CHAPTER FOUR

5.3K 130 4
                                    


HINDI malaman ni Lara kung matutuwa o mapipikon nang bigla na lang pumasok sa silid niya ang lalaking iyon. She was about to sleep. Pero dahil hindi siya makatulog dala nang samo't saring isipin kaya nanatiling gising ang diwa niya. Kahit halos kalagitnaan na nang gabi.

Kailan pa magpapahinga ang utak niya sa kaka-isip sa lalaking iyon. Tatlong araw na ang nakakaraan mula nang halikan siya dito. Subalit pakiramdam niya ay naroon pa rin ang mainit na labing iyon na labis na nagpapagulo sa utak niya. At lalo siyang naguguluhan sa mga inaasal nito sa nakalipas na araw. Alam niyang dala lang iyon para ipakita sa ginang na totoong may relasyon sila. Nalaman niyang may sakit pala sa puso ang masayahing ginang. At dahil inakala nitong asawa siya ni Duke kaya inayunan na lang nito ang paniniwala nang matanda. Parang ina na rin kasi ang turing nito sa matanda.

Sa maikling panahong iyon. Masasabi niyang likas na mabait ang binata sa mga taong mahahalaga dito. Malambing at maalalahanin ito sa ginang na parang tunay nitong ina. Nalaman niyang ito na ang halos tumayong ina nito dahil laging wala ang magulang nito noon. Abala umano ang mga ito sa trabaho. At sa kasawiang palad ay namatay ang mga ito sa isang ambush. Nalaman niya iyon lahat sa matandang ginang.

At sa nakalipas ring araw na iyon. Gusto niyang magalit sa sarili dahil hindi niya maiwasang asaming sana nga ay totoong magkasintahan sila. Hindi ito nawawala sa tabi niya lalo na kapag naroon ang matanda. Alam niyang binabantayan lang nito ang kilos niya. But somehow she like the feeling everytime he was just near. Lalo na kapag halos niyayakap siya nito. It does really made her felt good.

Napapikit si Lara nang biglang nang marahang bumukas ang pinto nang kanyang silid. The light was dim, but she could still see him walking toward her. The dim light just gave him that appealing strode. Parang mas nagiging kaakit akit kasi ito. Naramdaman niyang mataman siya nitong pinagmamasdan. She was thankful that the light was off. Kahit paano ay hindi nito malalamang gising siya.

"Poor woman." Halos pabulong na usal nito. Bagaman naguguluhan siya sa tinuran nito ay hindi niya maiwasang isipin kung para saan iyon. Saka ito naupo sa pang isahang sofang naroon sa tapat nang kama niya. Lumipas ang sandaling naging panatag ang paghinga nito. Patunay iyon na tulog na ito. Mula sa malamlam na liwanang ay nagawa niyang pagmasdan ang kalmadong anyo nito. Sa sarili lang niya inaming sadyang guwapo ito. But seeing him in that peaceful moment she can't help but look at him. At hindi niya maiwasang maakit dito. Hindi lang kasi ang physical na kaanyuan nito ang kaakit -akit. Pati na rin ang mga katangiang hindi niya inaasahang taglay nang isang kagaya nito.

Hanggang sa unti unti na niyang naramdaman ang antok. Naroon pa rin sa diwa niya ang seryosong anyo nang binata.

Nagising si Lara na magaan ang pakiramdam niya. Pakiramdam niya ay iyon ang pinakamasarap na umaga. She also has a nice dream. Ngunit bigla siya napabalikwas nang bangon nang maramdaman niya ang mabigat na bagay na nakadagan sa paa niya. At ganun na lang ang gulat niya nang mapagtanto ang dahilan.

It was Duke. Sleeping like a baby beside her habang nakayap ang isang kamay sa tiyan niya. And his one leg on her leg. Alam niyang naroon ito sa kuwarto niya pero hindi ito natulog sa tabi niya. Maingat na hinawi niya ng braso nito. Ngunit bago pa man niya tuluyang alisin niya ay nagmulat na ito nang mata.

"Good morning." Nakangiting bati nito saka tila walang ano mang dumapa sa tabi niya.

"Anong ginagawa mo mo rito sa kuwarto ko?" Hindi niya maiwasang pamulahan nang mukha dala ang pagkaasiwa. Ilang araw na rin itong nagtutungo sa silid niya sa gabi pero sa karugtong na kuwarto ito nanatili.

Duke Sebastianحيث تعيش القصص. اكتشف الآن