Chapter 1

33 1 0
                                    

Chapter 1

A deer on the run,
other's source of fun.
Always scared and always alone,
always gets eaten by the lion."
* * *

UMALINGANGAW NA ANG maingay na tunog ng bell senyales na tapos na ang recess at umpisa na ng pang-apat na subject sa umaga. Inayos ko na ang mga gamit ko at naglakad patungo sa next class ko.

4th year, section A.

Sumalubong sa akin ang magulong hallway paglabas ko ng faculty room. May mga nagmamadaling bumalik sa kani-kanilang mga classroom at may mga walang pakialam. May mga naghahabulan pa nga at nagkakantahan sa mismong hallway.

Binati ako ng ilang nadadaanan ko kaya bilang sagot ay nginitian ko rin sila. Hindi ko sila kilala lahat pero kabisado ko ang mga mukha nila.

Halos mag-dadalawang buwan na pala nang magsimula akong magturo sa eskwelahan na ito. Napakabilis ng oras. Halos kahapon lang nang malipat ako dito pero ngayon kabisado ko na ang bawat galaw ng mga estudyante dito. Alam ko na kung paano sila mamuhay sa loob ng campus at kung anong klaseng tao sila sa harap ng iba.

Minsan, kahit hindi mo kilala personal ang isang tao, ipapakilala siya sa'yo ng mga kilos at galaw niya. 'Yan ang natutunan ko sa apat na taon ng pagiging guro.

Nasa ika-apat na palapag ang classroom ng section A pero nasa ikatlong palapag palang ako. Didiretso na sana ako sa hagdan patungo sa ika-apat na palapag nang makita kong mayroong komosyon sa kaliwa ko. May grupo ng estudyante ang nagkumpulan sa may locker area—apat na kalalakihan at dalawang babae—at may pinagdidiskitahan na naman.

Isang bagay na hindi mawawala sa loob ng eskwelahan ang pambubully. Isang normal na tanawin. Kahit anong gawin ng paaralan at pamahalaan sa ganitong issue hindi parin talaga ito nawawala. Patuloy parin ito sa pambubulabog kahit walang matang nakatingin.

"Didn't I told you not to tell anybody? But you just did. And now, you're f*cking dead." Galit na sabi ng isang lalakeng estudyante sa schoolmate niya na itinutulak niya sa locker. Hawak niya ito sa collar ng damit nito na parang sinasakal.

Andrew Arellano, the campus bully.

"W-wala akong pinagsabihan. Maniwala ka." Natatakot na sagot ng estudyanteng hawak ni Arellano.

"A deer on the run, other's source of fun. Always scared and always alone, always gets eaten by the lion."

Nag-echo sa isipan ko ang boses ni Jeremy habang nakatingin kay Santos.

"Really, huh? Kung ganon edi paano nalaman ni Mrs. Terbio that we're making you do our homework?" Pagpupumilit ni Arellano na mas hinigpitan ang hawak kay Santos at mas itinulak pa ito sa sinasandalan nito.

"Umamin ka na, Santos. Kanino ka nagsumbong?" Tanong ng isang babaeng lumipat sa gilid ni Arellano.

"Just f*cking spill up, will you, loser?!" Iritadong sambit ng kasama nilang lalake.

"Know what, guys? Kung ayaw niya magsalita, just let him be. It's not like what he did will make our lives miserable like his." Nagsalita rin ang isa pang babaeng kasama nila.

"Guys! Guys! Si Miss San Jose!" Sabi ng isa pa nilang kasama nang makita niyang naglakad ako papalapit sa kanila.

Agad binitawan ni Arellano ang uniform ni Santos at inakbayan ito.

"Hi, maam!" Nakuha pa nitong bumati na ginaya naman ng mga kasama niya.

"Shouldn't you guys be heading back to your classes?" Tanong ko gamit ang maotoridad na boses na ginagamit ko sa paaralan.

I Am FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon