Chapter 9

1.6K 81 11
                                    


/AGA/

I took my God-knows-how-many glass of wine already and drink it directly. Hindi ko alam kung lasing na ba ako o wala lang ako sa tamang ulirat. All I knew is that after that scene earlier, I let myself drown in alcohol. Lots lots of alcohol. Hindi ko rin alam kung anong oras na pero magdidilim na sa labas.

I was about to fill my glass again when the bottle no longer gave me something. Tinabi ko iyon kasama n’ong isa pang bote na naubos ko na kanina. Napahilamos na lang ako sa sarili ko habang pinapakinggan ko ‘yung pagtunog ng telepono ko. I know it’s Dawn. She’s been calling me since this afternoon but I didn’t answer any of it.

I know my sister is already fuming mad at me for ignoring all her calls but that thing doesn’t concern me as much as Lea does. Seeing her again after eight long years awaken the hatred in me. Nabuhay ‘yung galit na akala ko nakalimutan ko na. Nabuksan ‘yung mga sugat na akala ko naghilom na. At bumalik ‘yung mga ala-alang pinili kong ibaon na sa limot.

Just a mere sight of that woman brought me back to why I have this deep hatred towards her.

I just went home from my work and it’s already late. Pinag-overtime kasi ako ng head chef sa pinagta-trabuhan ko dahil kulang sa tao. Nagsabi naman ako kay Lea na late ako makakauwi pero wala akong natanggap na reply. I just hope she’s not doing something illegal again.

“Babes” pagtawag ko sa kanya nang makapasok ako sa condo unit namin. I checked the time and it’s quarter to 11. Baka tulog na.

Ibinaba ko ang mga gamit sa sofa nang mapansin ang mga maliliit na pulbura na nasa mesa. There were also foils. My heart began to race as I guessed what kind of powder that was. Drugs. Again.

Dali-dali akong umakyat sa taas, hoping to find Lea. I went to our room but she wasn’t there either, “Lea? Lea, nasaan ka?” tawag ko sa kanya. Napansin ko na nakabukas ang kabilang kuwarto na siyang kuwarto ng anak namin. “Fuck... No!”

Tumakbo ako papasok dito at halos manlumo ako sa nadatnan ko. May hawak na unan si Lea na pinandadagan niya sa walang kamuwang muwang na si Aya, “Damn it! Shut up!” sigaw pa niya.

“Putangina, Lea, anong ginagawa mo!?” galit na galit na sigaw ko at tsaka hinila siya nang malakas dahilan para mapaatras ito at mabitawan ang unan. Halos maiyak ako nang makita si Aya at mapansing hindi gumagalaw ang anak ko. Agad ko siyang kinarga at nilapit sa mukha ko, umaasang madama ko ang hininga nito, pero wala akong naramdaman. “Aya... Aya, anak? Aya... no, don’t die.”

“Ang ingay... Iyak nang iyak buwiset na bata ‘yan” dinig kong sabi ni Lea kaya napatingin ako sa kanya. She was sitting on the corner while looking at the blank space. She’s in her own messy world again.

Kahit na gustong gusto ko siyang sigawan at murahin nang paulit-ulit, hindi ko magawa dahil ang iniisip ko sa ngayon ay ang anak ko na walang malay. I hurriedly run outside to get my car so I can send my daughter to the nearest hospital. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala si Aya— hindi ko alam kung anong magagawa ko kay Lea kapag may nangyari sa anak ko.

“Aga... Aga, saan ka na naman pupunta? Siguro makikipagkita ka na naman sa babae mo ‘noh? Walang hiya talaga kayong dalawa!” sigaw niya habang sinusundan ako palabas. “Sige, isama mo ‘yang batang ‘yan tutal hindi ko rin naman alam kung kaninong anak ‘yan. I will not be surprised if she’s your child from that woman. Huwag ka nang makabalik balik dito dahil hiwalay na tayo!”

“Gago ka ba, Lea? Anak mo ‘to! But of course you don't know that because you’re fucking on drugs again,” sigaw ko sa kanya at pumasok sa elevator, habang siya nakatayo lang sa labas. Bago ito nagsara, nagsalita ulit ako. “At talagang maghihiwalay na tayo dahil pagkatapos ng gabing ‘to, hinding hindi mo na kami makikita! Huwag na huwag ka na ring magpapakita sa’min”

SoberWhere stories live. Discover now