Chapter 3

16 1 0
                                    

Chapter 3

When up in the sky they shine,
here on the soil, they cry.
* * *

"JOSE!" EXCITED NA lumabas ng bahay si Tarra at pinagbuksan ako ng gate. "Gimme a hug!" She joyfully threw her hands on the air and embraced me when I went out of the car. Sinuklian ko naman ang yakap niya. She's always trying hard to make me feel better and that made me smile. "How's your day?"

Nilakihan ko kahit papaano ang pagod kong ngiti.

"Aww. That signals for a long brownies session." Hindi na ako pumalag nang hilahin niya ako papasok sa tinutuluyan naming bahay.

Dumiretso kami sa dining room at naabutan namin si Lucas na kumakain mag-isa sa dining table kung saan maraming pagkain ang nakahanda.

"Lucas?" Anong ginagawa nito dito?

"Yo."

"Oh. I forgot to tell you. I brought Lucas in. He made those brownies." Masayang sabi ni Tarra.

Umupo nalang rin ako sa harap niya para kumain. "Baked brownies while on a cop's uniform?"

"Had no choice." Sagot nito sabay kagat sa apple niya at kinuha pa ang kare-kareng nasa harapan ko.

Iniabot sa akin ni Tarra ang kanin habang nagsisimulang magkwento. "Saw him on the way home. He's on the market patrolling and I decided to ask him in for our dinner. Kasi you won't even respond to any of our invitations naman na kumain sa labas." Pinandilatan niya ako bigla ng mata. "Grr." She rolled her eyes and she always growls.

"Tarra, bakit ba kasi hindi ka nalang sumuko? You won't bring me out to any restaurant. And that's the end of the discussion." Sagot ko. Gamit ang tinidor ay kumuha ako ng kapiraso ng beef steak.

"Don't underestimate me, Maam. Doctors never give up." Giit niya na itinutok pa sa akin ang hawak niyang tinidor.

"But I'm not your patient."

"You don't have to be my patient, silly. You're my best friend." She glared at me. "Kung sa pasyente ko nga hindi ako sumusuko sa'yo pa kaya?" Sagot niya at tinaasan pa ako ng kilay bago ako irapan at bumalik sa pagkain.

"Sana all." Sabi ni Lucas kaya napatingin ako sa kanya. Nakatutok lang sa pagsubo si g*go. Ayan na naman ang 'sana all' niya.

Napabuntong-hininga nalang ako at nagsimulang kumain. "Hoy, ikaw. Dito ka na naman ba matutulog?" Tanong ko kay Lucas. Madalas rin kasi siya matulog dito lalo na kapag inaaya siya ni Tarra na dito magdinner. Tinatamad na umuwi.

"Pwede naman. Mukhang gusto mo eh."

"Nagtatanong ako."

"Talaga?" Minsan talaga nawawala sa isip ko na pulis 'tong si Lucas eh. Napakag*go kasi.

"Jose definitely like that idea, Luke. Dito ka na matulog." Napatingin ako kay Tarra sa sinabi niya.

"Hindi ka nakakapagbasa ng isip ng iba. Tumahimik ka diyan." Sagot ko.

"Whatever."

"Whatever, pwet niyo'ng may clover." Pagsingit ulit ni Lucas na nakatuon parin ang tingin sa pagkain niya.

"Ugh. Stop that." Reklamo ni Tarra. Napakabaduy talaga ng mga pinagsasasabi ni Lucas minsan.

"Stop what?" Pagmamaang-maangan nito. "Anyway, Jose. Ano'ng sabi ng gwapong pulis sa uto-utong teacher?"

Nagtataka akong tumingin sa kanya. Napakarandom. "Ha?"

"Hatdog."

"T*ngina mo." Hindi ko talaga alam bakit ganito 'tong taong 'to.

I Am FoundWhere stories live. Discover now