TWENTY

29.7K 452 42
                                    

FREDERIK'S POV

"DADDY."

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Walang ka ngiti-ngiti kong hinarap ang isang batang lalaki na kakapasok lang ng aking opisina rito sa bahay.

"Yes?" walang ka emo-emosyong tugon ko.

Napansin ko ang pag-igtad nito, senyales na naiilang siya sa presensya ko.Binibigay ko naman ang lahat ng kailangan niya, hindi ako nagkulang doon. Pero isa lang ang hindi ko magawang ibigay sa anak ko... pagmamahal, wala talaga, wala talaga akong makapang pagmamahal sa anak namin ni Diana, hindi ko alam kung bakit ganito. Anim na taon na ang nakakalipas pero parang nawala rin ang puso ko, kasama nang paglisan ng babaeng tunay kong minamahal.

Oo, naging klaro na ang lahat sa akin, lalo na ang totoo kong nararamdaman sa babaeng iyon. Tama nga ang sabi nila, mare-realize mo lang ang halaga ng isang tao kung mawala na ito sa buhay mo.

And that thing really hits me hard –akala ko lust lang, pero nahuhulog na pala ako sa kaniya at hindi ko man lang napagtanto kaagad na sa bawat pagtatalik namin, naipapadama ko na pala 'yun sa kaniya. Pero wala na, wala na siya... at kailanman ay hindi na babalik sa mga bisig ko.

Nabulag kasi ako sa tang-inang kompanya na iyan. Dahil sa mga kondisyon ng Lolo ko, kaya ang bilis ng naging takbo ng buhay ko. Pinakasalan ko ang babaeng hindi ko naman ganoon kamahal talaga.

Mahal ko naman ang asawa ko pero iba, kapag siya na ang pinag-uusapan, at si Diana lang kasi ang naroroon nang kinailangan ko ng marriage contract at ngayon nga hindi na talaga ako makakaalis sa sitwasyong ito. Lalo na at may anak na kami ni Diana, kahit wala akong makapang pagmamahal sa batang ito, gusto ko naman maging responsableng ama para sa kaniya. Sa loob ng anim na taon, 'di na ito nasundan pa. Ewan ko, wala akong ganang makipagtalik kay Diana hanggang make out lang kami at pagmapunta na kami sa punto na 'yun, ang babaeng iyon ang naiisip ko. Oo, fuck! kaya napapatigil na lang ako, and ending wala... walang nangyayari.

At dahil doon lagi akong laman ng bar at sino-sinong babae na lang ang nakakasama ko pero wala –siya pa rin talaga. Damn! Wala na nga siya pero dinala niya naman ang puso ko sa pag-alis niya.Pero ano na nga ba talagang nangyari sa mga buhay namin?

Nang umalis si Leysa, ilang buwan pa bago humupa ang issue naming dalawa. We held a press conference, at yun ang pinakamalaking katangahang ginawa ko, actually wala man lang akong nagawa para protektahan siya. My family and hers, they manipulated our story at si Leysa ang naging masama lang. Oo sa kaniya lahat ng masamang pasarang; kabit, masamang kapatid, malandi, makati, home wrecker, at lahat ng pwedeng sabihin. Gusto ko siyang ipagtanggol, gusto kong sabihin na ginusto ko ang lahat ng nangyari sa amin, na mahal ko naman talaga siya, at wala siyang inaagaw. But damn! Nasa kritikal na posisyon na ako dahil after manganak ni Diana, ibibigay na sa akin ang lahat ng kayamanan ng mga Wilford. Pero ang tanging nagawa ko lang noon ay itigil ang pagkalat nito sa mga balita.

Hindi alam ng pamilya namin iyon, ipinaalis ko ang lahat ng balita tungkol sa scandal namin, na kahit pamilyang Frank, hindi man lang ipinagtanggol ang anak. Mas nakuha ni Diana ang simpatya ng kanilang magulang.

Ilang buwan, taon pa ang lumipas... naging perpektong pamilya kami sa mata ng mga tao. At tuluyan na ngang nakalimutan ng lahat ang eskandalong kinasangkutan ng aming mga pamilya. Wala na rin kaming balita sa nangyari kay Leysa. Gusto ko man siyang ipahanap pero natatakot ako, natatakot akong humantong na naman sa puntong masaktan ko lang siya ulit. Kaya hinayaan ko na lang, hinayaan kong maging miserable ang buhay ko. Sinubukan ko na lang maging masaya kahit papaano sa piling ng mag-ina ko, kahit purong pagkukunwari lang.

"D-daddy... can you teach me how to solve this?" Napabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang mumunting tinig ng aking anak.

Siguro nga, bigyan ko na ng pagkakataong maging masaya naman ako, sa piling ng pamilya ko; me, Diana, and Daniel, our son.

SISTER-IN-LAWWhere stories live. Discover now