Chapter 5

18 1 7
                                    

Chapter 5

Four letters,

Hundreds of unfairness.


"Life" 

* * *



"ROMULO?" NAGTATAKA KONG tanong nang sumagot si Romulo nang tawagin ko ang pangalan niya para sa attendance.


"Present nga, ma'am. Eto oh." Sagot niya na tumayo pa at nagpogi sign. I can't believe he's back. Gaano ba siya kabilis makarecover?


"Why are you here?" Sumimangot siya sa tanong ko.


"Ma'am, hindi mo ba ako namiss?" Tanong niya na bumalik sa pagkakaupo.


I didn't answer. Tiningnan ko lang siya ng seryoso to let him know I am not joking. Nagtawanan naman ang mga kaklase niya sa simpleng tanong niya na 'yon. He's back to being loud and annoying. I guess magaling na siya.


He cleared his throat when he saw I'm serious. "Magaling na po kasi ako, ma'am. Saka pumasok na po ako kasi may namimiss na ako eh." Sabi niya na parang kinikilig. Dahan-dahan siyang lumingon sa kaliwa niya at tiningnan ang isang kaklase niyang babae na natatawa. Hindi ko alam kung gawa-gawa niya lang ang kilig niya pero ang panget niya parin kapag kinikilig.


"Ha?" Nagtatakang-tanong nung babaeng tinitingnan ni Romulo nang makita niyang tinitingnan siya ng lahat. Bigla rin siyang namula lalo na nang magsimulang magkantyawan ang mga kaklase niya.


The girl is Ms. Alvarez, I think?


"Tama na." Sa isang sabi ko lang na 'yon ay agad na silang tumahimik at tumingin sa harap. "Mr. Romulo, are you sure magaling ka na?" Tanong ko gamit ang neutral and usual voice ko.


"Yes, ma'am!" Sagot nito na sumaludo pa.


"Okay. Kapag nakita kitang lantay ulit ipapadala na kita agad sa hospital because you're not listening to me when I told you to rest. I have never told you also to go back to class yet. Too soon."


"Ma'am, ayos na po talaga ako. Nakapagpahinga na ako, at hindi naman ako mabibinat." Sagot niya. Bumaling siya sa katabi niya at may ibinulong rito na rinig naman namin lahat. "At ano naman kung sa hospital? Hospital lang naman 'yon eh. May sarili kaming hospital so hindi ako natatakot. Edi wow."


His classmates chuckled.


"I was pertaining to a mental hospital."


Even Romulo himself laughed at what I said. "Si ma'am talaga ang waley magjoke."


"Kelan ba ako nagjoke?" Tanong ko na ikinatahimik nila.


"Oh my God." Sabi ni Romulo na pinakiramdaman ang sarili niya kung mainit ba o hindi. They know that if I'm serious at what I said, I'm serious. I'm doing it.


But of course I won't do it.


"Santos." Bumalik na ako sa pagchicheck ng attendance habang tahimik pa ang klase.
"Present."



~•~



"OH MY GOD. It's him! It's him, right?!" Kinikilig na tanong ni Dennis nang makita si Lucas na naglalakad papalapit sa amin. Anong ginagawa nito dito? 


"OMG. Ang yummy." Dagdag rin ni Kate na nanlalaki ang mga mata habang kumakagat sa sandwich niya. "Bwisit!" Reklamo niya na sinamaan ng tingin ang sandwich niya habang may laman ang bibig. "Mas malaman pa siya kesa sa sandwich na'to ah. Pwe." 


"Oh my God, Jose. Ang swerte mo. May sarili kang Cardo Dalisay."
Siniko ko si Sir Dennis para patahimikin.


"Yo." Bati ni Lucas nang makalapit sa amin. Nakipagkamay rin siya sa dalawang kasama ko na kanina pa siya pinagnanasaan.


"Hi! Nice to see you again. Buti napadaan ka." Mahinhin na sabi ni Dennis. Si Kate naman patuloy lang sa pagkain ng sandwich niya. Jusko. Nakalimutan niya bang may asawa na siya?


"Anong ginagawa mo dito?" Nagtataka kong tanong.


"May iniimbestigahan lang kami na kaso."


"Sa loob ng school?" Kunot-noo kong tanong. Why would they investigate inside the school?


"Hindi. Diyan sa labas. Dumaan lang ako kasi may pinapaabot si Tarra sa'yo." Sagot niya at inabot sa'kin ang dala-dala niyang paper bag.


I sighed. Akala ko naman may dapat na kaming ipag-alala.


"OMG. Who's Tarra? Manliligaw mo?" Kinikilig na tanong ulit ni Dennis.


"Wait, what?" Gulat na tanong naman ni Kate na hindi parin pala nauubos ang kinakain na sandwich.


"Stop putting issues in everything that's happening in my life." Sagot ko at sinamaan sila ng tingin.


"Okay, okay. Galit agad? Gusto agad manakit?" Sagot ni Dennis na itinaas pa ang dalawang kamay senyales ng pagsuko.


Ugh. C'mon, Jose.


"May mga anak ba kayo?" Tanong bigla ni Lucas sa dalawa kaya napunta ulit sa kanya ang atensyon namin. 


What?


"Ako! Ako, wala pa." Masayang sagot ni Dennis na nag-ayos pa ng imaginary bangs niya.


Seriously? Naglalandian sila sa harap ko? And for Lucas, is that his way of flirting?


"Oh my God." Nabitawan ni Kate ang plastic ng naubos niya nang sandwich. "May asawa na pala ako." Sabi niya na tumingin pa sa akin. "I'm not flirting, Jose. Okay?" Bulong niya. "Pero wala parin naman akong anak. Hehe." Sabi niya ngumiti ulit at tumingin kay Lucas.


"Ganun ba? Sabihan niyo nalang ang mga kakilala niyong may mga anak na bantayan sila ng maigi. Huwag niyong hayaan na maglalakad mag-isa ang mga bata ngayon. Delikado." Sabi niya na inilibot ng tingin ang mga estudyanteng nagkakalat sa quadrangle.


"Delikado?" Nagtataka kong tanong.


"I thought he's going to ask kung pwede niya tayong anakan." Bulong ni Dennis kay Kate.


"Girl, ako lang. Wala kang matres." Sagot ni Kate. I wonder if Lucas can hear them too. Probably yes. And probably he's cackling inside him.


"Laganap na naman kasi ang kidnapping ngayon. 'Yung inimbistigahan namin sa arcade kahapon, tungkol 'yon sa bagong kaso ng nawawalang bata. 12 years old. Tatlong araw na nga nawawala. Hanggang ngayon wala pa kaming matinong lead kung nasaan siya. Tanging pinanghahawakan lang namin ay testimonya ng ilang witness na nakita daw nilang isinakay sa puting van ang bata.." Sagot niya.


"Oh my God."


"Ano? Andyan na naman ba 'yang issue na 'yan? Taon-taon nalang ba?" Medyo iritado kong saad. Halos kasi taon-taon nalang ang balita tungkol sa kidnapan na 'yan ng mga bata. Kelan ba matatapos 'yan?


"It's not fake news, Jose. Totoo ito." Sagot ni Lucas. 


"Oh my God. If that's true, I should check on my pamangkin now." Sabi ni Kate na dali-daling tumakbo palayo.


"Cardo, hindi talaga fake news 'yan?" Nag-aalala ring tanong ni Dennis.


"We've found several victims' corpses. Kulang kulang na ang mga lamang loob."


Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Lucas. So it's real? Pero bakit?


Bakit kelangan may ganito pa sa mundo?


"T-too much info." Naduduwal na sabi ni Dennis. "I better go check on my---family too." Katulad ni Kate ay naglakad rin siya palayo habang may ginagawa sa cellphone.


"Lucas—" I turned to Lucas. Bigla tuloy akong natakot para sa mga estudyante ko. Those kidnappers tend to chase kids like them and younger.


"Actually, Jose, that was just a joke." Sabi niya pero seryoso parin ang mukha.


"Ha?"


"Hatdog."


I swung the paper bag and hit him. Kahit kelan talaga hindi ito matinong kausap. "Kahit kelan talaga, 'noh? Umalis ka na nga!"


"Hey, hindi ko naman alam na seseryosohin nila!" Sabi niya na ang lakas na naman ng tawa.


"You're really hopeless. Huwag mo 'kong kausapin." Dinuro ko muna siya bako talikuran at nagsimulang maglakad pabalik ng faculty room.


"Teka lang, Jose! May sasabihin kasi talaga ako sa'yo kaya ako nandito." Giit niya pero hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. "Jose! Hoy, may sasabihin nga ako!" I know he's following me and he's starting to gain attention. Kaya wala akong choice kundi humarap ulit sa kanya.


"What?!" Iritado kong tanong.


"Whatdog."


