Part 1.2 (Chapter 1)

5.7K 120 1
                                    

NAGISING si Lara na namimigat pa ang talukap nang mata niya. Komportable ang pakiramdam niyang nakahiga sa malambot na kama. But her eyes seems bleary. Pero dahil gising na ang pakiramdam niya ay bumangon siya mula sa pagkakahiga sa kama. At ganun na lang ang gulat niya nang mapagtanto niyang hindi pamilyar sa kanya ang silid na kinaroroonan niya. It was not her room.

Tila pelikulang bumalik sa isip niya ang alaalang iyon. That she was supposed to be married and on her way to the church. Nang harangin sila nang ilang kalalakihan. And she was abducted. At naiwan ang magulang niya kasama nang dalawang lalaking humarang sa kanila.

Bigla ay nayakap niya ang sarili. Natatakot siya sa posibling gawin sa kanya nang lalaking kasama niya. Noon lang niya narealized na sout pa rin niya ang gown niya. Nasa ganun siyang sitwasyon nang bumukas ang pinto. Bahagya pa siyang nasilaw sa liwanag mula sa labas. Medyo madilim kasi ang kuwartong kinaroroonan niya.

Bigla ay sinalakay siya nang matinding kaba dahil sa presenysa nang bulto nang katawang iyon. The man standing at the doorway was tall, with board chest. Sa tikas at tindig nito, masasabi niyang athletic itong tao. At alam niyang hindi siya makakawala dito.

Nagulat siya nang bumaha nang liwanag ang boung silid.

"You can open the light if you want." Anang nang tinig na iyon. It was him. Alam niyang iyon ang lalaking may takip ang mukhang katabi niya sa kinauupuan niya. She was sure of it. Subalit taliwas iyon sa masamang hitsurang naiimagine niya dito. Dispite his handsome voice. Inisip niyang isa itong lalaking tulad nang mga goons na napapanood niya sa pelikula.

But this man was far different. He was gorgeous. A real tall, dark and handsome. He looks so calm, but the calmness make her shiver to the bone. Hindi ito mukhang nakakatakot, but his eyes speaks danger.

"Sino ka?" Anang niya na napa-atras pa siya dahilan upang bumanga ang likod niya sa headboard nang kama.

"Your Lara Plaza right? Daughter of a wealthy politician. Nice catch." Tila nakaka-insultong saad nito saka siya hinagod nang tingin.

"Alam ko kung sino ako. Mr. Ikaw ang tinatanong ko, who are you? At anong karapatan mong ikulong ako dito?" Bigla ay nagkaroon nang guhit ang noo nito. Saka napa-iling.

"Hindi kita ikinukulong dito. Your free to go out, anywhere you like, hanggang sa kanyang marating nang paa mo. Kung nagugutom ka na may pagkain sa ibaba." Anito. "At may mga bagong damit sa closet, if you won't mind changing yourself. " Dugtong pa nito. Napansin niya ang tila pag-asin nang mukha nito. He disgust her. Or something.

Damn what's going on? Bigla ay kinuha siya nito sa araw nang kasal niya. And now he will tell her that she was free to go. Niluluko ba siya ang lalaking ito?

"Hindi ako nagugutom, iuwi mo na ako sa' amin." Pasigaw na saad niya dito. Pero dahil sa ginawa niya ay tila naubos ang natitira niyang enerhiya. Kasabay noon ay ang pagkulo nang tiyan niya. Damn hindi pa nakisama ang tiyan niya.

"Ikaw ang bahala. Pero nakahanda na ang pagkain sa ibaba. "Iyon lang at tinalikuran na siya nito.

Ang walang hiya tinalikuran siyang hindi man lang nagpapakilala dito.

Napilitan siyang maghalungkat sa closet na sinasabi nito. Maraming damit na naroon at sa tingin niya ay mga bago ang mga iyon. At kahit hindi niya isukat ang mga iyon alam niyang magkakasya iyon lahat sa kanya.

Nice catch. Tila narinig niyang muli ang sinabi nito. What was he mean by that? Natatandaan niyang sinabi lang nitong hindi nito kailangan ang pera niya. Kaya para saan ang tinuran nitong iyon. Nahulog ang diwa niya malalim na pag-iisip. Naguguluhan siya sa mga nangyayari.

Dala nang gutom ay ipinasya niyang bumaba. Hindi na siya nagulat nang hindi nakalock ang pinto nang kuwarto niya. Saka siya nagtungo sa kumedor. At tama rin ang sinabi nitong may nakahandang pagkain doon. Nilagang baka, at gulay ang naroon . May iba't iba g klasing prutas rin na mukhang sariwa pa. Dala nang gutom naupo siya sa isang bakanting silya sa mahabang dinning table na naroon. Then she started eating. She was surprise to enjoy the foods. Siguro ay dahil sadyang gutom na siya.

