Chapter 7

4 1 0
                                    

Cinde

Next day maaga akong nagising ulit kasi pagdating kahapon sa bahay mabilis akong umakyat sa kwarto ko at lumabas lang ng naghahapunan na. Pagkatapos, I stayed in my room until I fall asleep. Tulad ng kahapon sabay din kaming pumasok ni Juannes sa paaralan. Ngayon din kami magselect ng class officers. Sa ngayon hindi ko pa ulit nakita si Faye pagkatapos niya akong iwan kahapon. Naka-upo na ako ngayon sa aming silid naghihintay na dumating ang teacher. Siguro napa-aga lang ang dating namin dahil mukhang wala pang masyadong mag-aaral. Pinikit ko mo na ang aking mata hindi ko namalayan naka-idlip pala ako.

Nagising lang ako ng may kumalabog sa gilid ng aking inu-upuan. Mabilis kong inangat ang aking ulo at tiningnan ang katabi ko. Nagulat ako ng makita ang lalaki kahapon. Ang lalaking nagbigay sa akin ng gamot. Ngumiti siya sa akin at tinutok ang mata sa harapan. Tiningnan ko ang harapan ko at laking gulat ko ng nakatingin sa akin ang lalaking nakabunggo sa akin kahapon bago humarap sa lalaking katabi ko. Hindi ko na nilingon pero dinig ko ang kanilang pinag-uusaoan.

"Its my chair Sonny."

"Oh, sorry." Tatawa nitong sabi at lumipat ng upo doon sa pinakakiliran. Bali na sa hulihan kami. Limang upuan bawat row. Hindi ko na sila pinansin pa hanggang dumating si Faye na nakangiti sa akin.

"Ang aga mo ah." Sabi nito at naupo sa katabi kong silya. But before she rolled her eyes first. At alam niyo na kung kanino.

"Hmmm, pero paanong nangyaring nalipat kayo dito?" Tanong ko na pinasiringan ng tingin ang aking katabi.

"I'll tell you later mahabang kwento kasi" Napatango nalang ako. Tiningnan ko ang katabi ko at nakitang nagsasound trip ang isa habang ang isa napapangiti habang kaharap ang cellphone.

Minutes later our teacher arrived and with no further ado the nomination started.

"The table is now open for President." Simula ni maam. Mabilis na nagtaas ng kamay ang katabi ko at tumayo. At wala iba kundi si Faye lang naman.

"I nominate Cinde Carin as President." Nanlaki agad ang aking mata at nilingon siya ngunit ganoon nalang ang panlumo ko ng may kausap ito. Kaklase namin at sinasabi niya dito na 'i-close na daw ang nomination.'Tatayo nalang sana ako para magre-act ng may isang kaklase ko ang nagtaas ng kamay at tumayo.

"I close the nomination."

"I second the motion." Hindi ako nakapag-react.

Kinabahan ako bigla. Nagtaas ako ng kamay at tumayo. Ngunit nagsalita si maam sa harapan dahilan kung bakit ako naupo ulit. I let a deep breathe. And listen to her. 'May pagkabingi ba to si Maam?'

"Paanong nangyari na wala man lang kalaban si Miss Carin sa posisyong ito?" Tanong ni maam. Tumatango-tango naman ako. 'Tama nga po, hindi naman iyan pupwede noh,'

"Dahil lahat po kami maam napagdesisyonan na siya ang gawing President." Sagot ng isa kong kaklase sa harapan. Nakaupo kasi ako sa may likuran ngunit gitna. Kung babasihan ang limang upuan sa last row bali ako iyong nasa gitna ng tigda-dalawang upuan sa tabi.

"Sa tingin kasi namin maam masmaganda kung siya ang President dahil po lahat po kami hindi po matuonan ng pansin kung sa amin mapunta ang posisyon." Tumango si maam bago tumingin sa akin. Ang kabog ng dibdib ko hindi ko na macontrol. Sa tingin ko rinig at ramdam nila ang lakas ng kabog. Tumayo ako at lumunok.

"Maam, I don't accept the posisyon." Nanginginig kong sabi. Naluluha ako sa kaba at panginginig. Sabay naman silang nagsabi ng 'Ahhh'. Ang boses panghihinayang ang mas lalong nagpakaba sa akin. Anong gagawin ko. Isa sa mga bagay na ayaw ko ay may mga taong manghihinayang dahil inaasahan ka nila sa isang bagay. To believe that person that he can do it is a pain without thinking he can make you disappointed. Mahabang katahimikan mo ma bago may nagsalita at sinundan ng iba pa. 'Patay ka talaga sa akin Faye, pag-ako na pasubo dito.'

Cinde Carin (A Broken Dilly)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora