FADEN 15

1.2K 113 101
                                    

Razade



"Wake up, Razade." Pinagsasampal ko ng mahina ang sarili ko sa harap ng salamin. Hindi naman talaga ako iihi sa CR, sadyang kailangan ko lang mag-ayos at maghilamos. Feeling ko kasi may something sa mata ko. May mali ata. Puro hindi makatotohanan nakikita ko.




Simula palang nang pakialaman ko ang cp ni Mae hanggang sa nakabungguan ko kanina, dagdag pa 'yong nabasa kong thread ng reaper na 'yon--- super naguguluhan na ako.





Muntik na ngang mawala sa isip ko si Francine---




Speaking of Francine, kailangan kong kausapin 'yong nakita ko kanina.




Saktong pagkalabas ko palang ng CR ay bumukas rin ang pinto ng kalapit na room namin. Lumabas sa chairman's office si Sir Montero at mukhang may hinahanap. Nagtama agad ang paningin namin at sinenyasan niya ako na lumapit.




Agad naman akong naglakad sa tapat ng pinto kung saan siya nakasilip. "Miss Desantis, buti andito ka. Pasok ka muna." Pinagbuksan niya ako ng pintuan at bumungad saakin ang dalawang mukha na nakita ko rin kanina.





Sila 'yong nakabanggaan ko.






Tinitigan ko ang babae na nakangiti saakin, nginitian ko rin ito ng kaunti. Binaling ko naman ang tingin ko sa lalake na may putok sa labi, sabi na nga ba tama ako-- siya 'yong lalake na inismiran ako sa police station kahapon. Natuwa ako kasi nakilala ko siya pero binalot na naman uli ako ng pagtataka. Bakit siya andito?





"Miss Desantis, ikaw president sa section niyo diba?" I nodded. "Well, this is Mr. Pasqualino and Ms. Olivier. They are both transferees assigned sa section niyo. Can you guide them to your room? Andoon na next subject teacher niyo, napagsabihan ko na rin." Litanya ni Sir Montero.





Tango nalang sinagot ko. "Sige po."




Tumayo na ang dalawa, dahilan para mabasag ang katahimikan dahil sa paggalaw ng upuan. Tumalikod na rin ako para buksan ang pintuan. Nang makalabas kami ay tahimik nila akong sinundan hanggang makaabot sa room.



Walang umimik saamin kahit isa. Weird pero expected. Hindi naman ako extroverted at hindi rin naman ata ako nila ka-vibes.


Nang nasa tapat na kami ng pintuan ay saka ko sila nilingon. Lumunok muna ako bago ko sila kausapin. "I'm Sairazade Desantis, just call me Razade."



Lunok.



"Upo nalang kayo sa----"



"I'm Aliyah Olivier." Nakangiting sambit ng babae saka biglang inabot ang kamay ko. Napalunok muli ako bago ako nakipagshake hands. Tinitigan lang kami ng lalakeng kasama niya na mukhang wala atang planong magsalita. "Sairazade, can I call you Sai? Razade is too long." She sounded cheerful.



I want to say no. My nickname Razade was given by Francine. No one can change that... but still... Hays. "S-sige."




"Nice one, Sai! Let's be friendssss!" She clapped her hands. Mukhang tuwang tuwa siya. She's the happy-go-lucky type of transferee. Mukhang parehas sila ng vibes ni Francine, the only thing is this one's too girly.




"So, as I was saying. Upo nalang kayo sa bakante. Ikaw, Ms. Olivier, sa likuran kita." Inaalala ko na don nakaupo si Francine. Nalungkot uli ako pero hindi ko na sa kanila pinahalata. "And ikaw sir Pasqualino, sa katapat kita na upuan sa kanan."




"At bakit? Crush mo ko?"





"Ha?"


"Hakdog." Sagot uli niya at nagtipa nalang ng kung ano sa cp niya. Teka, ano raw?




Hindi ko nalang ito pinansin at binuksan na ang pinto. Pinagtinginan naman agad kami ng mga kaklase kong nagtataka at si ma'am naman ay nginitian lang kami habang papasok.





"Transferees." Matipid ko na sabi at inunahan ko na silang maupo.



Iniwan ko sila sa harap para magpakilala.
Aliyah adjusted her thin bracelet as she spoke. "Aliyah Olivier." Wala na siyang ibang sinabi, tumingin nalang siya sa kasama niya. Pansin ko parang magkakilala sila. Magkapatid, perhaps? Pero ha? Magkaiba naman sila ng apelyido. Pinsan? Stepsister/brother?



"Kyle Jaster Pasqualino." Natigilan ako nang mapaharap ako sa lalake. Nakasmirk na naman siya saakin.





Naiwan akong nakatulala.



Hindi sa lalake...



Kundi sa cp niya na nakababa.

Andoon ang logo ng Faden.

FADENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon