FADEN 34

834 85 44
                                    

"underscore, underscore, a aliyah"

------------

Kyle

Wala akong maintindihan putangina. Nagkandagulo gulo lahat. May mali 'eh. Ang lakas na ng pakiramdam ko na may mali.

Tinitigan ko si miss president ko na may kinakalikot lang sa cp niya. Siguro nainis ko siya kanina sa biglang pagsugod ko kay Aliyah-- pero alam kong sigurado na ako sakanya 'e. Pinagtitripan ba ako ng babaeng iyon?

Bumaling uli ako sa babaeng nananahimik sa gilid ko. "Miss President." Pagkamuway kinalabit ko siya. Hindi niya ako nilingon. Patuloy pa rin siya sa pagpindot ng kung ano sa cp niya.

Galit ba siya? Dahil sa kaibigan niyang si Francine?

Maski ako nagulat din naman. Sino ba naman mag-aakalang 'yong matagal pala niyang hinahanap is wala naman pala.

"Tedesco? Ah, ilang beses na iyon hinahanap saamin ng bata na iyon pero wala namang may ganoong pangalan dito. Kung meron edi nagpost na sana ako ng notice" naalala kong sabi ni papa.

May parte saakin na naawa ako. Iniisip ko kung may sakit ba sa ulo si Razade o sadyang likas na masakit siya sa ulo. Lol. Kinalabit ko ulit siya pero tinalikuran niya lang ako.

Hays. Mukhang 'di ako papansinin neto. Maghintay nalang tayo kapag lumamig ulo. Mukhang tinotopak ngayon.


Sinilip ko nalang siya at nakitang may nilalaro siya sa cp niya. Ang seryoso niya, masyado. Nakakatakot siyang tignan. Para siyang nilamon ng itim na aura. Weird but yeah whatever.

Biglang naagaw ng atensyon ko ang nasa screen nang bumungad ang username ko. Lah? Iniistalk kaya niya ako?



------

Congratulations! You won! You successfully killed kjpogi and maermaid~ lol






Click here for the reward (☞ ͡° ͜ʖ ͡°)☞  ❤️




Wtf? Inagaw ko kaagad ang cp niya nang may pindutin siya na link.

"Hoy ano ba?!" Bulyaw niya saakin pero tinaas ko nalang ito at nang 'di niya maabot para mabasa ko.

Pilit niyang inabot ang nasa lampas height niya na pero hindi ako nagpatinag.

Binasa ko ito at napamura nalang ako ng mahina.

Binaba ko agad ang cp niya at kinuha naman na niya ito agad saakin.

Did I read it right?

Francine?

So Francine does exist?



"Luh, sino 'to? Ba't ako minention? Nantitrip ata." Nagulat ako sa boses na galing kay Razade. Sht, may mali talaga.

Tinignan ko siya ng taimtim. She doesn't know her? Again? What is going on? Parang kanina umiiyak lang ito dahil sakanya ngayon nakalimutan na agad?


"Miss president. "

"Oh ano?"

I just wanted to confirm something.

"Kamusta kanina 'yung crime scene?"
























.

"Ha? Anong crime scene? "




Kumunot noo ko. "Kilala mo pa ba 'yung namatay?"





Napabuga siya ng hangin. "Gago tigil-tigilan mo ko sa pagbiro mo. Walang namatay."















.
.
.
.





That's it. I'm scrolling her Faden History.

FADENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon