Chapter 11

6 0 0
                                    

Chapter 11

"In this evil year, autumn comes early,
I walk by night in the field, alone,
the rain clatters,
the wind on my hat...
and you? And you, my friend?"

-Thinking of a Friend at Night, Hermann Hesse
1915

***

"SALAMAT PO, MA'AM Jose. Ingat ka po." Paalam ni Alvarez nang ihatid ko siya sa bahay niya. Hinintay ko muna siyang makapasok sa magarbo nilang bahay bago ako magsimulang magmaneho.

Mahigpit ang kapit ko sa manibela habang iniisip ang mga sinabi ni Aleng Sonya kanina. Nawawala si Santos. Paanong nawawala si Santos? Bakit siya nawawala?

Could it be na naglayas siya? Pero bakit naman siya maglalayas? May problema ba sila sa bahay? Sinasaktan na naman ba siya ng tatay niya?

Shoot. What if sinaktan na naman nga siya ng tatay niya kaya siya naglayas? Was letting him go a big mistake?

I really can't understand kung bakit may mga magulang na nagagawang saktan ang mga anak nila.

"Time check muna tayo. Three minutes bago sumapit ang alas syete ng gabi and here's Don't Let It Break Your Heart by Louis Tomlinson for all struggling out there! Telling you life is just a matter of holding on and fighting for what completes you."

The radio started playing the song. Alas syete na pala. Nakauwi na kaya si Tarra? Hindi nun kaya manatili mag-isa sa bahay kapag madilim.

Patingin-tingin ako sa gilid ng daan, umaasang may makikita ako. Hindi ko nga alam kung ano ba'ng hinahanap ko sa gilid ng daan. Siguro umaasa lang akong makikita ko si Santos.

Napako ang tingin ko sa isang posteng maraming nakadikit na papel. Isa sa mga nakadikit ay ang missing poster ni Santos.

Agad kong inikot ang manibela at lumiko ako sa kanan papuntang centro ng syudad. May kelangan akong puntahan.

Limang araw na pala nawawala si Santos pero hindi namin alam. 'Yun kaya ang dahilan kung bakit nasa Northwood si Aleng Sonya noong isang araw? Hinahanap niya na kaya si Santos noon?

"Si Sadako nga na nasa loob ng TV alam ang nangyayare sa labas ng TV tapos ikaw na palaging nasa labas, walang kamuwang-muwang sa mundo?"

Siguro tama si Lucas. Wala nga talaga akong alam sa mga nangyayare sa mundo. Wala akong alam dahil hindi naman ako nangingialam. Wala akong pake.

Pero bakit wala man lang nagsabi sa amin? Sa akin? Na isang estudyante namin ang hinahanap ng magulang niya? Bakit wala man lang nakarating na abiso?

Could it be because he's just Santos? He's just the nobody? F*ck this system. Wala man lang bang may pake sa kanya sa eskwelahang iyon?

Limang araw na siyang nawawala. Simula noong huwebes. Pagkatapos ng pambubully ni Arellano sa kanya sa gym. Matapos siyang pagkatuwaan ng maraming tao. Hindi kaya iyon ang dahilan kung bakit siya nawawala? Lumayas kaya siya dahil hindi niya na kinaya? Tao lang rin naman si Santos. Napapagod rin siya.

Paano kung hindi lang paglayas ang ginawa niya? Paano kung sobrang napagod na siya sa buhay niya kaya gusto niya nalang mawala?

Mas humigpit ang hawak ko sa manibela dahil sa huling pumaasok sa isip ko. Everybody has the right to be tired. But giving up is a choice.

But just because it's in the choices doesn't mean you're obliged to choose it.

But what if hindi nga talaga siya naglayas? He's just simply missing. Kita ko ang galit sa mga mata ni Arellano noong kinausap ko siya. Kita ko kung gaano niya hindi kagustong nasa paligid niya si Santos. At ang nakakapagtakang kilos ni Gomez---I'm sure he knows something. Halatang may alam siya dahil kung hindi, bakit niya naman hahanapin si Santos nang may ganoong pag-aalala at takot sa mukha niya?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Am FoundWhere stories live. Discover now