NINETEEN

30K 522 42
                                    

"MI AMORE."

I turned my swivel chair paharap sa bagong pasok sa opisina ko. I smiled at him.

"Don't call me like that, remember you are not single anymore, Ed." Napasimangot naman ito sa tinuran ko kaya napatawa na lamang ako.

"Whatever. Ayoko na Leysa! Kunin mo na mamaya sa bahay ang mga bata, wala na kaming quality time ng bebe ko. Mas madaming time ang asawa ko sa mga anak mo." Reklamo niya na parang batang nagta-tantrums. Napatawa na lang ulit ako dahil sa reaksyon nito.

"Pagkatapos mong hiramin sila sa akin, ngayon ikaw naman a-ayaw. Fine! Kukunin ko na talaga sila. I already missing them. Three days na sila sa inyo," tugon ko at tumayo na sa pagkakaupo sa swivel chair ko. At hinapit sa braso si Eddy, kinaladkad ko siya palabas ng opisina ko.

"At saan na tayo pupunta, Miss CEO," iritadong tanong naman niya sa akin.

"Susunduin ko na ang mga anak ko. At makikikain na rin kami sa inyo," tugon ko at pumasok sa private elevator na para sa akin lang, pero syempre kasama ko ang pinakamamahal kong kaibigan.

Sa paglabas ko ng elevator, halos lahat nang madaanan naming tao ay binabati ako. Kaya tamang ngiti at tingin lang ako sa kanila.

It's been 6 years... anim na taon na ang nakakalipas nang pinili kong lumayo sa kanilang lahat. Ilang buwan din akong naging trending topic sa mga tabloids at mga balita sa Tv at radyo sa Pilipinas. At kahit sa internet, i-search mo ang kabit... pangalan ko na agad ang lalabas.

Everyone called me different names.

Whore....

Home wrecker....

Mistress....

Solutera....

Mang-aagaw....

Walang hiyang kapatid....

Walang utang na loob....

A disgrace to the family....

A fallen heiress....

But damn! Hindi ako mang-aagaw. Hays... people, basta mdami pa silang pasarang sa akin. But who cares... none! Even my parents, itinakwil ako... siguro ipinamana na kay ate lahat ng kayamanan ng mga Frank, oh well sa kanya na, iyon naman ang gusto niya simula palang eh.

Bumalik akong Espanya, mabuti na lang at may sarili akong unit doon... days passed, handang-handa na ulit akong bumangon at harapin ang bagong umaga.

Pero kapag nakipaglaro nga naman ang tadhana sayo, sinisigurado niya talagang mahihirapan ka bago makamit ang pagkapanalo sa laro ng buhay.

Two weeks after kong dumating sa Spain nang nalaman ko ang isang balita na mas makakapagpabago pa pala ng buhay ko.

Tandang-tanda ko pa kung paano binitawan ng Doctor ang mga katagang...

"You are 8 weeks pregnant, Madame." After hearing those words, biglang na-blackout ang isip ko. Hindi ko alam ang gagawin, but I stayed calm, and think for the best solutions to this. Pero bilib din ako sa sarili ko because never sumagi sa akin na ipalaglag ko ang mga ito.

At mas ginawa kong rason iyon para mas maging matatag at mabuhay para sa kanila. They are the gifts, the blessings in my life... patunay na mahal pa rin ako ng Diyos, na may pag-asa pa rin pala ako. That I am not a hopeless case –na may tama pa rin palang mangyayari sa buhay ko.

With the help and guidance of my dearest friends, Edward Custodio and Hana Czartoryski, nakayanan kong malampasan ang mga ups and downs ko sa aking buhay.

SISTER-IN-LAWKde žijí příběhy. Začni objevovat