TWENTY SEVEN

30.3K 520 74
                                    

FREDERIK'S POV

"DADDY, saan po tayo pupunta?" tanong ni Daniel sa akin. On the way kami ngayon sa isang lugar kung saan napag-usapan naming magkita ng isang taong matagal ko nang pinapahanap.

"You will meet someone, young man..." I answered and smiled at him.

It's been a week, at unti-unti nang bumabalik ang lahat sa normal... sa tama, I mean.

Yesterday, I received a phone call from someone, at ngayon nga ay pupuntahan namin siya. And also, yesterday night, I received a text message from Leysa... saying, "I need to talk to you" ayun lang. Hindi ako nagreply kaagad but I called her, pero hindi niya na sinasagot ang mga tawag ko, and her phone was already off. Pero after this, pupuntahan ko siya. I also need to talk to her. Susundin ko naman ang kung ano ang nasa puso ko.Ilang oras pa ay narating din namin ang destinasyon namin, it's an old mansion, here in Rizal. Pero halatang namimintina ang kagandahan nito.Bumaba na kami ng sasakyan, akay-akay ko si Daniel.

"Whose house is this, Dad?"

"You'll see." And we entered the house. May isang katulong at hardinero ring sumalubong sa amin.

Happiness is visible on their faces because of seeing us, lalo na ang bata.

"Nasa kwarto po siya, Sir. Kanina niya pa po kayo hinihintay," sambit ng isang kasambahay, na halatang inaasahan na ang aming pagdating. Ngumiti lang ako at tinahak ang ikalawang palapag.Napansin ko naman ang pagmamasid ni Daniel sa paligid.

Nang marating ko ang unang pinto ng kwartong naroroon ay kumatok ako ng tatlong beses at unti-unting binuksan ito at pumasok. And I saw a man, naka-wheel chair ito at nakaharap sa tanawin sa labas ng kaniyang bintana.

"Hey." Pagtawag-pansin ko sa kaniya na ikinalingon naman nito.Ngumiti ito sa akin, a genuine smile, ngiti ng pagkakaibigan. At nadako naman ang tingin niya sa batang hawak-hawak ko. Unti-unti niyang ginalaw ang kaniyang wheel chair papunta sa direksyon ko.

"Daniel, right?" tanong nito sa bata, at ngumiti. Tumango lang ang bata bilang pagsang-ayon sa kaniya.

"Who is he, Dad?" tanong sa akin ni Daniel, napansin ko naman ang pagdaan ng hinanakit at kalungkutan sa mga mata ng taong nasa aming harapan.

"He is your real Dad, Daniel. He actually have the same name as yours." Mahinahon kong tugon, matalinong bata si Daniel kaya hindi siya mahirap paliwanagan.

At oo, andito kami ngayon sa bahay ni Daniel Apolonio, na dalawang linggo palang nang magising ito at maka-recover ng tuluyan. Kaya pala hindi ko siya mahanap at hindi siya nagpapakita ay dahil naaksidente ito. Nahulog ang sinasakyan niyang kotse sa isang bangin papuntang Baguio... 'yun ang araw na nagpaalam si Diana na may pupuntahan siyang conference, at ngayon ko lang din nalaman na ang conference na lagi niyang pinupuntahan ay ang time na nagkikita sila ni Daniel.

Oh well, iniimbistigahan na ang nangyaring aksidente dahil mukhang may foul play na naganap. Luckily, hindi ganun kalalim ang hinulugan ni Daniel, and he survived and recovered.

"Huh? So hindi ko po kayo totoong Daddy? How come?" Nalilitong tanong ng bata, na ipinaliwanag naman naming mabuti ni Dan sa kaniya, and we think kahit papaano ay nakaka-catch up naman ito ng bata.

At ngayon nga ay andirito kami sa veranda ng bahay niya, habang tinatanaw namin si Daniel na masayang nakikipaglaro sa mga kasambahay.

"Salamat," biglang sambit nito. Tinanguan ko lang siya bilang pagtugon.

"So kumusta ka na?" tanong ko naman.

"Heto, mabuti na lang at walang nasaging vital parts. Kaya mabilis ang pagkaka-recover ko. Alam mo ba, I really love Leysa," tugon niya kaya napatingin naman ako nang mabanggit niya si Leysa. Tumahimik lang ako, waiting for him to tell their story.

SISTER-IN-LAWWhere stories live. Discover now