FADEN 33

789 80 13
                                    

Kyle


Nabawian agad ng buhay ang lalakeng tinuro si Aliyah mula sa malayo. Hindi na ako nagpatagal at tinakbo ko agad siya.



Kung tama nga ang iniisip ko... Kung tama nga...




Dahil nakita ko na rin si Aliyah dati.






Is it really her







Matagal na akong may hinala, nakakabaliw na mga theories na bumubuo sa utak ko.. Pero ngayon — mapapatunayan ko na kung tama nga ba ang iniisip ko.








"Pa, I swear may nakita akong babae sa crime scene ng Solamiceca na 'yon. I was there!"

"Stop your nonsense Jaster. "








"WAAAH!"

"Jaster what on earth are you doing with our neighbour?"

"H-he attacked me po. Saying I'm a murderer. So I punched him, sorry policeman."

"Jaster."

"Why won't you believe me, dad?"

"Samahan mo ako sa presinto ngayon."

"Faden? Try it."

"Not interested in dating."

"So you're name is Aliyah? What a sweet name for a murderer. "

"I'm not! Wag ka namang ganyan! Magkaklase na tayo mamaya. "

"Not gonna change my mind-- unless you tell me what you were doing that night."

"Bahala ka diyan."


Ubod ng lakas kong sinipa ang pintuan papuntang rooftop. Nakita ko si Aliyah na nagulat. I can't read her eyes but it was evident that something was wrong.

I felt somebody approach my side. As I expected, miss president. The tension rises around us. Ramdam namin ang malalim na hininga at kawalan ng tiwala sa isa't isa.


"I swear I did nothing!" Aliyah broke the silence. She puts her hands up as soon as nahuli na namin siya. She looked at both of us alternately.



I smirked. "... pero andito ka?"


"I did nothing!" Mangiyak ngiyak niya na depensa. She looked at miss president para magpaawa. Kitang kita kung paano niya sinubukang kausapin si Razade gamit ang mga mata niya.

"Kyle... Baka... Nagkakamali lang tayo ng naiisip..."



Pinahinto ko siya sa pagsasalita. Unti-unti kong binaling ang tingin ko sa kanya at ibinalik din agad sa prime suspect na kinorner namin ngayon.

"Baka nga." Determinadong sagot ko sabay ngisi... " O baka hindi."










Razade

Ramdam ko 'yung tensyon sa pagitan naming tatlo. 'Yung titigan nilang dalawa-- yung nabubuong kaba sa dibdib ko na parang may nasesense na something.

Ano ba talagang koneksyon ng dalawang 'to?

Mukhang maiiyak na si Aliyah sa gitna. I admit kung ako man ang nasa lagay niya at pinagkakaisahan ako o pinipilit saakin ang kasalanang hindi ko ginawa ay maiiyak din ako. Kawawa si Aliyah.

Pinagmasdan ko si Kyle na umigting ang panga sa galit habang nakatingin pa rin sa babaeng naiyak sa gitna. Akmang lalapitan ko na ito nang biglang putulin ni Kyle ang katahimikan.








"Aliyah, what's your Faden username?"






What?









May Faden si Aliyah?










"Well...." Her hands shivered. She slowly lowered her hand and swallowed the courage she has left....





"I'll say it."

FADENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon