Chapter 8

5 0 0
                                    

Chapter 8

He held the man on his fists
and kissed them tenderly on their muddy feet,

teaching them sins, sins, sins...


* * *


FRIDAY. LAST DAY of the week. Thanks God.

The whole week got me knocked out. Actually, my whole life got me knocked out. Napakaraming nangyayari sa bawat araw na lumilipas. Nakakapagod. But still, I'm thankful I'm alive.

"Good morning, ma'am." A group of three students greeted me in unison as they pass by me along the hallway.

"Good morning." I greeted the three girls with a smile as a feedback for their enthusiastic energy this early in the morning. Namiss ko tuloy kung gaano ako kajolly katulad nila noong college. Back to the time when professionalism was not yet required for my system.

Habang naglalakad patungo sa faculty room ay magkabilaan parin ang pagbati ng mga estduyante sa akin. Mayroong mga hindi ako pinapansin kaya hindi ko rin sila nginingitian. I don't know some of them din naman.

Nahagip ng tingin ko ang grupo ni Arellano na naglalakad pasalubong sa akin. Ilang minuto nalang at time na. Saan na naman sila pupunta?

"Morning, ma'am Jose!" Sigaw ni Arellano na nakaakbay sa girlfriend niya.

"Goodmorning, ma'am." The girl even smiled. A certain smile. Magaling silang magpakita ng kung ano lang ang gusto nilang ipakita.

"Morning." I said in a neutral voice at nilagpasan sila. Hindi ko na rin sila narinig magsalita but I can feel their eyes behind my back.

Mukhang kulang sila ngayon ah. Wala ata si Gomez.


~•~


THE BELL RANG, telling everyone it's lunch time. Hindi ko pa nga nadidismiss ang mga estudyante ko ay nagtayuan na agad sila. Inayos ko nalang rin ang gamit ko at pinaalalahanan sila.

"Remember your projects. The due date's on next week." Sabi ko sa kalagitanaan ng kaguluhan ng klase. Bahala sila kung hindi nila ako pakikinggan. Wala pa kasi akong sinasabing tapos na ang klase nagsitayuan na sila.

I sighed. Nagpaalam ang ilang estudyante na dumaan sa harap ko bago lumabas ng classroom habang 'yung iba ay dirediretso na sa paglabas. Ang grupo na naman ni Arellano ang nangunguna. Two of his friends went out running like a ninja.

Kinuha ko nalang rin ang gamit ko at lumabas ng classroom ng section C. I warned them kanina tungkol sa balita ng mga nawawalang bata. Wala akong intensyong gawin 'yon pero naisip ko na napaka-unfair ko kung hindi ako mag-aalala para sa section C dahil lang nandoon ang resident bullies ng Northwood. Kahit kasi anong mangyari estudyante ko parin sila. At ayokong maging bias. Ayokong maging unfair.

That's very unprofessional.

"Ma'am Jose." Napatigil ako sa paglalakad at napalingon sa likuran ko nang may tumawag sa pangalan ko. Hindi pa nga ako nakakalayo sa classroom ng section C.

"Gomez." Humarap ako kay Gomez. "May kelangan ka?"

"Ah, wala po. Ano lang---" His eyes roam around as if finding the right words to say. Bakit ba parang lagi siyang natatae kapag kausap ko siya? Eh napakasiga nga ng dating niya kapag kausap niya ang ibang tao eh.

I Am FoundWhere stories live. Discover now