Chapter 5

11 1 2
                                    

  Cinde

Sa loob ng isang linggo wala akong ginawa kung hindi magsurf sa social media. Talagang bored na bored na ako sa loob ng bahay. Kahit maayos na ngang aking pakiramdam pinagbawalan parin akong pumasok ng aking kapatid dahil baka raw magkasakit ulit ako dahil nga vulnerable pa raw ang immiun system ko. 'Palusot pa more.' Hindi ko alam kung saan nakuha ng kapatid kong iyon ang ganyang rason ngayon ko  lang ata ito nalaman. At sa pagkaka-alam ko mukhang sore eyes lang ang may ganyan na findings.

"Oh!" sabay tapon ko sa aklat na pinahiram niya sa akin kahapon. "Don't you dare gave me that kind of book again. Ever!" kunyaring galit kong anas. Eh na tapos ko nga iyong basahin magdamag. 'Palusot pa more'

"Well, I'm sure you have fun reading this." patuyang ani niya pa sa akin. Habang intinaas ang hawak na libro.

"Are you kidding? of course not!" at nagmartsa ako paalis. Napangiti ako naglakad. Sarap talaga niyang tingnan mapikon.

Bumalik ako agad sa aking silid at kinalikot ang cellphone. Magtatanong sana kung ano ang mga assignment at mga ginawa nila sa loob ng limang araw habang wala ako sa paaralan. Hindi na kapasok. Bukas ay monday at papasok na ako sa school. New classmate and new room kaya  excited akong pumasok nong isang linggo pa ngunit sa kasamaang palad nilagnat naman ako. Eh! sino kaya ang matatanong ko tungkol sa mga takdang aralin kung hindi ko pa na meet ang aking mga kaklase.

Agad akong bumaba patungo sa aking kapatid na naka-upo sa sa couch. Sarap ng buhay nito ah.

"May kilala ka bang kaklase ko?" mahinahon kong tanong sa aking kapatid. Dahan-dahan itong inangat ang ulo at umiling.

"Nako naman!" padabog akong umupo sa harapan ng aking kapatid. Napanguso nalang ako sa kawalan.

Buong maghapon wala akong ginawa. Nababagot sa bawat paglipas ng oras. Hanggang sumapit ang hapon. Nakatulugan ko na naman ang pagkabagot. Nagising lang siya ng marinig na bumukas ang pintu-an.

"Oh! sweetheart." gulat na sambit ng kanyang mommy.

"Hi,my." nakangiti niyang pagbati. "Oh, Hi dad."

"Did you sleep here?!" gulat na sambit ng kanyang mommy.

"Hmmm, yeah."

"Next time sleep in your room. Okay?"

"Yes, my."Anong oras na ba? at bakit naka-uwi na sila mommy at daddy.

Lumipat ako sa kwarto ko. Matutulog na sa ako ng may ma-alala. Kaya mabilis kong kinuha ang phone at tinatawagan ang nag-iisang taong naging kaibigan ko.

"Oh!, napatawag ka?" Mukhang nagising lang ito sa tawag ko.

"Pagod ka?" May pag-alinlangan kong tanong.

"Hmmm, medyo."

"Ganoon ba, sege pahinga ka nalang."

"Kita nalang tayo bukas." At nagtoot na ang cellphone ko. 'Anong kita bukas?' Eh diba sa Oxford siya ngayon mag-aaral? Anong nanyari?

Mabilis tumakbo ang oras at sa gabing iyon napagdesisyunan niyang matulog nalang ng ulit at nangmaaga siyang magising.

Kinabukasan hindi pa sumikat si haring araw maaga na akong nagising dahil excited much lang po. Pumasok ako sa kusina na nakangiti.

Cinde Carin (A Broken Dilly)Where stories live. Discover now