His Obsession 10: Preparation

32.3K 898 95
                                    


Hensely's POV

" Kuha na lang po kayong sawsawan dyan."

Nakangiting sabi ko kay Nana Sol. Sabado ngayon at nasa tapat ako ng bahay namin at nagtitinda ng isaw. Medyo nagtataka nga din ako kung bakit halos isang linggo na mahigit hindi bumabalik si Ateng nang-aabanduna ng sukli. Siguro ay naubos na ang pera kakabili ng inihaw.

" Besttttttttt."

Nagawi ang tingin ko kung saan nanggaling ang hiyaw. Nakita ko si Janina na nakaangkas sa motor ni Ian. Wala sa sarili akong napangiti. Ang cute talaga nila. Bukod sa parehas silang maputi, pareho din silang malalim ang dimple. Ang pagakakaiba lang ay dalawa ang kay Ian at sa kanan lang meron si Janina.

" Hi, Hensely."

Bati ni Ian ng huminto sila sa tapat ko.

" Hello,Ian,Janina. Bakit kayo nandito? "

Tanong ko habang pinapaypayan ang isaw na nasa grilling pan.

" Ano ka ba? Pinapasundo ka ni Rhea sa amin. Nakalimutan mo na bang sa Lunes na ang pageant at wala pa din kayong practice ni Ian.? "

Napatigil ako sa pagpapaypay at nanlalaki ang matang tumingin sa kanila. Yung pageant? SA LUNES NA?

" Oh? Anong itsura yan? "

Natatawang kantyaw nila Ian at Janina sa akin. Feeling ko ay tumakas na ang dugo ko sa katawan ko.

" Kasi Ikaw,Ian. Bakit mo ba kasi ako sinali don? "

Nakangusong sabi ko. Bigla namang lumabas mula sa bahay si Kuya Harris at humalik sa pisngi ko.

" Oh? Janina? Ikaw ba yan? "

Tanong ni Kuya Harris. Madalas magpunta dito si Janina noong elementary pa kami ngunit natigil yun noong muntik na syang masagasaan. Ngayon na lang ulit nagkita sila Janina at Kuya Harris dahil noong nahospital ako ay di naman sila nagaabot.

" K-kuya Harris? "

Gulat na tanong ni Janina. Bahagya pa syang namula. Oo nga pala,crush nga pala nya si Kuya noon pa. Hihihi. Wala sa sarili akong napatingin kay Ian. Nakita ko syang kunot-noong nakatingin sa namumulang si Janina at susulyap kay kuya Harris.

OMO!!!!! SANA NAGSESELOS SYA!!!

" Antagal nating hindi nagkita ah. Hindi ka na kasi gumagala dito eh. Ang laki lalo ng iginanda mo."

Nakangiting wika ni Kuya Harris. Lalong namula ang mukha ni Janina. Nakita ko namang parang nawala sa mood si Ian. Hmmmm? I smelled something fishy.

" H-hindi n-na po kasi a-ako pinayagan n-ni Mama."

Utal utal na sabi nito. Naku Kuya Harris ah,wag mong sisirain ang #JanIan loveteam ko.

" Sino pala sya? Boyfriend mo Janina? "

Sa wakas ay napansin din ni Kuya Harris si Ian na kanina pa aburido. Mabilis namang umiling si Janina at winagwag ang kamay.

" Naku nakuuu,hindi po Kuya Harris. Classm--- kaibigan ko lang po sya."

Todo tangging sabi ni Janina. Lalo naman sumama ang itsura ni Ian. Hahaha! Yieeeeee! Nakakatuwa naman at mukhang matutupad ang wish ko. Thank you po Lord.

His Obsession - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon