Chapter 7

7 1 3
                                    

Chapter 7

Cruelty, I came to you,

free my people tamed by you.

* * *


"I'M GOING TO Tagaytay next week. May medical mission kami." Paalam ni Tarra na nakabuntot sa akin kahit saan ako pumunta. "And maybe I will stay there for a couple of weeks or so."

"Bakit?" Tanong ko. Pumunta ako sa kusina para kunin ang tumbler ko at sumunod naman siya.

"I was just thinking on---maybe I'll just shift to being a community doctor. I have always wanted to help people and this time, I want my help to reach out for them. You know? The people na nahihirapang pumunta sa hospital because their place is too far from the city." Sagot niya. Bumalik ulit ako sa sala para ilagay sa bag ko ang tumbler ko. "What do you think?"

Humarap ako sa kanya. "Mabubuhay ka doon nang mag-isa."

She smiles. "Nope, madam. I will live with the people there."

"Kaya mo?"

Sumimangot siya sa tanong ko. "You're underestimating me again."

I sighed. "Hindi. I'm just---worried? Kakayanin mo ba mabuhay malayo sa buhay mo ngayon? They're living in a way too far from yours, Tarra. Kaya mo bang mag-adopt sa buhay na 'yon? Kaya mong iwan ang buhay na meron ka ngayon?"

Katulad kanina ay ngumiti lang rin siya. "Jose," Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "I want to see the world. I want to know a world different from mine. I want to be like Lance na na-eexperience ang rough side ng mundo. I want to be like you na alam how the world turns." Biglang naging malungkot ang mga ngiti niya. "I want to know things. I don't want to be confined in my own safe haven while other people are struggling. That feels so unfair. The safety and convenience I have right now is the very thing other people deserves to have too. Hindi lang naman ako ang tao sa mundo."

Napatitig lang ako sa kanya nang marinig ko ang mga sinabi niya. Tarra has grown. Parang bigla siyang nagmature. I wonder kung anong nangyari para maisip niya ang mga ganitong bagay. She'd always loved having the life she has. But now she's willing to throw it away just to help others because she sees it unfair that she's having a good life while others are struggling?

Anong nagpabago sa isip niya?

"Are you sure about that? Hindi ka sigurado sa lugar na pupuntahan mo. Hindi mo alam kung anong klase ng mga tao ang makakasalamuha mo. Hindi mo alam kung sigurado ang kaligtasan mo, Tarra." Alam kong walang masyadong alam si Tarra tungkol sa buhay sa labas ng siyudad. This will be hard for her.

"Lance doesn't know what he will face in the battlefield either. He knows his life could end any time but he still chose to serve others."

"Pero sundalo si Lance. May mga kasama siya. He can survive." Giit ko.

"What difference would it do if one's alone or not? Hindi rin naman sigurado ang buhay niya kahit may mga kasama siya."

I stood quiet. She's right. No one's life is assured afterall. No one's safety is assured every time.

"Jose, I know nag-aalala ka. But I'm a lady now. I'm a grown up. Kaya ko na ang sarili ko." She shows me her sweet smile again. Tarra is like a sister to me. Natural lang sa akin na mag-alala ako.

Hindi ako sang-ayon sa gusto niyang gawin. Mapapalayo siya sa amin at hindi ko malalaman kung ano na ang nangyayari sa kanya. Hindi ko alam kung ligtas ba siya sa lugar na pupuntahan niya.

I Am FoundWhere stories live. Discover now