P*tangina.


~•~


"SANA ALL MAY jowa!" Sigaw ni Arellano ang bumungad sa akin pagpasok ko ng Section C. Sinamahan pa ng kantyawan at pagpito ng mga kaklase niya.


"Sana all may kaharutan sa quadrangle!" Sigaw rin ng isa.


"Quiet." I said boredly with matching hampas ng dos por dos na nasa mesa. Never know why Section C keep this thing in the teacher's table. Well, it's favorable for me. I could throw it in the air and hit the sh*t out of this sh*theads. "Who said that?" Sabi ko. It was more like a statement instead of a question.


That's why the class sat quietly.


"I said who said that?" Pag-uulit ko sa parehong neutral at seryosong boses.
No one was answering.


"Kindly watch your words. It's kind of defining who you are instead of who you're talking about." Sabi ko. Hinila ko ang upuan at umupo para magcheck na ng attendance. Kung lagyan ko kaya ng absent lahat ng pangalan na nandito sa class record ko? Matagal ko ng gustong gawin 'yon.


"Hoy, Joshua! Bawiin mo nga 'yung sinabi mo." Nakarinig ako ng mahinang usapan. Nag-uumpisa na naman sila.


"Ha? Hatdog ka, Mike. Nagkakatuwaan lang naman kanina ah."


"Pwes hindi nakakatuwa. Kaharutan mo 'to."


"G*go, 'wag mo 'kong papaky*han sapakin kita diyan."


"Uuuuy. Si Mike Gomez, oh. Nagpapaka-lover boy na naman."


"Para sa grades 'yan, 'noh?"


"Mga g*go kayo. Tigilan niyo 'ko."


Muli kong hinampas ang dos por dos sa mesa para tumahimik sila. 


"Arellano." I started checking the attendance.


"Present, my gorgeous teacher!" Wala akong pake.


Natigilan kaming lahat nang may biglang kumatok sa pintuan.


"Good day, Ms. San Jose." Bati ng SC president na si Samonte.


"Ms. Samonte. Come in." Pumasok naman siya at binigay sa akin ang dala-dala niyang papel.


"I was told to spread it. Effective na po 'yan ngayon."


Binasa ko ang nakasulat sa papel. I thought I'm receiving a memo. Too soon, Jose. Wala ka pa ngang nabubugbog sa mga estudyante mo eh at hindi ka parin nagsusuot ng rubber shoes with your teaching uniform. You're safe.


To: All the Students and Faculty


We will be having a general meeting today, January 13, 2020, 2:00 pm, at the gymnasium, regarding several school matters. Mag-attend kayo. Walang magcu-cutting. Walng tatakas. Sabay-sabay tayong mabored sa loob ng dalawang oras. Arat na mga eraps!


Note: To all teachers, please guide and keep an eye for your respective classes. Bawal tayo mag-ingay kahit boring.


Napatingin ako kay Samonte matapos mabasa ang sulat. Natatawa siya.


"Is this a joke?" Hindi makapaniwala kong tanong.


Pini-pilit niya ang sarili niya na hindi matawa. "M-ma'am. Nautusan lang po ako. Galling 'yan sa office."


"Sino nagsulat nito? Ang principal?" 


"Si Sir Dennis po."


I blinked. That Dennis.


Nakadaan 'to sa principal nang ganito? This is so informal and what the heck? Hindi ako natatawa sa kag*guhan ni Sir Dennis pero what the heck talaga. Ang tapang niya naman. At ang g*go.


~•~


"PLEASE SETTLE YOURSELVES down. We will start in a few minutes." Sabi ng emcee na si Sir Roel na agad ring nawala sa stage.


I stared at the World War III. Hindi na 'to eskwelahan, hindi rin palengke. This is a battlefield.


"Guys, guys, guys! Tahimik na po tayo." A student was roaming around a bunch of students with her hands raised and trying to calm the sh*t out of her classmates.


"Ouch! That's my butt, girl!" I heard a girl nearby.


"Hoy! Ang gulo niyo!" A guy yelling at a group of students playing and hitting each other. 


I sighed. Kakapasok lang namin ng section C sa gymnasium pero hindi ko na agad sila makita. Para akong nasusuffocate sa dami at gulo ng mga estudyante dito. They were all roaming around and if not, they're on their seats, sitting while acting like tadpoles on water.


"Excuse me. Magsitabi nga kayo." Sabi ko as I make my way through the crowd. I wouldn't try na sawayin sila. What for? They're hundreds. And I'm only one. Mabuti sana kung nasa classroom lang kami at 34 lang sila.


"Attitude si ma'am." Narinig kong may nagsalita sa likod ko habang naglalakad ako pero hindi ko nalang pinansin. I just rolled my eyes. They don't know what attitude I have especially in highschool.


Too much noise. Naiirita na ako sa mga naririnig ko. Why is there screaming? Why are they laughing? What's funny? Their faces, Jose. Just think about that.


Mas lumalakas ang tawanan at sigawan habang nakikipagbuno parin ako makadaan lang. Mas lumalapit ata ako sa source ng ingay na 'yon at sa gulo. Should I turn the other way?
That's it. Good idea.


Tatalikod n asana ako para umiwas ng daan nang may marealize ako. That kind of noise. That noise of the crowd which is gained by a certain happening. The noise.


Arellano. May ginawa na naman ba sila ngayon?


Dumiretso ako sa pinanggagalingan ng ingay hanggang sa makita ko ang pinagkakaguluhan ng mga tao.


"Santos! Santos! Santos!" The crowd suddenly yelled.


Nakita ko si Arellano na nakatayo sa harap ng nakaluhod na si Santos. His friends stood behind him, totally amused. 


Santos was grasping for breath. He's looking down while his free hand holds his stomach and the other presses the floor for balance.


What now. Eto na naman?


"C'mon, Santos! Ipakita mo 'yang tapang mo! You had the guts to push me." Linapitan ni Arellano si Santos at lumuhod sa harap nito. He spread his arms widely. "Now. Do that again."


Gomez, the one I hope I had brainwashed, just stood there. Nanonood lang siya and not doing anything. Sure, I see he's watching with a worried and concerned look. But he just watches.


"Do it again, Santos! F*cking push me again!" Arellano yelled. He's obviously mad.


I clenched my fists. Calm down, Jose. Breathe. Calm down.


F*ck it. I couldn't calm down.


Biglang nawala ang sigawan nang maglakad ako bigla palapit sa dalawa. I'm sure kitang-kita sa seryoso kong mukha ang galit na nararamdaman ko.


"M-ma'am Jose." Gomez uttered.
Hinila ko ang kwelyo ni Arellano dahilan para mapatayo ito. Tiningnan niya ako na parang nagulat. "What have I told you?" I asked in a hard tone of voice. I tried my best not to glare at him but I could only hope I did my best.


"Ma'am." 'Yun lang ang sinabi niya habang nakatingin sa akin na bakas parin ang pagkabigla.


We heard a whistle. "Tabi! Tabi!" 


Lumitaw mula sa dagat ng mga estudyante ang dalawang gwardya kasama ang guidance counselor ng school. "Ma'am Jose!" Sa tono ng boses niya alam kong iniisip niyang may ginawa ako sa batang hawak ko.


"Pakidiretso na'to sa detention, ma'am." Sabi ko nang itulak ko si Arellano sa direksyon ng guidance counselor.


"M-ma'am Jose," She said while looking at Santos. "That is not for you to decide. Pag-usapan muna natin 'to sa guidance office."


"And then what? Set them free again? Just like that?" Tanong ko na hindi niya naman sinagot. "Sa detention siya dadalhin. The consequences are on mine if it happens to have."


I turned to Santos who's still kneeling to the ground. Nakatingin na siya ngayon sa amin. "Mr. Gomez." Napapitlag si Gomez na nakatayo parin sa tabi. "Bring Santos to the clinic."


"Ma'am Jose. This is not the policy. Kailangan muna nating pag-usapan ang problema bago tayo magpadala ng estudyante sa detention. And we need Santos. We need both sides to take this right." That's not the policy either.


"We're taking both sides pero ang pakikinggan niyo lang ay 'yung isa. And you're talking about policy? With all due respect, ma'am, but the policy has been overrated."


The guidance counselor held her head high. "Then what do you want to do? Detention? Fine. Detention it is." She said proudly. "For how many hours?"


I sighed. Two hours left before the class hours end. "Only until dismissal."


Nanatili siyang tahimik sandali. Malamang iniisip niya kung anong pinaplano ko at hanggang dismissal lang ang binigay kong oras.


"Okay. Mr. Arellano---"


"And a one week suspension." 
She turned to me with wide eyes.


"What?"


"Or maybe more?"






End of Chapter 5
* * 

I Am FoundDonde viven las historias. Descúbrelo ahora