TWENTY SIX

31.1K 491 58
                                    

FREDERIK'S POV

"GAGO mo, brad. Akala ko ba itatama mo na ang mga mali mo, then ano ito? Akala ko ba mahal mo, ang gago mo lang. Talk shit ka, Fred." Pagmura at pangaral ang naabot ko sa mga kaibigan ko. Damn it, hindi ba nila naiintindihan kung bakit mas pinili ko yung anak ko... anak ko 'yun eh. He is in this difficult time, where his mom was diagnosed with a mental illness... nabaliw si Diana, hindi niya nakayanan ang kahihiyang natanggap niya, dagdagan pa nang malaman nitong hindi rehistrado ang kasal namin. At nang itakwil siya ng mga Frank, legally.

Halos magpakamatay siya and damn it –Daniel Apolonio was nowhere to be found. Akala ko ba mahal niya si Diana? Ba't hindi siya ngayon magpakita at protektahan ang taong mahal niya.

"Paano mo iyan nasasabi, Frederik?, ni hindi mo nga magawa sa taong pinakamamahal mo eh. Hindi mo nga kayang protektahan si Leysa. And again, you left her! Hindi si Leysa ang nang-iwan kundi ikaw ang tumalikod sa kaniya," sambit ng konsensya ko. But damn, hindi ko pwedeng unahin ang babaeng mahal ko na kaya naman ang kaniyang sarili kaysa sa anak ko na walang kamalay-malay at nasa vulnerability stage.

"Mas kailangan ako ng anak ko, Art..." tanging nasambit ko lang.

At napailing lang ito, "pina-DNA mo na ba?" Umiling ako sa tanong ni David.

"Hindi na kailangan iyon, nakasama ko ang bata ng halos anim na taon --may bond na kami kahit papaano at dadagdag lang iyon sa trauma ng bata. Kaya anak ko man o hindi –basta, I'll take responsibility of him. Lalo na at hindi siya tatanggapin ng mga Frank ngayong hindi na kasapi ng pamilya nila si Diana. At nakokonsensya rin ako sa ginawa ko kay Diana. I deceived her, wala lang din kaming pinagkaiba. She used someone to get the Frank's riches, and so am I –I used her to get WilCo.," paliwanag ko.

"Ewan ko sayo. Be happy naman, brad. Hindi pwedeng lahat ng bagay, aakuin mo ang responsibility out of guilt, sa tingin mo maitatama nun ang mga maling desisyon n'yo sa buhay? –hindi, dadagdag lang din 'yun sa mga sana ng buhay mo. And I am telling you. Bahala ka na nga. Basta ayoko ng tulungan ka if ever na mali ka na naman," sambit ni Franco sabay tawa ng mapakla. He is mad at me –it's visible in his face. Pero alam kong andiyan lang sila parati para sa akin, kahit gaano man ako kagago.

"Hello Philippines and Hello World. Our guest for tonight is the very controversial woman of all time. Please welcome, Ms. Leysa Frank –oh wait, it's Guevara? Oh sorry... again, please all welcome, Ms. Leysa Guevara."

Napadako ang direksyon ko sa nakabukas na television dito sa bahay ni David. Pumunta kasi ako rito kasama ang anak ko, para makapaglibang ito kalaro ang anak ni David na lalaki, at tama namang napadako rin dito ang dalawa, si Art at Franco.

"Ang ganda niya talaga. Ayaw mo na talaga sa kaniya, Fred?" Napalingon naman ako sa direksyon ni Franco. Hindi ako sumagot. Ayoko, nasasaktan pa rin ako sa isiping hindi na siya mapapasakin sa ngayon.

Kaya ibinalik ko ang tingin sa TV. Ito ang unang labas niya para magpa-interview. She is really beautiful on and off the screen. And I badly wanted her, I want to claim her, over and over again. But damn this responsibility thing, it is eating me whole. Tama nga si Franco, I am taking responsibility out of guilt. Yun din ang dahilan kung bakit ayokong ipa-DNA ang bata dahil baka kapag nalaman ko ang totoo, talikuran ko lang din siya. Paano na lang siya? I can't just leave him in an orphanage, when I can be his father for the meantime. Diana was an orphan, no family of her own and I don't want that same psychological problem for Daniel. Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung sino ang ama ng bata talaga. Kahit hindi ko ipa-DNA, pangalan palang ng bata, alam ko na that he is not mine. But that jerk of a man, Daniel Apolonio. I can't reached him, 'di ko siya mahanap. I hired so many agents to find him but no trace. Kapag siguro maibigay ko na sa kaniya ang anak ko, i mean anak ni Diana. Siguro doon, doon ko lang magagawang piliin si Leysa. Ayoko rin kasing sisihin ko lang din siya kasi may mga bagay akong hindi ko naiayos sa buhay ko. Sana lang hindi mahuli ang lahat.

SISTER-IN-LAWWhere stories live. Discover now