Prologue

24 1 0
                                    

TINITIGAN KO ANG baril na nasa mesa habang patuloy sa pagluha ang mga mata ko. AEB.

Nangako ako sa sarili ko na hahanapin ko siya. Nangako akong gagawin ko ang lahat mahanap lang siya.

Nahanap ko nga siya.

Napapikit nalang ako ng mariin upang pigilan ang paghikbi ko. Nauubusan na ako ng oras. Kelangan ko nang magdesisyon.

Nahanap ko naman na siya. Bakit pa ba ako nahihirapan?

Nahanap ko na si Santos. Dapat masaya na ako. Dapat maayos na ang lahat. Dapat madali nalang ang lahat. Pero bakit mas bumigat ang dinadala ko?

Napatitig ulit ako sa baril na nasa harapan ko.

"Sana hindi ko nalang siya nahanap."

End of Prologue
* * *






REMINDER
Profanities may appear throughout the story. You can freely hit the back button if you find this offensive and unentertaining.


Thanks  for the book cover!  <3 


Thank you and enjoy reading!

I Am FoundWhere stories live. Discover now