FADEN 30

871 94 76
                                    

Razade

"Dali, Miss President" napapasabay na rin ako sa takbo ni Kyle. Grabe ang bilis niya tumakbo ---- ni hindi man lang niya ako nagawang hintayin.


"Teka nga sandali!" Hindi ko na siya naabutan kaya nasigaw nalang ako.


Putspa naman kasi ang haba haba ng binti tapos ang bilis bilis pa humakbang. Ostrich ba 'to? Naisip ko nalang bigla.



Hinihingal akong napahinto at napahawak sa pader na nasa gilid ko lang. Tagaktak na ang pawis ko. Tama ba talaga 'tong ginagawa namin? Kung si Aliyah, si Aliyah ba talaga?



Baka niloloko na naman kami ni reaperchuchu na 'to eh.



Pero sabi kasi ni----




"Kailangan na natin hanapin si Aliyah. Ngayon na." Bungad saakin ni Kyle na parang natataranta. Tumutulo din ang pawis niya at para siyang hindi mapakali. Kinakabahan? Guilty?





Hindi ko mabasa ng buo ang expression niya.





Aktong paalis na naman siya ng higitin ko ang polo niya sa baba. Agad napatingin naman siya saakin ng may pagtataka.




"Ano ba, miss pres? Tara na."




"Y-you're acting strange."




Mas lalong kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Tila may namuong bagong tensyon sa paligid-- pero hindi na dahil kay Aliyah. Tensyon sa aming dalawa ni Kyle. Kinakabahan ako.






"What strange?" Kompronta niya. "Is it strange if I need to see Aliyah right now? Or if we need to save her?"







Umiling ako. May sumagi nalang bigla na idea sa isip ko---- dapat ko bang pagkatiwalaan si Kyle?


How sure is she na si Aliyah ang babalik? Bakit hindi ang bestfriend ko? O si sir?

Kasi ano? Iniisip din ba niya na patay na sila?

Napailing ako uli. Hindi dahil sa pagsagot kundi dahil may nararamdaman akong kakaiba sa presence ng mga tao ngayon. Humakbang ako patalikod, paunti-unti. Unti-unting parang may tumatakip sa tenga ko.



Mukhang nagulat si Kyle sa pag-atras ko. Akmang hahawakan niya ako pero nilayo ko ang kamay ko. He looked at me with disbelief.



"Anong ginagawa mo?"








I'm sensing something.





"Ayaw mo ko pagkatiwalaan?" Sabi niya. Napamura nalang siya ng mahina at saka binalik ang tingin saakin. "Ako na nga lang kumakampi sa'yo at nagpapaniwala sa mga kwinekwento mo tapos pagsususpetyahan mo ako? "





Ako naman ang naguluhan sa sinabi niya kaya parang napabalik ako sa katinuan." Kinakampihan? What do you mean? "









" Who was your bestfriend again? "










" Bestfriend? Syempre si...... " Napatigil ako nang may marealize ako.








No. Hindi, pwede. Tangina.



"Si?"





"S-si..."




Wala akong matandaan.









" Francine. " Si Kyle ang muling nagsalita. Memories started flashing in my brain and tears started forming in my eyes.







Bakit ko nakalimutan si Francine?



Naalala ko nang nasa burol kami ni sir. Nakita ko dun si Francine diba? Pero bakit parang nawawala image niya sa utak ko?


Anong...

Nangyayari....

Sa akin?





Nilabas ni Kyle ang cp niya at may kinalikot dito. Maya-maya ay tinapat niya sa pagmumukha ko at may pinakitang isang litrato. Isa itong puntod... At kung hindi ako nagkakamali, ito iyong tinuturo ko noong burol nila sir.


Walang nakalagay na pangalan.


Pwersahang hinigit niya rin ang cp ko mula saakin. Kinalikot niya ito at pinakita ang chatbox namin ni Mae.

Ito yung minessage ko na pic sa account ko noon—

Ito yung ss ng account ni—

Bakit blanko?




Kyle sighed at hinawakan ako sa balikat. Pinunasan niya ang pisngi ko na may luha na palang natulo. Humahagulgol na pala ako hindi ko napapansin, puta. Tinitigan niya ako sa mata at parang lumambot ang pakiramdam ko. Gusto kong sumabog at gusto kong iiyak lahat. Lalo na sa sinabi niya na nagpaguho ng mundo ko.

"I don't know if you need to hear it from me or what— but can't you sense something is wrong?!"


Umikot ang mata ko na parang anytime ay magcocollapse ako.


Bigla pang nagsalita si Kyle ulit.


"I'm sorry if I kept this, too. Napapansin ko kasing makakalimutin ka kaya di ko alam kung dapat ba akong maniwala na nababaliw ka o ano pero—"



"ANO?!" Napasigaw ako nang malakas sapat na pagtinginan ako ng lahat



Lumuhod siya sa harap ko at tinitigan ako mata sa mata nang may panlulumo.


.
.
.

.

.
.
.




























"You see Francine doesn't exist."

FADENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon