CHAPTER TWO

5.9K 125 4
                                    

KINABUKASAN. Maagang nagising ni Lara dahil sa malamig na hanging pumapasok sa silid niya. Napatingin siya sa kurtinang kasalukuyang isinasayaw nang hanging umaga. Sa kabila nang mga alalahanin niya ay nagawa pa rin niyang ngumiti. Maganda kasi ang pakiramdam niya. Saka siya tumayo at lumapit sa bintana. Saka hinawi iyon.

Ganun na lang ang paghangang nararamdaman niya nang mapatitig siya sa lawak na karagatang natatanaw niya. May kalayuan iyon sa bahay na kinaroroonan nila. Tantiya niya'y mga dalawang kilometro rin iyon. Kaya marahil hindi niya naririnig ang hampas nang alon. May iba't ibang puno ring nakatamin sa paligid nang bahay, maganda at maayos ang hardin. Naagaw ang mata niya sa bakal na swing na naroon. May mga tuyong dahon na nalaglag sa swing at sa damuhang mukhang alaga sa trim.

Hindi niya maiwasang humugot nang malalim na paghinga. When was the last time she did enjoy such view. Ah matagal na. Bigla ay tila inilipad nang hangin ang alalahanin niya, at pansamantalang nakalimutan niya kung bakit siya naroon sa bahay na iyon. It seems so peaceful and relaxing. Masarap sigurong tumira sa ganung lugar?

"Gising ka na pala." Tila siya nalaglag sa magandang panaginip nang marinig niya ang pamilyar na tinig na iyon. Walang iba kundi si---

Natigilan siya nang maalalang hindi nga pala niya alam ang pangalan nang lalaking iyon. Dahil ayaw nitong magpakilala sa kanya. Puwes hindi siya interesadong makilala ito. Matalim ang tinging ibinigay niya dito.

"Yeah, at sinira mo ang magandang umaga ko." Mataray na saad niya dito. Subalit tila balewala dito ang pagtataray niya. "Hanggang kalian mo ako balak ikulong dito?" Tanong niya dito.

"Bumaba ka na diyan, lumalamig na ang pagkain." Anito sa halip na sagutin ang tanong niya. Saka siya tinalikuran nito.

"Bastos rin ang isang ito." Sambakol ang mukhang sumunod siya dito. Hindi masamang subukan niyang magpakabait dito. She will try her best. Mukha kasing hindi naman ito masamang tao. Malibang wala lang talaga itong manners, dahil hindi marunong kumatok sa pinto nang may pinto. At hindi marunong magpakilala nang sarili nito.

Nadatnan niya ito sa kumedor. At tulad kagabi ay naka-ayos na ang pagkain doon. Bigla ay nakadama siya nang gutom. Not bad for an abducted woman like her.

"Kumain ka na."Utos nito saka naupo na sa kabisira. Wala siyang planong nagpapilit pa kaya naupo siya saka nag-umpisang maglagay nang pagkain sa braso niya.

"Ikaw ba ang nagluto nang mga ito?" Dala nang kuryusidad ay nagawa niyang itanong dito. Mula pa kasi kahapon ay wala siyang nakikitang ibang tao sa lugar maliban sa kanila. Ngunit kapansin pansin ang kaayusan nang lugar.

"Who do you think will?" Walang kangiti-ngiting sagot nito na hindi man lang nag-abalang sulyapan siya.

"Yeah fine." Isang masamang tingin ang ipinukol niya dito. Anong klasing lalaki ba ito? Bakit parang galit ito sa mundo. At sa kamalasan ay nadamay siya sa galit nito sa mundo.

"Your parents are fine, naiparating ko na rin na nasa maayos kang kalagayan." Anang nito pagkalipas nang ilang sandali. Dahilan upang balingan niya ito. Para itong isang aristocrat kung titigan niya ito. Calm and relax. Serious and dangerous at often times. Pero hindi maipagkaka-ilang guwapo ito. And his serious façade just add to his personality.

"Hindi ko ba sila puweding maka-usap and, can I talk to my fiancé nag-aalala na iyon sa'kin." Bigla ay nakadama siya nang takot dahil sa masamang tingin ang ibinigay nito sa kanya. Kasabay nang pagtangis nang bagang nito. Hindi tuloy niya malaman kung anong maling nasabi niya dito.

"Ibabalik kita sa tamang panahon." Kitang kita niya ang paggalawan nang muscles nito sa mukha. Sa reaksyon nito alam niyang galit ito. Kung para saan hindi niya alam.

Duke SebastianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon