FOURTEEN

34.4K 405 2
                                    

WELCOME TO ILOCOS NORTE!

Tanaw ko sa labas ng bintana ng bus na sinasakyan ko.Iniwan ko si Kuya Fred, sa hostel na nirentahan namin sa Baguio.

Hindi kasi ako makatulog ng maayos, ayaw akong patulugin ng mga worries ko. That's why I decided na mauna na sakanya, to ride a bus sa dis oras ng gabi, dahil hindi ko rin kasi alam ang ire-react ko pagkagising niya, lalo na at mahaba-haba pa ang byaheng pagsasamahan namin pagnagkataon. Mabuti na lang at nakisama ang panahon sa akin, dahil nong time na umalis ako, umaliwalas na ang kalangitan. Pero syempre madilim pa rin dahil hating-gabi pa lang, buti na nga lang at may bus pa akong nasakyan eh.

Siguro, tinatamaan na ako ng pagsisisi at takot sa mga ginagawa kong pagkakamali.

Yes! Tanggap ko naman, I am a bad bitch for sleeping with my sister's husband—

To enjoy every sexy moment we shared.

To claim him as mine sa bawat pagniniig namin.

Pero kahit anong siksik ko sa utak ko na tama lang ang ginagawa kong ito, nakakaramdam pa rin ako ng pangamba. Pero kasi siya –sila naman ang nauna, niloko ako ng supposedlybe husband ko na sana ngayon.

They cheated on me –he slept with my sister sa mismong gabi bago ang nakatakda naming kasal.

They planned to use me, to take advantage of my love for him para kunin ang lahat ng akin. Pero malas lang nila dahil nahuli ko rin sila sa sarili nilang kalibugan.

Pero naguguluhan na ako, hindi na kasi tama... hindi na tama itong nararamdaman ko –wala ito sa plano, ayoko nitong emosyon na ito, tatraidurin at sasaktan lang din ako nang umuusbong na damdaming ito para sa kaniya –sa taong ginagamit ko lang dapat sa paghihiganti ko.

Pero kailangan kong iparamdam kay Ate Diana, 'yong sakit na andirito pa rin hanggang ngayon sa akin, sakit na dinulot nila ni Daniel sa buong sistema ko. Ang bigat na, sobrang bigat, gusto kong ilipat sa kaniya ang pagkakabaon ng kutsilyong isinaksak nila sa puso ko, na kahit anong hila ko paalis, kahit anong hugot ko nito, ayaw matanggal.

It's killing me slowly, pinapatay nito ang natitirang pagmamahal ko para sa kanila, ang natitirang bait na meron sa aking pagkatao. Sabi ko nga wala na akong pag-asang gumaling sa sakit na idinulot sa akin ng tinuring kong parang tunay na kapatid.

Punong-puno na ako ng galit at paghihiganti, kaya tama... wala ng lugar sa puso ko ang salitang pagmamahal. I will never ever feel that kind of soft emotion, again.

'Cause love will be just a foolish thing for me, from now on! Kaya nakapag-decide na talaga ako, I need to end this. I need to do what is already planned. Kailangan ko iyon magawa para siguro kahit papaano mawala ng paunti-unti ang sakit...

--pero mawawala nga ba?

FREDERIK'S POV

"F*ck! Where is she?!" Galit na galit ako, she left me –iniwanniya ako pagkatapos naming magpakasasa sa isa't-isa.

How dare she!

"Kalma ka lang, babe, 'di ko rin makontak ang kapatid ko. Even Eddy can't reach her phone. Kasi ano bang nangyari, akala ko ba kayo ang magkasama. And then here you go... took a plane, at dumating dito na walang Leysa na kasama." Nag-aalala ring litanya ng asawa ko.

Yes. I took a helicopter ride, buti na lang at may taga-Baguio akong business partner, kaya nakahiram ako ng helicopter para makarating ako kaagad dito sa Burgos... pero f*ck it! Walang Leysa akong nakita pagkadating ko sa resort namin.

I calmed myself, mukha kasing nagulat sila sa naging reaksyon ko nang malaman kong wala pa ang hipag ko rito. I saw how Eddy's doubtful stares reached me.

SISTER-IN-LAWWhere stories live. Discover now