It will be better this way, kaysa naman mamatay siya sa gutom. Bukod doon ay kailangan rin niya nang lakas upang makagawa siya nang paraan upang makaalis sa lugar na iyon. Hindi naman siguro siya lalasunin nito. Dahil kung papatayin lang din naman siya. Para saan pang dinukot siya nito. At dinala sa lugar na iyon.

Subalit nag-aalala pa rin siya sa kung anong sadya nang lalaking iyon sa kanya.

And speaking of the devil. Iginala niya ang mata sa paligid. Bukod sa ingay na ginagawa niya ay wala na siyang ibang naririnig pa. So ibig sabihin noon ay sila lang ang naroon sa lugar na iyon. Kung saan man iyon. Gagawa siya nang paraan upang makaalis doon. Unscratch. Pero dahil madilim ang boung paligid ipagpapabukas na niya ang planong iyon.

Tapos na siyang kumain nang bigla ay may narinig siyang kaluskos mula sa kung saan? Bigla ay inataki siya nang kaba. Hindi sa matatakutin siya. Pero kinakabahan siya sa kaka-ibang ingay na iyon. Tila bakal na marahang umiigit.

Kinakabahang napahawak siya sa silyang kinauupuan kanina saka marahang tumayo. Parang naiimagine na niyang biglang may lalabas na halimaw mula kung saan. At ganun na lang ang tili niya nang biglang namatay ang ilaw. Kasabay nang biglang pagkidlat, na ilang segundo ring sinundan nang dagundong.

Lalo pang lumakas ang sigaw niya nang biglang bumukas ang pinto. Isang malaking bulto nang katawan ang nakita niyang nakatayo doon. Parang isang horror film ang pinapanood niya at siya ang sunod na biktima nang isang serial killer. Dahil nagsilbing background nang lalaking iyon ang kidlat.

Lalo siyang napatili nang lumakad ito papalapit sa kanya.

"Help!" Malakas na sigaw niya sa kawalan. Saka siya napa-upo. She start trembling in fear. At naghihintay nang katapusan nang buhay niya.

"What the hell are you doing?" Ang malakas na tinig na iyon ay nakikisabay sa dagundong, dahilan upang lalong tumindi ang kabang nararamdaman niya. Lalo na nang hawakan siya nito sa braso. Saka siya tila papel na hinila para tumayo. "You irritating brat!" Angil nito na halatang napuwerwisyo sa sigaw niya. Noon lang niya nagawang imulat ang mata.

She suddenly felt relieve at least hindi isang halinaw ang nakatakdang pumatay sa kanya. Tulad nang naisip niya. But wait? But of course, nanganib pa rin ang buhay niya sa kamay nito. Dahil ito ang lalaking kumidnap sa kanya.

"What was your problem?" Inis pa ring saad nito.

"Your scaring me that's why?" Ganting angil niya dito. Dahilan upang magsalubong ang kilay nang seryosong mukha nito.

"Go back to your room," utos nito. Buwisit na lalaki. Talo pa ang magulang niyang mag-utos sa kanya.

"Gusto ko nang umuwi." Matigas na saad niya sa halip na sundin ang utos nito.

"No! " Nagtangis ang bagang nito. Tila naiirita sa kanya. " Mananatili ka rito,"

"Sira ba ang ulo mo o engot ka lang talaga ha? Bakit mo ako ikukulong dito? "

"I'm not crazy, lady. At hindi kita ikinukulong. Now go back to your room." Pinal na utos nito. Parang nakikita na niya ang kapalaran niyang miserabele. Kasama ang lalaking ito. Bigla ay na lang tuloy niyang naisip na isa itong stalker niya at naisip siyang kidnapin dahil mag-aasawa na siya.

"Tell me the truth, stalker ka ba?" Isang nakakalukong ngiti ang kumawala sa labi nito.

"I'm not the kind of man . So go back to your room," mariing saad nito.

Walang magawa si Lara kundi ang bumalik siya sa silid na inuukupa. Hindi niya maunawaan kung anong papel niya sa problema nang lalaking. Bakit siya dinukot nito? Ano bang kasalanan niya dito.

Inis na nahiga siya sa kamang naroon. Gusto niyang malaman kung anong nangyari sa magulang niya. Pihadong nag-aalala na ang mga ito sa kanya. At si Ralf? Sana ay hanapin siya nang kasintahan. She know him well. Sa isiping iyon ay nagkaroon siya nang pag-asa. Haggang nakatulugan na lang niya ang pag-iisip. Dala nang pag-asang mahahanap rin siya nito.

Duke SebastianWhere stories live. Discover now