Chapter 9

2 0 0
                                    

Chapter 9

"Sometimes, people are haunted. And ghosts aren't white things in sheets.
They're scary bits of past that follow us around."
- Rules of Stealing Stars, Corey Ann Haydu

***


"DAPA! LAHAT DAPA!"

"Huwag po! Huwag!"

"Tulong!"

"Walang gagalaw!"

"Ikaw! Dapa!"

"Jeremy!"

"Tumahimik ka!"

"Huwag Jeremy!"

"Jeremy!"

Napabalikwas ako ng bangon nang makarinig ako ng putok ng baril. Napatakip ako sa tenga ko dahil sa takot habang hinahabol ang hininga. Para akong nabingi sa lakas ng tunog. Parang sa mismong tenga ko ipinutok ang baril.

"Jose, Jose. Calm down. Andito ako, Jose. Breathe." Bigla kong naramdaman ang mga kamay na nakahawak sa balikat ko kasabay ng pag-usal ng isang boses. "Tumingin ka sa'kin. Jose, tumingin ka sa'kin." Bigla niyang tinanggal ang mga kamay kong nakatakip sa tenga ko at hinawakan ang magkabila kong pisngi para tumingin ako sa kanya. Doon ko lang nakita ang nag-aalalang mukha ni Tarra. "Hingang malalim. Sabayan mo 'ko. Inhale-" Huminga siya nang malalim para gayahin ko. "-exhale." Hindi ko magawa ang gusto niyang gawin. Napakalakas ng tibok ng puso ko. Takot na takot ako.

I have never felt that same fear for a long time.

"Tarra, may baril. Ano 'yong baril, Tarra? May narinig akong putok ng baril." Nauutal kong sabi. Dahil sa basag kong boses ay nalaman kong umiiyak pala ako. Hindi ko napansin ang paghikbi ko at ang tuloy-tuloy na pag-agos ng luha ko.

"Ssh. Walang baril, Jose. Everything's fine. Binabangungot ka lang." Sagot ni Tarra na pinupunas ang luha ko. "It's okay. Everything's okay. Panaginip lang 'yon." She said in an assuring tone of voice.

Panaginip.

Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid. Walang ibang tao. Walang nagsisigawan. Wala si Jeremy.

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mga mata ko. Sobrang bilis parin ng tibok ng puso ko. Sobra-sobra parin ang takot na nararamdaman ko.

"I-I'm sorry." Sabi ko habang inaayos ko ang sarili ko. Huminga ako ng malalim katulad ng gustong ipagawa sa akin ni Tarra.

"Sorry for what? It's not your fault na binangungot ka, Jose." Sagot niya. Hindi ko siya matingnan sa mata kaya yumuko nalang ako at pumikit. Ayoko siyang tingnan sa mata. Ayokong makita na may isang taong nakakakita ng kahinaan ko. "Kukuha ako ng tubig. Sandali lang."

Tatayo na sana siya nang pigilan ko siya. "Hindi na. Ayos lang ako. Salamat."

Bumalik siya sa pagkakaupo. "Are you okay now? Kalmado ka na ba?"

Tumango lang ako bilang sagot. Bakas sa boses niya na nag-aalala siya. Ayokong nag-aalala siya.

Hinawakan ni Tarra ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. "Papasok na ako." Ngayon ko lang napansin na nakapagbihis na pala siya at handa nang umalis. "If you need anything, don't hesitate to call. Okay?" Malambing niyang sabi na nginitian pa ako. Isang ngiti na parang nagsasabing nandyan lang siya palagi para sa akin.

And she always has been.


~•~

I Am FoundKde žijí příběhy. Začni objevovat