CHAPTER SEVEN

4.6K 113 1
                                    


NAPALINGON SI LARA, sa pintong iyon na bahagyang naka-awang. Iyon ang kuwartong hindi niya nabuksan nang maghanap siya nang cellphone noon. Dala nang kuryusidad natagpuan niya ang sarili sa loob nang silid na iyon. Isang malaking larawan ang unang umagaw nang atensyon niya. Maganda ang mukha nang babaing naroon. Punong puno nang buhay ang mukha, dahil sa nakangiting mga mata nito. Nanatili ang titig niya roon nang natagpuan niya ang sariling lumapit dito.

" The only woman I will ever love, Army" Nakasulat iyon sa ibabang bahagi nang larawan. at sa dulo ay ang pirma nang artist. Army, natatandaan niyang iyon ang pangalan nang babaing naikuwento ni Nanay Minda. Bigla s'yang natigilan. Ito ang dating nobya ni Duke. At talaga namang magada ito.

"Anong ginagawa mo rito?" Mabilis na napalingon siya sa may-ari nang tinig na iyon dahil sa pagkagulat. Bigla nakadama siya nang takot dahil sa galit na titig ni Duke sa kanya. Hindi niya naka-imik nang marahas siya nitong hilahim palabas nang kuwarto. "Wala kang karapatang pumasok sa kuwartong iyan." Nagtatangis ang bagang nito sa galit. Iyon ang unang pagkakataong nakita niya ito na ganun kagalit. Parang pinipiga ang dibdib niya sa tindi nang galit sa mata nito. Saka siya napangiwi.

"Masakit," daing niyang napatitig sa braso niyang hawak nito. He was tightly griping her arm na tila hindi nito namalayan. Noon lang siya nito pinakawalan. Halos madurog ang braso niya dahil sa galit nito. Biglang gumuhit ang pagkalito sa mata nito nang makita ang namula niyang braso.

And she was has never been scared in her life. Ganun katindi ang galit nito. Isang bagay na hindi niya inaasahang makita sa mata matapos nang namagitan sa kanila. Hindi iyon ang inaasahan niyang makikita dito. After what had happened between them.

"I'm sorry." Anitong aktong hahawakan siya. Nabitin sa ere ang kamay nito. Kababakasan nang pagkalito ang mata nito. Naroon ang guilt na marahil dahil sa pananakit nito sa kanya. Saka ito natigilan. Kasunod ang galit na hindi niya naipaliwanag. Galit ito sa kanya? Iyon ba ang reception na matatangap niya matapos niyang ipagkaloob dito ang sarili. Saka ito naglakad palayo.

Tila may libo-libong karayon ang tumutusok sa dibdib niya. Habang nakatitig siya sa papalayong likod nito. Hindi niya napigilang mapa-iyak dala nang sama nang loob. Bakit ito nagalit sa kanya? At nagawa siya nitong saktan. Subalit higit sakit ang nararamdam niya dahil sa galit nito sa kanya. Saka siya nangpasyang bumalik sa silid niya.

She was crying, when the door suddenly open. Mabilis niyang pinahid ang mga luha. Hindi tamang makita siya nitong umiiyak. Ilang sandali pa ay naroon na ito sa tabi niya. May bitbit itong ice pack.. Saka tahimik na umupo doon.

"I'm sorry, nabigla lang ako." Puno nang pagsisi ang tinig nito. Saka mabilis siyang ikinulong sa mga bisig nito. "Damn it, you can slap my face, I wont mind."

"Iyong galit na iyon, Duke para sa akin ba talaga iyon?" No,wala siyang ginawa dito. Dala lang ang kuryusidad ang pagpasok niya sa silid na iyon.

"No, and don't think about that." Ramdam niya ang bigat sa tinig niya. Naroon ang sakit na hindi niya kayang ipaliwanag. "Masakit ba?" Anang nito saka mabilis na inispiksyon iyon. Naroon ang labis na pagsisi sa mata nito.Saka ito nagmura. "Gamutin natin iyan."

"That wont be necessary,"gusto niyang matawa dahil sa tila pagka-aligaga nito. Dahilan upang matigilan ito. Mukhang tuluyan na siyang nawala sa katinuan. Kanina lang ay umiiyak siya dahil dito. And when he was so worried about her, nakalimutan na niyang nasaktan siya nito.

Duke SebastianWhere stories live. Discover now