[TDS(1)] : ADLS 27

470 16 2
                                    

Chapter 27

HEARTNELLE'S POV

Kinakabahan ako sa dalawang to ang talim ng tingin sa isa't isa nagpapatayan na ata to sa mga isip nila.

Nandito kami sa park pero bumalik kami kanina sa hotel matapos nung unang photoshoot para magpalit na nung dress at nung heels, hays hindi parin ako masyadong sanay.

---KANINA SA HOTEL---

"WAAAHH YOU LOOK SO GORGEOUS ATE HEART!"natutuwang sabi ni Swirll

"Ikaw din Swirll! Bagay na bagay sayo ang suot mo!"

Sinuot ko na yung heels at kinakabahan ako dahil baka mamaya ay madapa ako.

"Tara na ate!"suot nadin ni Swirll yung binili naming heels

Malamang nagkandahirap kaming dalawa bago makarating sa elevator ang sakit kaya sa paa!

Pagbaba namin ay nakasalubong namin sila Squall at Hearx.

Aba aba bat magkasama ang dalawang to.

Mukhang galing lang sa pagtawa si Hearx pero biglang sumama ang tingin nung napabaling iyon kay Swirll.

Aba aba magsisimula nanaman ba sila ng panibagong away?!

Hinila na ko ni Swirll at kamalasmalasan ay muntik kaming madapa pareho buti nalang at nakabalance si Swirll tsaka may humawak sa braso ko.

"Aray!"reklamo ni Swirll

Napaangat naman ako ng tingin at tumambad sakin ang seryoso nanamang mukha ng Squirrel na to.

"Salamat."sabi ko at tumayo ng ayos

"Lampa."rinig naming sabi ni Hearx at nagsimula nanaman silang magtinginan ng masama ni Swirll

Kailan ba matatapos ang bangayan nila?

Inis na hinubad ni Swirll yung heels niya at tumakbo palabas.

"Arte tsh!"sabi pa ni Hearx

Babatukan ko na sana siya pero lumayo agad siya.

Aysus! Pwede nga naman palang hubarin ang heels na to muna dahil hindi pa naman pipicturan!

Naglakad narin ako palabas kasabay si Squirrel.

------

Tapos na kaming make up an kaya nakaupo nalang kami at hinihintay ang turn namin.

Si Swirll at si Hearx na!

At gaya ng kanina ay nung sila nang mag partner ay nahirapan nanaman si Twinnie kaya tinignan ko sila ng makahulugan pero hindi parin sila umaayos.

Aish! Ako ang nahahighblood sa kanila sa totoo lang!

This time kasi ay nakaupo na sa bench at kahit ako ay naiirita dun sa pwesto pag magpartner na!

Pano nakaupo pareho tapos nakaakbay yung lalaki sa babae tapos nakahawak naman yung babae sa baywang nung lalaki at nakasandal sa dibdib! Bakit ganun kasi?

"Aray naman kasi! Ang diin nito umakbay! Ang sakit kaya! Are you planning to break my bones?!"inis na sabi ni Swirll

"Ikaw nga ang higpit ng pagkakahawak mo sa baywang ko! Nangungurot ka na eh!"inis na ring sabi ni Hearx

"ANG ARTE MO!"sabay nilang sabi

"Umayos kayong dalawa. Will you?"saway ni Squall

At ayun! Umayos!

The Dreamers Series 1: A Dream Love StoryWhere stories live. Discover now