ELEVEN

37.8K 458 14
                                    

FREDERIK'S POV

"MI AMORE? Do you know each other?"

I suddenly blurted out, looking curiously at the both of them. Leysa just gave a smile and laughed.

"Yeah, we met each other back in Spain, six months ago. I courted her, and obviously I'm busted. But I'll try my luck again, now I see her here. So, mi amore, how come you're here in my best friend's mansion?" sagot sa akin ni Edward sabay baling ng atensyon niya kay Leysa.

At sa nalaman kong iyon ay hindi ko napigilang maikuyom ang kamao ko, sa inis na nararamdaman ko towards the situation, we are all in.

I fixed my gaze to Leysa, I can't say any words right now, walang lumalabas sa bibig ko. I just want to listen to their conversation to learn more about their true relationship to each other.

Leysa smiled and answered my best friend's question, "I am their maid of honor back when they got married, I am his sister-in-law, in simplest saying, I am Ate Diana's sister. Nice to meet you again, Eddy." And she extended her arm to have a hand shake with Edward.

"Wow! Just wow, Ed. So you are in love with my sister huh?" sambit naman ng asawa ko, also slightly shocked about the revelation that just revealed.

"Ah yeah! I am so in love with Leysa, I think it's love at first sight though. We got a strong relationship, I mean friendship back in Spain, kaya kahit binasted niya ako, we still remain as good friends," sagot ni Edward kay Diana and I saw him stared intently to Leysa.

"So siguro naman nakapag-move on ka na sa ex-fiancé mo, Mi amore? Oh well that bastard, wag lang siyang magpapakita sa akin, kung hindi lintik lang ang walang ganti," sambit pa ni Ed, and then it hits me hard. And I can't stop asking myself, are they that close, na naikwento pa ni Leysa ang nakaraan niya sa kaniya?

LEYSA'S POV

"Oh com'on Eddy, let's not talk about it here. But to answer your question, yeah I think so, I am now fully healed," I answered at nginitian si Eddy.

Napaisip tuloy ako, fully healed na nga ba talaga ako sa pain na nararamdaman ko? Am I really ready to forgive them? Napangisi naman ako sa isipan ko, "Forgive them, my butt!"

[Healing means forgiving them.]

--and I will never forgive them, that's why I will never be healed.

I will never ever forget what they did to me, the scar they caused me will never be erased.

Walang gamot sa sakit na nararamdaman ko hanggang ngayon.

I will never be free from this sadness and madness I am feeling, and I will always be a prisoner of this unfaithful love affair.

THIRD PERSON'S POV

Natapos ang hapunan na sina Edward at Leysa lang ang nag-uusap, usually catching up sa halos anim na buwang pagkakahiwalay ng landas nila. They are really good friends, though.

Habang tahimik at paminsan-minsan lang na nakikisali sina Diana at Fred sa usapan ng dalawa. Fred is so consumed sa estado ng relasyon nina Leysa at Edward. Wala siyang ibang nararamdaman ngayon kung hindi ang pangambang maagawan siya ng isang napakahalagang bagay. Edward was his very best friend, binubuo palang sila ng mga magulang nila, nakatakda na silang maging magkaibigan pero hindi niya rin kayang may kausap na iba si Leysa, na may ibang humahawak sa kaniyang hipag kahit kaibigan niya pa ito.

Ganoon na kalulong si Fred sa presensya ni Leysa, kahit hindi niya man ito aminin sa kaniyang sarili. He is already addicted to her taste, to her sweet and extraordinary taste. Na kahit asawa niya ay handa niyang talikuran kahit ang kapalit nun ay ang pagkawala ng WILCO. sa kaniya, para sa isang babaeng hindi niya kailanman inisip na magiging dahilan ng kaniyang gagawing kamalian.

"Bakit kaya hindi tayo magbakasyon? This weekend kaya? Ano Fred? Let's go for a trip sa Ilocos, 'di ba may beach house kayo roon?" biglang sambit ni Edward, pagkatapos kasi ng hapunan nila, ay nagpasya sina Ed at Fred na tumambay sa veranda para makalanghap ng sariwang hangin habang ang magkapatid ay naiwan sa kusina para iligpit ang pinagkainan nila. Napalingon naman sa kaniya ang kaibigan na malayo ang tingin at malalim ang iniisip.

"Sure, matagal na rin namang hindi tayo nakapag-unwind dahil sa busy schedules natin," tugon lang ni Fred sa kaibigan na sobrang lawak ang pagkakangiti, kaya medyo naasar siya rito. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang naaasiwa sa presensya ni Edward, kaya di niya naiwasang magtanong,

"Do you really like her huh?" sambit ni Fred at humarap muli sa malawak niyang hardin.

"Yeah. I love her. She is the best thing that ever happened to me. That's why I will try my luck again to her, bro. Liligawan ko siya ulit, could you help me?" sambit naman ni Edward.

"I can't promise you that I can help you about it, Ed," seryosong tugon naman ni Fred sa kaibigan.

"And why is that, you are her brother-in-law, and best friend mo ako, at sa tingin ko naman, ay kilala mo na ako, that I am a good man. At saka napapansin kong may special bond kayo, bro. Kaya sige na, help me win her heart. She is safe with me and in fact I saw her vulnerable side back when we are in Spain. She is so lost in her thoughts. Yung halos parang manika na lang siya na de baterya. Her eyes are so full of sadness and fear of abandonment. And I also witnessed all her performances as a lyrical dancer, that her gracefulness was clapped by all but I know more than that, her emotions while making her every move in dancing –the rhythm is so full na any time soon, she will just break like a glass. Kaya from that time, I decided to be with her, to be her knight in shining armor, her comfort zone, her safe haven. I don't know everything she's been through but it changed her a lot. Sa ilang months ko siyang nakasama, nakita ko rin ang pagbabago sa kaniya, and day by day, I always making it sure na napaparamdam ko sa kaniya ang pagmamahal na meron ako para sa kaniya but she's getting fiercer, hangga't dumating na nga ang pinakakinakatakutan kong mangyari --the time, she dumped me. Shit lang, bro... nasaktan ako 'nun, hindi dahil first time akong nabasted o naapakan ang pride ko bilang lalaki, kundi mahal ko talaga, na kahit tinanggihan niya na ang pag-ibig ko sa kaniya, nag-decide pa rin akong maging ally niya, maging taong karamay niya sa lahat kahit bilang kaibigan lang and then it turns out okay naman until the day she decided to go home, handa na raw siya–"

"So are you talking about me huh."

Naputol sa pagkekwento si Edward nang biglang magsalita si Leysa na nasa pintuan na pala ng veranda. Kaya napalingon sa kaniya ang dalawang lalaki.

"Nah! Just sharing to my best friend the greatest love story we have, mi amore!" magiliw naman na sambit ni Edward kay Leysa, na nginitian lang din ng dalaga. At lumapit na sa kinaroroonan nila.

"Kenekwento mo siguro kamo kung paano kita binasted. Just kidding, Eddy! Alam mo namang mahal naman kita..." pabitin pang sambit ni Leysa sabay saglit na tumingin kay Fred na seryoso rin palang nakamasid sa kaniya. Nginisihan niya ito at binalik ang tingin kay Edward.

"Bilang kaibigan? hays nakakasakit ka na naman ng damdamin, mi amore!" dugtong ni Ed at kunwari pang tampo nito kay Leysa. Kaya hindi mapigilang humagikhik ng dalaga sa pagiging isip bata nito minsan. Maya-maya ay dumating na rin sa veranda si Diana na may dala-dalang beer para sa kaniyang asawa at sa kaibigan nito.

Matagal-tagal pang nagusap-usap ang apat, at napag-usapan na rin nga nila ang magaganap na out of town sa weekend. Lumalalim na rin ang gabi nang magdesisyon nang umuwi si Edward.

"Dito ka na matulog, Eddy. Okay naman yata kina Kuya Fred at Ate Diana eh," sambit ni Leysa nang palabas na sana ng bahay si Edward. Napatingin naman si Ed sa kaibigang si Fred, na medyo masama talaga ang timpla kanina pa kaya ngumiti na lang ito at siya na mismo ang tumanggi sa paanyaya ni Leysa sa kaniya.

"Huwag na, Mi amore... maaga pa kasi ang meeting ko bukas, see you sa weekend na lang." Ngiting pagtanggi nito at nagpaalam na rin kay Diana at nang kay Fred na siya magpapaalam ay bumulong pa ito sa kaibigan.

"I don't know anything, pero kakampi mo ako, bro."

SISTER-IN-LAWWhere stories live. Discover now