WIFE SERIES: The Unscripted Emotion

5.5K 60 20
                                    

A RING? A thing that is so beautiful to wear

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

A RING? A thing that is so beautiful to wear.

An accessory to your fingers-

A jewelry, a simple jewelry.

Pero hindi ko inaasahang ang simpleng bagay na ito ay magbibigay sa akin ng mas komplikadong buhay. A life I never dreamed of having but just happened to me in an instant.

Sa isang kisapmata lang nagbago ang lahat -

Avianna Alejandro, isang sikat na personalidad sa larangan ng medya at telebisyon. She's an actress, a rising star, a public figure.Ngunit dahil sa ugaling pinapakita nito off-cam ay marami ring bumabatikos sa kaniya. Pero kahit anong kasangkutan niyang issue ay never itong naging dahilan para sa ikababagsak ng career niya. In demand pa rin ito, marami pa rin ang nagmamahal sa kaniya, umiidolo, humahanga.

Engr. Primotivo Alarcon, isang sikat na inhinyero at CEO ng isang malaking Construction Firm-Alarcon Constructions Corporation. Gwapo, matipuno, ngunit sobrang seryoso at misteryoso nito. A well-known rich bachelor, kaya maraming babae ang humahanga sa kaniya at nagka-kandarapa. Lagi ring nasasangkot ang pangalan niya sa mga sikat na personalidad, lokal o international stars man ito. Ngunit sa daan-daang na-link sa kaniya, never siyang may inaming naging karelasyon niya talaga. He wants a private and exclusive life but then dahil sa isa nga siyang Alarcon ay never itong mangyayari, he is bound to be one of the media's favorite center of attention. Pero kahit gano'n pa man ay mas pinili niya pa ring maging pribado hangga't maaari.

Ngunit dahil sa isang gabi, everything changed-a night they all thought is just for fun, a normal night out should be with friends, ang dapat laro lang ay nauwi sa mainit na pagsasalo ng dalawang magkaibang mundo.

Isang pangyayari na nagpabago ng malaki sa buhay nina Avianna Alejandro, the famous actress, at Engr. Primotivo Alarcon, the mysterious cold-hearted rich bachelor.

•••

"Tinakasan ko ang mata ng medya, at sumama kay Primo. Mas pinili ko siya, binitiwan ko ang career ko para sa kaniya, dahil wala naman akong ibang choice. Ay mayroon pala kaso ayaw kong ang isang pagkakamali ay solusyonan ko pa ng isang pagkakamali, 'di ba? At saka madali lang naman ang maging asawa dahil nagkaroon na rin ako ng gano'ng role noon and I played it well, nanalo pa nga akong best actress sa movie na 'yon. Pero nakakaloka dahil sa una lang pala masaya, kasi habang tumatagal parang mali yata ang naging desisyon ko na magpakasal sa kaniya, mali yata ang pagsuot ng singsing na ibinigay niya, 'yong akala kong simpleng jewelry lang, hindi pala gano'n kadaling suotin at panindigan. Mas madali pa palang mag-memorize ng script kaysa sundin ang instruction ng isang cook book recipe." -Avianna Alejandro

SISTER-IN-LAWWhere stories live. Discover now