CHAPTER FIVE

4.7K 104 4
                                    

"ANONG ibig n'yong sabihin Nanay Minda?" Kuryos na baling niya dito. Nasabi kasi nitong hindi na nagkaroon nang nobya si Duke five years ago. Bagay na ikinagulat niya. Para kasing mahirap paniwalaan na ang tulad nito ay walang girlfriend .

"Hmm, siguro dahil lagi siyang nakasimangot at walang imik. Sino bang babae ang gusto ang lalaking bukod sa mayabang na, eh talaga namang mahirap espilingin ang ugali. " Nais sana niyang idagdag. Napangiti siya nang tumawa lang ito. "Minsan nakakabored siyang kasama." Hindi niya mapiligilang saad dito. Alam niyang dapat ay magagandang bagay ang sinasabi niya tungkol dito. Dahil iyon ang dapat bilang 'mag-asawa' sila. Subalit hindi niya mapigilan ang sarili. Ipinagpasalamat na lang niyang walang reaksyon doon ang ginang.

"Hindi ganun si Duke, Lara ." Anito sabay ngiti. " Ang batang iyan, napakabait at maalalahanin. Marunong makisama sa mga tao sa paligid niya. At dating napakamasayahing tao." Anitong biglang lumungkot ang mukha sa huling sinabi. Saka bumuntong hininga. Bagay na ikinagulat niya. Na ikina-iling nito.

"Ang batang iyon," saka pilit ngumiti. "Hindi pala siya nakakapagkuwento sa'yo nang nangyari noon sa dati niyang kasintahan." Bigla ay nakadama siya nang labis na kuryusidad. "Kung sabagay, mahirap balikan at alalahanin ang masasakit na alaala. Lalo na para sa asawa mo." Anang nito. Naguguluhan siya sa sinasabi nito.

"Hindi ko kayo naunawaan Nanay Minda?" Nasa mukha ang pagkalito sa sinasabi nang matanda. She waited impatiently. She wanted to know more about him.Kaya hahayaan niya itong magkuwento.

"Masakit ang naging karanasan ni Duke, iha." Simula nito. "Dahil sa harap niya pinagsamantalahan ang babaing mahal niya. " Napa-awang ang bibig niya sa narinig. Gusto niyang itanong kung nabibiro ba ito. Subalit sa nakikita niyang habag sa mukha nito, alam niyang hindi. " Naging napakasakit para ka Duke ang pagkawala ni Army. Mga bata pa lang sila inasahan na nang magulang nila na ang mga ito ang magkakapangasawahan pagdating ang araw. " Naroon ang panghihinayang sa mukha nito. "Subalit ang trahedyang nangyari ilang araw bago ang kasal nila, ay nagdulot nang labis na kalungkutan kay Duke." Hindi nakaligtas sa paningin niya ang munting luha sa gilid nang mata nito.

Hindi niya inaasahan ang bagay na iyon. Kaya ba parang lagi na lang nitong pasan ang mundo? Dahil labis nitong dinamdam ang pagkawala nang babaing pinakamamahal nito. He must be deeply in love with her. Bigla ay sinalakay siya nang labis na lungkot.

"Nahuli po ang may gawa noon?" Sa mahinang tinig ay nagawa niyang itanong dito.

"Ang alam ko hindi, kaya haggang ngayon gumagawa pa rin siya nang paraan para makapaghiganti." Nagulat siya ang hawakan nito ang dalawang kamay niya.

"Kaya nga masaya akong malamang dumating ka sa buhay niya. Tulungan mo siyang kalimutan ang nakaraan. Mahalin at unawain mo siya, iha." Nakadama siya nang pagka-ilang dahil sa paki-usap na iyon nito. Siya, paano niya gagawin iyon? They were just pretending before the old woman. Para mapasaya ito.

At anong magagawa niya para nakalimutan nito ang lahat?

"Mahalin mo siya, iha. Iyon ang kailangan ni Duke. Alam kong sinisisi pa rin niya ang sarili sa pagkawala ni Army. Kaya sana tulungan mo siyang kalimutan ang lahat. Para maging masaya siya. " Nasa mata nito ang paki-usap. May kung anong mainit na bagay ang tila kumalat sa dibdib niya. Paano ba niya magagawang mangako dito?

"I promise po, hindi ko iiwan si Duke. " Alam niyang hindi iyon ang dapat lumabas sa bibig niya. Subalit huli na para bawiin pa niya. At sa tinuran niyang iyon ay biglang nagliwanag ang mukha nito. She did really care for him. Alam niyang dahil iyon sa mabuting pakikitungo at pagtrato nito sa matanda. Parang anak na kasi ang turing ni Nanay Minda sa binata. At ganun din ito sa ginang.

Nangako siya ritong hindi babangitin sa binata ang nalaman niya. Ayon dito kalian man ay hindi nito gustong pag-usapan ang nangyari. Hintayin na lang daw umano niya na ito ang mabukas nang paksang iyon. She truly understand that, dahil higit na mahirap isipin ang alalaang mahirap kalimutan.

Duke SebastianWhere stories live. Discover now