TWENTY THREE

30.4K 477 22
                                    

FREDERIK'S POV

"HEY!" bati ko agad sa mga kaibigan ko. I gathered all of them, lahat ng kaibigan ko na nakakaalam ng talagang nangyari nong kasal ko, 8 years ago.

"What's up, bro?" bati rin sa akin ni Art, ang abogadong kaibigan ko na may-ari ng bar, kung saan kami ngayon nagkita-kita.

Umupo na ako, mabuti na lang at nasa 2nd floor kami which is medyo kaunti lang ang mga tao, pribado kasi, mga kilala at mayayaman lang ang pwedeng magpa-reserve rito, at dahil kaibigan namin ang may-ari kaya andirito kami lagi pumepwesto. Kumbaga special spot na 'to for us –yung kinalalagyan kasi namin ay tanaw talaga ang lahat ng tao sa unang palapag kung saan maraming nagsasayaw sa dance floor at mga nag-iinum o chill sa bar counter o sa mga lamesang nakapwesto roon, at nakikita rin namin ang mga pumapasok sa loob.

I looked at them, nasa apat kami ngayon ang nandirito. Pero ang totoo ay lima talaga kami sa barkada.

Atty. Arthuro Dela Vega, may sariling law firm at isang primyadong abogado ng mga sikat at mayayamang personalidad at angkan. At may-ari ng mga exclusive bar sa Pilipinas.

Cong. David Falcon, CEO ng isang malaking TelCo. dito sa bansa, at isang politiko –Congressman to be exact.

Franco Ocampo, CEO ng isang malaking TV at Radio Network, siya rin ang tumulong sa akin para mawala ang pagkalat ng scandal namin ni Leysa, 6 years ago.

At ang wala rito ay si Ar. Edward Custodio, ang best friend ko at isang kilala, highest paid at magaling na architect na nakabase sa Spain. At kaibigan din ni Leysa, dahil nong sinubukan kong hanapin ang babaeng iyon noon ay nalaman ko ring kasa-kasama pala ito ni Edward, at kaya tinigil ko na rin ang pagsubaybay sa kaniya –atleast medyo nakaramdam ako ng ginhawa dahil may umaalalay kay Leysa na halos tinalikuran ng lahat, at tinalikuran ko rin. Kaya hinayaan ko na sila, hindi ko nga lang sigurado kung nagkaroon sila ng higit pa sa pagkakaibigan na relasyon. Ayoko man sanang isipin ngunit hindi mawala sa isipan ko ang posibilidad na iyon.

"Hey Fred, alam ba ng asa-asawa mo na andito ka. Nako, baka masugod na naman kami nun ha," sambit naman ni Franco sabay pagak na tumawa. Oo nga pala, nong mga time kasi na taong bar ako nang umalis si Leysa. Lagi raw akong hinahanap ni Diana sa mga kaibigan ko, na halos pagbantaan na niya ang mga ito.

"Damn, hindi 'yun. Nasa out of town siya at may tatlong araw na conference raw," tugon ko naman sa mga ito. Kaya ngayon din ang tamang panahon para makipagkita ako samga kaibigan ko dahil umalis si Diana at nasa mga Frank ang anak namin pansamantala.

"Mabuti naman. Ngunit bakit mo ba kami nais makita, brad? May problema ba?" tanong naman ni David, kaya I gave them a serious look.

"I need to fix my real status..." biglang sagot ko. Yes, I want to make it right. Bahala na.

Basta kanina nagising na lang ako at buo na ang desisyon ko, aayusin ko na ang lahat ng ito. Ang maling pangyayari, 8 years ago.

"Bakit? Handa ka nang totohanin ang kasal n'yo ni Diana? Andito pa ang marriage cert. n'yo sa akin na hindi pa napaparehistro legally." Nakangising litanya naman ni Art.

And yes, muntik ko nang makalimutan ang void marriage namin ni Diana. Void, as in invalid, unlawful marriage, hindi talaga nage-exist legally. Sa madaling salita, hindi talaga kami kasal ni Diana, and she doesn't know it. Now you all know, kung gaano ako kagago na nagawa kong lokohin si Diana. But damn, I have no choice, ginigipit na ako ni Lolo, kung gusto ko ang kompanya niya, I need a marriage contract and a child. Pero di ko naunawaan 'yun noon, ginawa niya pala iyon dahil may nakatakda siyang ipakasal sa akin but shit, 'di ko naman kasi akalaing si Leysa ang babaeng nakatadhanang pakasalan ko. Pero wala, andami nang nangyari, kaya dapat ko na itong ayusin.

SISTER-IN-LAWWhere stories live. Discover now