FADEN 31

835 78 31
                                    

Razade



"I-I don't believe you" singhal ko kay Kyle. Naramdaman ko nalang ang unti-unting pagbitaw niya sa balikat ko at titig niya saakin na parang nahihibang ako.




"You--- are the one who's acting strange." Sabi niya saka napailing nalang.





No.




Hindi totoo sinasabi niya 'eh.



Makakalimutin ako oo pero hindi ako baliw!



Sa lahat ng makakalimutan ko, hindi pwedeng isa doon ang bestfriend ko!



May dadaan na teacher sa gilid namin pero agad ko itong hinarang. Mukhang nagulat ito sa ginawa ko. Alam kong pahiya ako pero uggghh hayaan na.

"Ms. Desantis? What is the-----"




"Ma'am! Naaalala mo ba si Tedesco? Francine Tedesco? 'Yung pasaway na student niyo sa GenMath diba?" I admit I look crazy but I really don't care. Francine exists-- not only in my memory! Alam ko iyon.




"Tedesco? Wala namang estudyante dito na Tedesco?" Tinignan niya si Kyle na nasa gilid ko na parang naguguluhan. "Now if you'll excuse me, miss." Inalis niya ang pagkakaharang ko sakanya at nilagpasan nalang kami. What is wrong with people? Putangina? Nawawala lang kakalimutan na? So irresponsible.






"Razad---"




"Shut up!" Pagputol ko kay Kyle nang makita ko naman si Mae na palapit sa pwesto namin na may kasamang grupo ng babae. "Mae!" Tawag ko dito.

Nginitian niya ako at nang tuluyang makalapit siya sa kinatatayuan ko ay napaluhod nalang ako. Please let me hear an honest answer.


"Uyyyyy. Ano ginagawa mo d'yaaan?" Nabiglang tanong niya habang pinipilit akong tumayo. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyanteng nadaan. Pinagsama ko nalang ang palad ko sa harap ni Mae. Desperada na kung desperada.


"I... still don't know where Francine is."





I heard her gasp while the squad murmured.


" A-ano, mahahanap rin naman siya." She assured me and tapped my cheeks. "Cheer up!" That's it! So Francine does exist!




"Thank y--"



"Thae? Who's Francine? 'Yung grade 9 na favorite ni ma'am Charm?"




"Ha? H-hindi. "




"Then sino siya? Wala na akong kilala na Francine dito." Ngiwi ng kasama niya na nakisabay sa usapan.





"F-francine Tedesco." Ako na ang nagsalita.






"Ha?" Natawa si girl#3. "Sino 'yan?"





"Buang." Another one commented and giggles filled the corridor.



"Guys shhhhh." Si Mae ang nagpigil sakanila sa kakaingay. What does she mean by that?



Sa sobrang pagkagulo ng pangyayari ay bigla nalang akong inakbayan ni Kyle. Lumapit siya sa bandang tenga ko at bumulong, "I asked the police about it. The reason they weren't any results sa investigation is because there weren't any registered name like that in the city. "









Puta.








"Mae?" Agad kong nilingon si Mae. Simula nung nawala si Francine sakanya ako nagkwekwento. So if Francine doesn't exist.... She was lying to me? Pinagmukha niya akong tanga?




Lip-biting she faced me.


"Wala talagang Francine dito?"




"W-wala." I felt my heart stung. "S-sorry. Sinabayan lang talaga kita because I thought you were depressed and you needed someone. But Razade, lagi ka namang tulala sa klase e. Minsan ka na nga lang umimik pero tungkol sa school or tungkol kay Francine na imaginary friend mo naman. I asked Kyle to look over you kasi baka nababali--"


"Stop. " I cut her off. "Unbelievable, pinagmukha mo lang akong tanga."



"Hindi ganon! I---"



" I didn't sign up for your drama club, Mae. You can go."








Napa-tsk ang ibang kasama niya sa eksenang nagawa ko siguro sa gitna. Hinigit na nila paalis si Mae at binangga pa nila ako. Wala akong naramdamang sakit pero narinig ko ang pabulong na "Sorry." Ni Mae nang dumaan siya.






Wala na si Francine? Or wala naman talagang Francine? Unti-unti akong nawawalan ng pag-asa.



Pero sandali! May lalake akonv nakausap sa burol ni sir Luis! Kilala niya si Francine! Hindi ko siya kilala pero kilala niya si Francine!




Wait!— Don't tell me.... I met with.... Reaper?




I gasped.


Agad kong nilingon si Kyle na pasulyap-sulyap na sa gate na iilang metro nalang ang layo saamin. Nakatingin siya sa guard na nagbabantay ng main gate. Mainit doon palibhasa open area ang entrance ng school namin. Pinagmasdan niya ito ng dahan-dahang niyang buksan ang gate.




Someone's coming back, huh?



So is reaper coming back to tell me something about Francine, again?


Si reaper.... ang may kasalanan ng lahat.



Lalapitan ko na sana si Kyle para sabihin ang mga nasa isip ko pero tila nagslow mo ang lahat. Bago ko pa maihakbang ang paa ko ay may nahulog na malaking kahoy na aparador galing sa mataas na lugar. Hinarangan nito ang view ko sa entrance ng school at naagaw nito ang atensyon ko.


Ang cabinet.... wasak na wasak na nang bumagsak ito.





"Shit." Narinig ko nalang na mura ni Kyle.

FADENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon