His Obsession 12: He's Jealous...so much

34.2K 1K 388
                                    


Third Person's POV

" Hi everyone,I'm Anna. Do you wanna build a snowman."

Narinig ni Hensely ang mga sigawan mula sa labas. Hawak hawak nya ng mahigpit ang baseball bat. Sya na ang sunod na rarampa---ang huling rarampa.

" Thank you,Anna. And for our last candidate,please welcome, CANDIDATE NO. 12."

Huminga muna sya ng malalim. Narinig na nya ang isang masiglang tugtog. Medyo malaki ang stage nila kaya mahaba ang kanyang lalakarin.

Lumulukso syang lumabas mula sa backstage. Umiikot pa sya na parang bata. Nang mapalitan ng fierce ang tugtog ay tiger look syang naglakad. Pinalobo nya ang gum na nasa bibig at ng pumutok ito au ginamit nya ang kanyang dila upang matanggal ang dikit ng gum sa kanyang labi.

Nakatingin lamang si Mr. Konstantine sa mga labing iyon. Sabik na sabik na syang mahalikan at angkinin ang mga iyon. Malapit na. Yun ang laging sinasabi nito sa sarili.

" Hi,I'm Harley Quinn,nice to meet yah'."

Inilahad ni Hensely ang kanyang kamay sa lalaking host na magiliw naman nitong tinanggap.

Nagtagis ang bagang ni Mr. Konstantine ng makita ang magkalapat nilang palad.

" Idiot host, that's mine that your holding."

Mahinang turan nito sa sarili. Nakakuyom ang kamao nito at halos mawalan na ng kulay ang kanyang palad dahil sa higpit noon.

Lumakad na pa backstage si Hensely. Kailangan nya ng magpalit ng damit dahil talent na ang kasunod.

***

" That was a wonderful performance,Anna. You have a nice voice."

Lumakad na pabalik ang kandidato. Kasunod na nito si Hensely na di maiwasang kabahan. Kasama nya sa kanyang performance si Ian.

{Now playing: Roses by Chainsmoker }

Sa sayaw ay magkatapat si Hensely at Ian habang naka luhod. Makalapat ang kanilang mga kamay habang magkatapat.

Bumibilis ang paghinga ni Mr. Konstantine sa kanyang nasisilayan. Nabali ang hawak nyang panibagong lapis. Hindi ito nakatakas sa paningin ni Mayor Gavino. Nagtataka ito kung bakit ganoon na lamang maapektuhan si Mr. Konstantine sa dalaga.

Muntik ng bunutin ni Mr. Konstantine ang kanyang baril ng maglapat ang ilong ni Hensely at Ian. Hinawakan lamang sya ni Alec na kanina pa nakatayo sa kanyang likuran habang umiiling.

" Ikaw may gustong wag magpakita sa kanya,tapos nagkakaganyan ka. Papatayin mo pa yung bata sa harap ng maraming tao."

Sabi ni Alec. Hindi naman ito narinig ni Mr. Konstantine dahil sa malakas na hiyawan ng mga nanonood. Halos 3 segundo magkalapit si Ian at Hensely.

Tatlong segundo din pinipigilan ni Mr. Konstantine ang sarili na barilin si Ian. Sa harap ng madaming tao.

" That was a great performance from our very own Harley and Joker. "

Lumakas ang palakpakan at hiyawan ng bawat nanonood.

" Yieeeeeeee! Bagay kayooooooooo! "

Hindi maiwasang mainis ni Mr. Konstantine sa hiyaw na iyon. Si Hensely at Ian? Bagay? Wtf?

Nagtungo na sa backstage ang dalawa. Sunod na kasi nito ang Q&A portion.

***

Nakatayo na si Ian sa harap ng stage. Kinakabahan sya ngunit pinipilit nyang wag ipakita

" How do you feel right now, Mr. Joker? "

Tanong ng babaeng host. Imbis na abutin ang microphone na ibinigay nito ay hinapit nya ito sa bewang. Nagtilian naman ang mga babae.

Kinuha na ni Ian ang microphone mula sa babae habang hawak parin ito sa bewang.

" Believe me, honey. You don't wanna know."

Husky na sabi nito sabay lipbite. Lumakas ang hiyawan ng lahat. Kitang kita naman ang pamumula ng pisngi ng babaeng host.

" Oh? It seems that our lady host here is blushing. Joker really have a great impact with girls,huh? "

Nagtawanan ang lahat dahil sa pangaasar ng lalaking host.

" So the question you need to answer will be given by Mr. Xzekiel Blood Konstantine. "

Muling tumapat ang spotlight kay Mr. Konstantine. Walang emosyon itong nakatingin kay Ian. Hindi man halata ngunit ang totoo ay kanina pa nanginginig ang tuhod ni Ian. Kanina sa backstage ay naalala na nya kung sino ito. Si Mr. Konstantine—ito ang nagpa kidnap sa kanya noon.

" So, Joker."

Lahat ay nagaabang sa itatanong ni Mr. Konstantine. Kahit ang ibang contestant na nasa backstage ay inaabangan ang itatanong nito.

" Mr. Joker,are you scared of dying? "

Nahigit ni Ian ang kanyang hininga. Ang alam ng
lahat ay para sa kanya bilang  joker ang tanong na iyon,pero alam nyang para sa kanya yun—bilang Ian.

" Joker fear nothing."

Kunwaring confident na sagot nito. Kumuyom lalo ang kanyang kamay. Hindi nya nagustuhan na tila walang epekto ang tanong nito sa kanya.

" Even if I kill you in front of everyone. Right here, right now, you're not scared."

Malamig na sabi nito. Samantalang nakaabang lamang si Alec sa mga maaaring mangyari. Alam kasi nitong pag hindi na nakapagpigil si Mr. Konstantine ay maaari nga nitong magawa ang sinabi nya.

" I'm not scared. My only fear is to loose Hensely. She's my weakness."

Malakas na tili at hiyawan ang dumagundong sa buong gym. Gigil na gigil na si Mr. Konstantine at gustong-gusto na nyang barilin ang lalaki ngunit pinigilan nya ang sarili. Alam nyang makikita sya ni Hensely kapag ginawa nya ito. At kapag nangyari yun ay maaaring kamuhian sya nito,isang bagay na kinatatakutan nyang mangyari.

" That was a wonderful answer for a one woman man like you. "

Natapos ang mga kalalakihan sa kanilang pagsagot. Tuwang-tuwa ang lahat habang pinapanood sila sa entablado.

Dumating na ang oras ni Hensely. Kinakabahan man ay pinilit nyang wag ipahalata.

" Your question will be given by Ms. Concepcion. "

Kinuha ni Ms. Concepcion ang mikropono at humarap sa kanya.

" Hi, Ms. Harley."

Nakangiting bati ng Judge na dalaga.

" Can you just proceed to your question? Me and Joker will having our date so just make it faster."

Napa-wooow naman ang mga nanonood. Natuwa si Ms. Concepcion sapagkat on character talaga ang dalaga, samantalang si Mr. Konstantine ay hindi dinadaluyan ng dugo dahil sa higpit ng kanyang kamao.

" I'm sorry,Ms. Harley. So your question is, ' what do you want to add in your life? ' "

Ngumiti si Hensely sa dalaga.

" I don't have something to add in mylife. All I want is Joker."

Sabi nito na lalong nagpalakas ng tili ng kababaihan. Umalis na sa stage si Hensely.

Lalong sumama ang tipla ni Mr. Konstantine sa narinig. Ngayon ay buo na ang desisyon nya...

... Kukunin nya ang dapat ay sa kanya.

His Obsession - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon