Chapter 2

22 1 0
                                    

Chapter 2

The day cries,
the heart bleeds,
and the world keeps on rolling like the flower beads...

~•~

DUMATING ANG UWIAN pero ni isang anino ng kung sino man sa grupong iyon ay wala akong nakita. Talagang sinusubukan ako ng mga batang iyon. Sa tingin ba nila hahayaan ko silang bastusin ako ng ganito?

Napabuntong-hininga nalang ako at napasandal sa upuan ko. I will surely do something to teach those kids their lesson. Hindi naman ata pwedeng palagi nalang silang may inaagrabyado at binabastos.

"Ma'am Jose," Napatingin ako sa katrabaho kong si Kate nang tawagin niya ako. Nakapag-ayos na sila at handa nang umalis. "Una na kami. Hihintayin mo parin ba sila Andrew?"

"Hindi na. Bukas ko nalang siguro sila kakausapin." Sagot ko. Ramdam ko na ang bigat ng araw at gusto ko nalang umuwi ng bahay at ilapag ang likod ko sa malambot na kama. Nakakastress na ang pagtuturo tapos dadagdagan pa ng mga batang bully at walang magawang matino sa buhay nila.

"Kakausapin. I doubt that." Natatawa niyang sagot.

"Ma'am, sakit rin sa ulo namin 'yang si Arellano pero 'wag mo naman saktan 'yung bata. Maawa ka, Maam Jose." Biro ng baklang si Dennis.

"Grabe ka naman, Sir. Kahit strikto 'yan hindi naman niya magagawa 'yun." Pagdepensa ni Kate.

"I was joking, Ma'am Kate. Kilala ko naman si Ma'am Jose eh." Nagroll eyes pa si Sir Dennis at bumalik sa paglalagay niya ng foundation.

I smiled at them.

"Tara na, Ma'am. Uwi na tayo" Pag-aaya ni Kate sa akin.

"Ah, hindi, sige na. Mauna na kayo. Maya-maya na ako aalis." Sagot ko. Lumingon ulit sa akin si Sir Dennis.

"And why is that? Susunduin ka ni baby boy mo 'noh?" Gulat na tanong nito na parang excited.

Napailing-iling nalang ako sa kulit ni Sir Dennis. Until when are they going to ship me with anyone I go along with?

Umalis na ang mga katrabaho ko at naiwan akong mag-isa sa loob ng faculty room. Sumandal nalang ulit ako sa upuan ko at nagbuntong-hininga. Sa tuwing naiiwan akong mag-isa sa isang lugar wala akong ibang ginagawa kundi ang magbuntong-hininga at tumitig sa kawalan, libutin ng tingin ang buong paligid at paliparin ang isip. Sometimes, I find myself thinking about literally nothing while my eyes are roaming around.

I guess some things never really change.

Humugot ulit ako ng buntong-hininga bago tumayo. Inayos ko na ang gamit ko at inihanda ang sarili ko para umuwi. Gusto ko nalang magpahinga. The day alone did not drain me. My mind also sweeps my energy away. And there are parts of me that's just really tiring—tired with no clear reasons.

Paglabas ko ng faculty room ay kaunti nalang ang bumungad sa akin na mga estudyante at lahat ay patungo na sa gate para umuwi. Dumiretso narin ako sa sasakyan ko na nakapark sa parking lot na limang sasakyan at ilang motor nalang ang laman.

Uupo na sana ako sa driver's seat nang maalala ko ang mga box na nakalagay sa trunk. Dali-dali akong lumabas ng sasakyan at tiningnan kung nandoon pa ba ang tatlong malalaking kahon ni Tarra. Napabuntong-hininga nalang ulit ako. Hindi parin talaga kinukuha ni Tarra ang mga ito. That spoiled brat.

Isinara ko ang trunk pero agad akong natigilan. May nakatayo nang estudyante sa gilid ng sasakyan ko.

"Ma'am."

~•~

TINITIGAN KO LANG si Gomez na nakatayo sa tabi ko. Sinusubukan ko siyang basahin at baka malaman ko kung bakit bigla niyang ginusto na humarap sa akin ngayon. He told me he was with Arellano's group earlier bullying Santos. The ones who ignored me.

I Am Foundحيث تعيش القصص. اكتشف الآن