FIFTEEN

33.1K 480 8
                                    

LEYSA'S POV

"AKO na magbitbit ng bag mo, Leys!" offer sa akin ni Dan kaya napangiti na lang ako, iyan din ang isa sa mga magandang katangian ng ex ko –gentleman.

"No it's ok, hindi naman mabigat..." Tanggi ko at maglalakad na sana papasok ng resort, kaya lang he insisted at kinuha ang bag ko sa akin... hays, kapagod din ang byahe. Tanghali na kami nakarating dahil medyo traffic at dahil na rin sa masamang panahon kahapon... pero ngayon maaliwalas na.

And yes, kasama ko si Dan. Actually, naniniwala na akong coincidence lang talaga na nagkita kami sa bus kasi may conference dapat siyang pupuntahan sa Laoag kaya lang ayon napasama ko siya sa akin.

Nangunguna ako ng unti sa paglalakad kaya nilingon ko siya. And I found him staring at me intently. Puno ng lungkot at panghihinayang, I might say.

Sayang. Oo sayang, sobra. Minahal ko kasi siya ng higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko. Kaya sayang.

"Sayang Dan. Kung hindi ka lang nabulag sa pagiging ganid ng ate ko. Masaya na sana tayong bumubuo ng pamilya ngayon," sambit ko sa isipan ko habang nakangiting tinitignan si Dan na bumalik na yata sa huwesyo nang mapansin niyang nakatanaw ako sa kaniya.

Oh well, ayon nga, nasa front desk na kami and I asked kung nasaan sina Ate Diana. At nalaman ko rin palang nag-helicopter ride si kuya kaya mas nauna siyang nakarating sa akin. Ang saklap 'di ba. Kung alam ko lang edi sana, pero ayos lang, atleast nagkita ulit kami ni Dan. Kahit alam ko namang gagawa at gagawa ng paraan ang ate ko para magkita kaming muli. Kahit papaano, nakakagaan ng loob kasi, we meet again unexpectedly.

"Nasa restaurant po sila, Ma'am," sagot naman sa akin ng receptionist. Kaya dumeretso na kami ni Dan sa kinaroroonan nila.Hindi pa kami nakakarating sa table nila nang may sumalubong na ng yakap sa akin.

I smiled nang ma-familiarize ko kung sino ito.

"Bes! Grabe I missed you. Nakakainis ka ring bruha ka. Di ka man lang nagpakita sa akin nang dumating ka rito sa Pilipinas." Mahigpit na yakap sa akin ni Monica, my very own best friend na nilandi ang kaibigan ni Kuya Fred na si Cong. David Falcon, kaya ngayon mag-asawa na sila at may baby boy na.

I hugged her back.

"Baliw. If I know nasa honeymoon ka na naman kaya di na kita inistorbo. I miss you too!" sagot ko naman.

Napansin kong napatingin siya sa tao na nasa likuran ko at umalis siya sa pagkakayakap sa akin, at nilapitan si Dan. Tinulak niya ito ng mahina lang naman.

"How dare you! Bakit andito ka! I hate you, Daniel. Sana hindi na lang kita tinulungan noon para mapalapit sa kaibigan ko. I really, really hate you." May sama ng loob pa na tantrums nito sa harap ng ex ko.

"Ah... sorry, Nica," tanging nasambit lang ni Dan at napayuko.Pumagitna na ako sa kanila dahil nagtitinginan na kasi ang mga tao sa amin. At sa pag-ikot naman ng paningin ko ay napasulyap ako sa kinaroonan nina Kuya Fred. And I feel chills nang magtama ang mga paningin namin. Ang lamig ng mga tingin niya sa akin kaya ibinalik ko na lang ang atensyon ko kina Dan at Monica.

"Enough, Bes. Nagkausap na kami ni Dan. At ako ang nang-iwan, kaya sa akin ka mainis. Ako ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal namin." Paliwanag ko naman sa kaibigan ko sabay tawa ng mapakla, pero knowing Nica, hmp.

"I don't care! Hindi ka mawawalan ng pagmamahal sa kaniya kung wala 'yang ginawang kasalanan, so I hate you pa rin, Daniel." May point siya roon, pero bago pa man may magsalita pa sa amin, ginambala na kami ng asawa ni Monica, si Cong. Falcon, isa sa mga close na kaibigan ni Kuya Fred, and a great good politician. I know him kasi isa siya sa groomsmen nina kuya at ate at Mayor pa siya ng time na iyon, unlike Eddy na sa Spain ko na nakilala.Umupo na nga kami sa table nina Ate Diana at napansin ko ang mga tingin ni ate kay Daniel, nakangiti ito. Masaya siya siguro dahil iniisip niyang magkakaroon na naman kami ng something ni Dan para maisakatuparan niya ang mga plano niya na nasira noon.

SISTER-IN-LAWWhere stories live. Discover now