FADEN 27

935 98 45
                                    


Razade




February 7. Para akong zombie na nakaupo lang sa armchair ko habang recess. Wala akong ganang kumain. Hanggang ngayon naiiyak pa rin ako sa napanaginipan ko. It felt so real. Feeling ko nginitian talaga ako ni Francine.




After ng libing ni sir ay nagbalik klase na. Malungkot man, we tried to cope up with what happened. The position is still open for area chairman. Wala pang nag-atubili na pasukin iyon to pay respect.




Sa buong linggo na ito ay si Kyle at Aliyah lang ang nakausap ko— kaso nagkasakit si Aliyah nung nakaraang linggo kaya si Kyle nalang muna. Siya na rin ang kasa-kasama ko sa pagpunta sa police station. Nagbabagong buhay daw siya kaya tutulungan niya akong hanapin si Francine.


Mag-isa nalang akong nasa room dahil lahat sila nagpacanteen. Matutulog nalang sana ako nang biglang bumukas ang pinto.
Bumungad ang mukha ni Kyle saakin. Hinihingal siya na parang galing sa takbo. Hawak hawak niya rin sa kamay niya ang cellphone niya. Nilibot niya ang paningin niya sa room at nang makita niya ako ay bigla nalang siyang kumaripas palapit saakin.


Nang makalapit siya, kumuha siya ng upuan at dinikit sa tabi ko.



"Ano meron? Bakit ngayon ka lang? Recess ka pa dumating, late na ah?" Hindi niya sinagot ang tanong ko at may pinindot pindot lang sa phone niya.


"Diba h-hinahanap mo si Francine?" Hinihingal na tanong niya.



"Oo, bakit?"


"Y-you have to see this."




Naguguluhan man ay tumingin nalang ako sa cellphone niya at binasa ang nasa screen niya ngayon.

---

PROFILE

↳ reaperilous

reaperilous.
@_yourenext

i don't kill, i seal

✞ joined: June 06, 2006

1 following | 6,667 followers

❁ n e w t h r e a d a h e a d

.
.
.
.
.
.

Someone's Coming Back

FADENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon