Chapter 14

2 1 0
                                    

Third Person POV

"Ma'am, may tao po sa labas," inporma ng isang naka-unipormeng katulong ang nagpatigil sa ginagawang pagngunguya ng tatlong taon na bata. Ang mga mata nitong walang ibang pinapahiwatig ay ang kung gaano ka-pure at innocent is she. Hindi niya pinansin ang katulong at nagpatuloy lang itong kumain.

Tumayo ang kanyang ina at ama at nagtungo doon sa labas kung saan may taong naghahanap sa kanila. Ngunit ganoon nalang ang gulat sa mga mata ng kanyang ama ng makilala ang lalaking kaharap nito.

Ito ang kanyang pinagkautangan ng malaking halaga. Habang ang kanyang asawa ay nakatitig lang sa lalaking malakas ang aura. Ngumiti ito ng matamis ngunit sa ama ng bata agad tumayo ang kanyang balahibo at nanuyo ang lalamunan.
Ang hindi alam ng ama ng bata kung ano ang nalalaman ng kanyang asawa.

"Handa na ba ang bayad?"

"Bigyan niyo pa po kami ng------"

"Handa na." Napatigil ang lalaki sa sinabi ng kanyang asawa. Nalilito niya itong nilingon. 

"Good, maghihintay kami dito dahil alam namin ayaw niyong nagpapasok ng hindi kaaya-ayang bisita ang makatapak sa mala-salamin na ninyong sahig." Mabilis na hinila ng asawa ang lalaki sa loob.

"Ano bang pinagsasabi mo?" mahina at gulat ang boses ng lalaki habang nakatingin sa kanyang asawa na kampanti lang na nakatayo sa kanyang harapan. "Wala tayong pambayad."

"Mayroon." agad na gumapang ang kaba sa dibdib ng lalaki. May kutob na siya sa maaring ipambayad ng kanyang asawa.

Sa kabilang banda. Sa likod ng pader kung saan naghihiwalay sa dining area at sala nakasilip ang isang bata. Dinig na dinig niya ang pag-uusap na ginagawa ng kanyang magulang.

"Ang bata ang pambayad natin. Naka-usap ko na ang lalaki at pumayag siya. At kaya siya andito upang kunin ang bata."

"Nahihibang ka naba? Anak mo ang ipambabayad!" Hindi niyo mapigilang magtaas ng boses.

"So, hahayaan mo lang na mamatay tayo kasama na ang sanggol sa sinapupunan ko." Balik sigaw ng babae.

Hindi na nakapagsalita ang kanyang ama. Sa gulat at walang masabi. Agad na tumakbo ang bata pabalik sa kusina. Hindi niya alam kung bakit siya natatakot gayong kaunti lang ang naiintindihan niya sa pag-uusap ng kanyang magulang.

"Baby, halika sumama ka kay mommy," tahimik siyang lumapit dito. Agad naman siyang binuhat ng kanyang mommy at lumakad palabas sa kusina. Nadaanan nila ang kanyang ama. Na hindi mapakali.

Nagtuloy-tuloy sa paglalakad ang kanyang mommy hanggang marating nila ang gate kung saan may mga lalaking naka-abang. Agad napangisi ang lalaki ng makita ang bata.

"Nice, payment," sabi nito pagkaharap ng bata sa lalaki. Walang sabi-sabing biglang kinuha ng lalaki ang bata dahilan at napahiyaw ito sa gulat at umiiyak. Ngunit ganoon nalang kasakit pagmasdan ang walang emosyong mukha ng kanyang ina. At hindi pagtangka nitong pagkuha ng niyang muli.

Pilit ini-abot ng bata ang kanyang mommy. Pilit niyang hinahawakan at isasabit ang maliliit nitong braso sa leeg ng kanyang mommy. Ngunit biglang itong tumalikod sa kanya at hindi na siya muling nilingon. Nagtuloy-tuloy ito sa paglalakad.

Ang maliliit nitong kamay at braso na pilit I naabot ang bagay na unti unti nawawala sa kayang paninhin dahil sa luha. Ang boses ng napakasakit na iyak ng isang sanggil ang yumanig sa mga sandaling iyon.

Hindi mapatahan ng mga lalaking nakabantay ang batang kanina pang umiiyak at tinatawag ang pangalan ng kanyang mommy. Ito ang batang kinuha nila sa subdivision bilang bayad sa utang ng kanyang magulang. Ang suot nitong pangmayaman na damit ay hindi nababagay sa lugar kung saan ito nakasalampak kasama ang mga batang ini-utusan nilang mamalimos.

Cinde Carin (A Broken Dilly)Where stories live. Discover now