

Napanganga ako. SERYOSO? APAT NA ARAW???
Pero bakit pakiramdam ko ay halos wala pa akong isang oras natutulog?

" Apat na araw? Talaga? "

Marahan na tumango si Ian.

" Oo. Sabi kasi ng doctor ay masyadong trauma daw ang nangyari sayo. Mentally and emotionally unstable ka daw noon kaya minabuti ng utak mo na pagpahingahin ka. Grabe ka, Hensely. Napakasarap ng tulog mo samantalang kami halos tawagin na lahat ng santo para magising ka. Yung mama mo nga halos libutin na ang buong pilipinas para magdasal sa lahat ng vhapel at simbahan sa sobrang pagaalala sayo."

His Obsession - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon