Chapter 16:

7 0 0
                                    

Cinde

Napabulalas ako ng tawa ng makita ang mukha ng aking kapatid at ni daddy. Maputla at parang nasusuka. Kababa lang namin galing sa roller coaster. Nandito kami sa isang sikat na pasyalan sa aming lugar. Dito namin naiisipang pumunta dahil nakakabagot nang pumunta sa mga mall at kung tutuusin halos nalibot na naman namin ang lahat ng mall malapit sa amin. Hindi maipinta ang mukha nilang dalawa habang si mommy naman inaakay silang dalawa.

"Wala pa la kayo eh!" Nanghahamon ko pang sabi. "Oh, my saan naman tayo susunod?" masaya kong tanong. Umiling si mommy at tiningnan ang dalawa niyang inaakay.

"They need to rest for a while sweetheart."

"Awhile, lang mommy." panigurado ko pa. "Hmm, okey, 5 minutes." At naupo kami sa may bench dito malapit sa isang stall ng ice cream.

"Ibang klaseng pagbawi ito ah." Maktol ng kapatid ko sa aking tabi.

Habol pa rin nilang dalawa ang kanilang hininga. Habang si mommy ayon todo alaga sa dalawa habang ako nakade-kwatro lang naman at papito-pito lang.

Na-alala ko na naman ang nangyari kagabi. Kagabi kasi hindi na muli na inulit naming pagkwentuhan ang tanong ni Juannes. Dahil alam kong nahihirapan sina mommy at daddy na sagutin ang tanong na iyon. Kaya matapos ang hapunan agad ng pumanhik si Juannes sa itaas habang si daddy na man bumalik sa couch at muling nagbabasa. At kami ni mommy ang naghugas ng pinagkainan.

-----------Flashback------------

Habang sinasabon ko ang mga pinggan at si mommy naman tinitingnan ang mga ginamit na pangluto dinig ko ang isang awiting familiar sa akin. Hindi ko lang talaga alam kung saan ko iyon unang narinig. Marahil hindi pa gaano bumalik ang akong memorya.

~Lavenders blue dilly dilly, lavenders green come to make way dilly dill-----

"My, what's that song?" Hindi ko na mapigilan kaya tinanong ko na si mommy. Oo narinig ko ito nung minsan akong nilagnat tapos ito iyong kantang inawit niya sa akin. Natigilan naman siya tumingin sa akin. I smiled at her. Napalunok siya bago binalik ang paningin doon sa cup board.

Mukhang ayaw niya ring sabihin. Pero iyong tanong ni Juannes kanina. Hindi ko alam 'yon. Anong picture pinagsasabi niya. O siguro hindi ko lang talaga alam dahil hindi ko naman alam na stock room din pala ang attic namin. Bakit kaya hindi iyon sinagot nilang dalawa kanina. Ngayon naman anong meron sa litrato at awiting iyon.

Pinagpatuloy ko nalang ang paghuhugas. Wala kasi ngayon ang mga maid dahil bukas ang weekends kaya day off nila. Sinandya din nila ito upang kahit papaano may matutunan din kami sa gawaing bahay. Hindi naman masyadong maraming hugasin sadyang nagdahan-dahan lang ako dahil halos lahat yata babasaging gamit. Madulas din sa kamay siguro kubyertos lang ang hindi. At isa pa mamantikain ang gamit dahil sa ulam namin. Malapit na akong matapos ng biglang masalita si mommy.

"Isa iyon sa mga kanta ng isang Disney movie." Napalingon ako sa kanya sa gulat. Hindi ko iyon inaasahan dahil buong akala ko gaya kanina ayaw din niyang ipa-alam. "Narinig mo na ang kwento ni Cinderella?" ngumiti siya sa akin ganoon din ako sa kanya.

"Oo naman, my, noh..Siya kaya ang pinaka-sikat na  Disney princess movie." Ibinalik ko ang atensiyon sa pinaghuhugasan habang siya naman umupo. Nakatalikod ako sa gawi niya habang siya deretso sa akin ang tingin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Cinde Carin (A Broken Dilly)Where stories live. Discover now