His Obsession 14: Daddy?

35.5K 985 173
                                    


Hensely's POV

" Wow."

Literal na nalaglag ang panga ko dahil sa ganda ng bahay na ito. Wait,mali pala-isa itong palasyo.

" B-bahay mo po i-ito? "

Tumingin sya sa akin saka ipinarada ang sasakyan. Humarap ito sa akin.

" This is not my house."

Kumunot naman ang noo ko dahil sa sagot nya. Hindi nya bahay 'to? Kung ganon,kanino ito? At anog ginagawa namin dito?

" P-pero ano pong g-ginagawa natin d-dito?"

Lumapit sya sa akin at kinalas ang seatbelt ko. Naramdaman kong lumapat ang labi nya sa akin.

" This is not my house. This is OUR house."

Yun ang huli nyang sinabi bago bumaba ng sasakyan. Naiwan naman akong nakatulala. Una ay dahil nalilito ako sa sinabi nynag bahay namin to at pangalawa ay ngayon ko lang naramdaman ang hiya. Bakit nga ba ako nagpapa-halik sa kanya? Una ay hindi ko naman sya kilala at pangalawa ay hindi ko naman sya nobyo.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa tabi ko at sunod na ay nakita ko ang kamay ni Mr. Konstantine na nakalahad sa harap ko. Wala sa sarili ko naman itong iniabot. Iginaya nya ako palabas kaya't mas namangha ako sa labas. Kamukha ito ng bahay na idino-drawing ko noon. Maraming sunflowers at roses sa paligid.

Narinig ko ang pag ring ng phone ni Mr. Konstantine. Tinignan nya muna kung sino ang tumawag bago humarap sa akin.

" I'll just answer it. Wait for me here."

Naramdaman ko namang hinalikan nya na naman ako. Nag-init ang mukha ko sa hiya. Bakit ko ba sya hinahayaang halikan ako? Baka isipin nya na easy to get ako >_<

Pinagmasdan ko na lang ang paligid. Gantong-ganto yung dream house ko eh. Pati yung pink fountain nandito din. Matagal ko ng gustong tumira sa isang palasyo. Literal na palasyo ang stilo ng bahay na ito.

" Let's go? "

Hinawakan uli ni Mr. Konstantine ang kamay ko. Kung titignan ay mukha kaming mag-kapatid at sya ang kuya ko. Naguguluhan ako. Bakit ko sya hinahayaan na gawin ito? Bakit hindi ko man lang sya pinipigilan? Bakit pakiramdam ko ay napaka-gaan ng loob ko sa kanya?

Hindi ko alam pero ang saya ko. Parang may kulang sa puso ko na ngayon lang napunuan.

" DADDYYYYYYYYYYYYYY."

Nakita ko ang isang magandang bata na nakatayo sa hagdan. Naka kulay pula ito at napaka-kinis ng balat. Kulot at brown ang kanyang buhok.

Daddy?

Tumakbo ang bata palapit sa amin at tumalon kay Mr. Konstantine. Binitawan naman nya ang kamay ko para saluhin ang bata.

" Daddy, I missed you."

Hinalikan nya si Mr. Konstantine sa kanyang pisngi. Nakita ko naman na natuwa si Mr. Konstantine. Parang biglang wala na ako dito. Pakiramdam ko ay hindi ako belong.

" I missed you too, my princess."

Humagikgik ang bata.

May anak na sya? Kung may anak na sya, hindi imposible na,na....

...may asawa na sya?

Kung may asawa na sya? Bakit nya ako hinalikan? Bakit nya sinabing sa kanya ako? Bakit nya ako pinapunta dito?

Hindi ko alam pero parang binibiyak ang puso ko. Nangingilid ang luha ko sa ideyang iyon.

" Daddy, you still not with Mommy? I taught she's coming home today? "

Nakatingin lang ako sa bata. Maganda sya kaya't sigurado akong maganda din ang mama nya. Tama nga ako,may asawa na nga si Mr. Konstantine.

Yumakap ang bata kay Mr. Konstantine kaya't nakita nya akong nakatayo sa likod nila.

" Wahhhhhhhhhh! DADDYYYYYY,MONTERRRRRRR."

Umiyak ang bata at mas lalong sumiksik sa Daddy nya. Anong itsura ko ngayon? Mukha talaga kong halimaw.

Paano ba naman? Naka Harley Quinn costume padin ako. At yung kaninang gulong make-up ko ay mas nagulo. Gula-gulanit pa ang damit ko.

" Stop crying,my princess. She's not a monster."

" But daddy? What is she doing here? What if mommy see her here? Mommy will get Mad because you bring a monster."

Tama nga naman ang bata. Ano pa nga bang ginagawa ko dito? Paano nga naman kung makita akonng asawa ni Mr. Konstantine. Ngayon ay pakiramdam ko,ang dumi kong babae. Nagpahalik ako sa lalaking may asawa na.

" I'll introduce her to you later. Let her fix herself first."

Ibinaba nya ang bata at hinalikan ito sa noo.

" Go to the kitchen first and tell Yaya Mona to prepare foods for us."

Ngumiti ang bata at mabilis na tumakbo patungo sa kusina. Tumayo na si Mr. Konstantine at tumingin sa akin.

" M-may a-anak ka na? "

Yan ang unang lumabas sa bibig ko. Nakita ko naman pero gusto kong marinig iyon mula sa kanya.

" Yes, she's 3 years old."

Nakatingin lamang sya sa akin at parang binabasa ang nasa isip ko.

" I'll introduce you to her,later. But first,change you clothes."

Hinatak nya ako papaakyat ng hagdan. Ako naman itong si tanga na nagpahatak lang. Pag akyat namin sa taas ay bahagya kong hinila ang kamay ko. Napalingon naman sya sa akin.

" Why? "

Tanong nito sa akin. Nag-ipon ako ng madaming lakas ng loob. Kailangan kong itanong ito.

" P-pwede p-pong mag-tanong? "

Lumapit sya sa akin at hinawakan ang aking balikat.

Tumingin ako diretso sa kanyang mga mata. Kailangan kong malaman ang sagot.

" What is it? "

Huminga muna ako ng malalim.

" M-may asawa ka n-na? "

Tumingin lang sya diretso sa mata ko. Hindi mapagsidlan ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero ang isiping may asawa na sya ay nagpapa-sakit ng kalooban ko.

Akala ko ay hindi na sya sasagot. Pero ang sagot nya ang halos nagpa-tigil ng tibok ng puso ko.

" Yes,I do."

His Obsession - COMPLETEDWhere stories live. Discover now