Chapter 1

13 2 0
                                    

Third Person POV

"Hindi ka pa rin nadadalang bata ka!" galit na sambit ng kanyang tatay sabay hablot sa kanyang braso. Nag-uusok na ito sa galit at siya naman ay malapit ng umiiyak.

Wala ng nakakapansin sa kanilang dalawa dahil ma-ilan ilan nalang ang mga tao sa parke. Mabilis siya nitong kinaladkad paalis sa lugar habang dinidiinan ang paghawak sa kanyang braso. Umiiyak na ito sa sakit. Ramdam ng batang babae ang higpit ng pagkahawak ng kanyang tatay dahil parang mababali na ang kanyang buto sa katawan.

Pagkarating sa bahay. Mabilis siyang tinapon sa kanyang tatay sa sahig at parang lantang gulay na nakasalampak sa sahig. Pinigilan niyang hindi marinig ang kanyang mga hikbi. Napataas siya ng tingin ng marinig ang kanyang tatay na pumasok sa silid at napako ang kanyang tingin sa nanay niyang simpleng naka-upo at ang mga mata nito ay parang galit na galit. Napayuko ng lamang siya habang naghihintay na lumabas ang kanyang tatay dala ang pamalo nito.

Hindi ba ang sabi ko sayo bawal kang maglaro o makipaglaro!! sabay hampas sa kanya ng pamalo ng kanyang tatay. Ang tigas -tigas talaga ng ulo mong bata ka!! palo ulit sa kanya. Maka-ilang ulit pa siya nitong pinalo bago ito tumigil. Napa-upo ito sa silya habang ang batang babae ay pilit hinahaplos ang mga latay sa kanyang katawan nagbabasakaling mawawala nito ang sakit at hapdi na idinulot habang patuloy na umiiyak ng walang ingay.

Tumayo ang kanyang tatay at pumasok sa loob ng silid. Sumunod din tumayo ang kanyang nanay. Ngunit huminto ito sa harapan niya at hinawakan ang kang panga ng mahigpit. Wag matigas ang ulo, Dilly.. hhmmm?? Wag matigas ang ulo!! matigas at galit nitong sambit sabay patapon na pagbitaw sa kanyang mukha. At bago ito tuluyang umalis sinipa mo na siya.

Walang magawa ang batang babae kung hindi ang umiyak hanggang maubos ang kanyang luha. Mapagod ang kanyang mga mata sa kaiiyak. Tumayo ito at paika-ikang naglakad papasok sa kanyang silid at hiniga ang pagod at bugbog nito katawan. Hanggang makatulugan niya ang pag-iyak at pamamanhid ng katawan.

Dilly!? Dilly!? nagising siya sa malakas na sigaw ng kanyang ina. Kahit masakit ang pangangatawan pinilit niya paring tumayo at puntahan ang kanyang nanay.Bakit wala pang nakahain na pagkain! galit na naman ito

Pasensya na po nay.. mahinaho nitong paghingi ng tawad at tumalikod upang maghain.

Pasensya. Pasenyas. bakit makakain ba namin ang pasensya mo ha!!? sabay hablot sa kanyang nakalugay na buhok.

Aaarraayy!! sigaw ng bata habang pilit na ina-abot ang kamay ng kanyang magulang dahil sa sobrang lakas ng pagkahila. Kinaladkad siya nito palabas ng bahay at tinapon. Napaupo ito at umiiyak.

Lumayas ka ditong bata ka!! Wala kang kwenta!!.. Alis! alis ! umalis ka dito! at malakas na sinira ang pinto. Napahikbi ang batang babae sa sakit sa pagkahila ng kanyang buhok. Tumayo ito at naglakad palabas sa kanilang bakuran. Nakaligtaan lang naman niyang magising ng maaga dahil a pagod sa kanyang katawan kagabi.

Habang naglalakad ipinapakita niya na walang masakit sa kanya kahit pa hindi na ma-awat ang kanyang mga luha.

Dilly?? iha? napatingin siya sa mahinhin na boses na tumawag sa kanya. Isa iyon sa malapit nilang kapitbahay.

Po.. may pag-aalinlangan nitong tanong dahil kapag nalaman ito ng kanyang mga magulang baka madamay ito at magkagulo.

Halika kumain ka mo na dito.. pag-anyaya nito sa kanya. Lumapit naman ang batang babae sa kanya. At inabot sa kanya ang tinapay na mainit init pa at parang hinati mo na ito at nilaguan ng dilaw na laman. Hmmm masarap. Salamat po dito. nahihiya niyang sabi at sabay hakbang paalis dahil natatanaw na niya ang kanyang tatay na lumabas sa kanilang tahanan at salubong ang kilay. Mabilis siyang nagtago malapit sa may basurahan takot na baka makita siya nito.

Ngunit ang sunod niyang ginawa ang hindi niya lubos maisip. Sinundan niya ito kung saan man ito pupunta. Kahit kinakabahan na baka mahuli siya sa kanyang tatay pinagpatuloy parin niya. Mahabahaba na ang nilakad niya mula sa kanilang bahay ng biglang huminto ang kanyang tatay. Mabilis siyang luminga-linga sa paligid naghahanap ng mapagtataguan. Mabilis niyang tinakbo ang pagitan niya at ng basurahan ng lumingon ang kanyang tatay sa may banda kung saan siya naroon.

Na sapo niya ang kanyang puso sa bilis ng tibok nito. Hinihingal pa siya ng tumayo sa pinagtatagu-an ng ilang sandali ang lumipas na pagtatago. Muntik na yon haaa!!! bulalas niya sabay hakbang upang muling sundan ang kanyang tatay.

Hindi na muling lumingon ang kanyang tatay ngunit patuloy parin siya sa pagsunod dito. Nang huminto ulit ito sa may stop light at hinintay na mag-red ang signal light. Dali dali siyang timakbo dahil malapit ng mag-green ulit. Nasa gitna na siya ng daan ng biglang mag-go signal kaya tinakbo niya ang pagitan upang makalampas.Ngunit.

Beeep!! Beeeeeppp!! isang malakas na bosina ang nagpawala sa kanyang pandinig at kasabay no'n ang malakas na pagkabagok ng kanyang ulo. Kasing bilis ng kidlat ang pangyayari. Lahat ng nakakita ay tila na hinto sa kanilang paglalakad habang nakatingin sa batang nakahandusay sa gilid ng kalsada at naliligo sa sariling dugo. Ngunit bago pa siya mawalan ng malay may isang matitipunong bisig ang kumuha siya at nagsasabi ng. Wake up! Wake up!

Kawawa naman ang batang iyon. nanlumong sabi ng mga tao nanakakita sa pangyayari.

Sana makaligtas siya dahil mukhang critical ang batang iyon ehh. nalulungkot rin na ani ng isa pa.

Takot ang namayani sa dalawang taong nasa loob ng kotse dahil sa pangyayari, Habang tinitigan ang batang natutulog sa kanyang bisig na naliligo sa sariling nitong dugo. Just a little bit faster, hon.. naiiyak na sambit ng babae habang nakatingin sa namumutlang mukha ng bata. I can't bear to experience that someone would die in my arms, hon. nanginginig na talaga siya sa takot.

Makalipas ang ilang sandali narating rin nila ang Hospital. Dali daling lumabas ang lalake sa front seat at binuksan ang back seat sabay kuha sa batang putlang putla na. Tinakbo nila ang emergency hallway at mabilis na inihiga ang bata sa strecher. Mabilis naman rumesponde ang mga nurse at doctor sa kanila. nanginginig parin siya dahil sa takot ng biglang may matitipunong bisig ang yumakap sa kanya.. Sshhhh.. Everything will be fine. pagpapatahan nito sa kanyang asawa.

Sa kabilang banda naman. Habang inaasikaso ng mga doctor at nurse ang bata sa loob ng emergency room ng biglang nag-iingay ang machine. Bumabagsak ang pulse rate ng bata imporma ng isang doctor na especialist sa machine. Check the respiratory! malakas na sambit ng doctor. Prepare the defibrillator!

Mabilis ang kilos ng mga personnel na nasa loob ng emergency room. 200 joule. imporma ulit ng doctor. Paulit -ulit ang sabi ng doctor. SHOCK. Hanggang ilang minuto ang lumipas wala pa ring response.

Napa-iling iling ang mga personnel na nakatingin sa bata. Time of death-------

~To Be Continued.....

Happy Reading😍😍😍

Cinde Carin (A Broken Dilly)Where stories live. Discover now